equina
"Are you done?"
"Po?"
"Are you done preparing? Daan muna tayo sa mall saglit."
Tumayo ako mula sa kama at pinagbuksan ng pinto si Mommy. I think she's ready to go habang ako naman parang sasabog na sa sobrang kaba. I mean, it's my fault. Wala namang dapat ika-kaba pero ito ako ngayon, kung anu-ano iniisip.
"Kinakabahan ka ba? Para kang namumutla," she chuckled. Tinignan niya pa kung lukot ang dress ko. I felt like a kid again. She used to check my outfit before going to their reunion. Kapag nakita niyang may lukot ang suot ko, papaupuin niya ako at aayusin niya o 'di kaya sasabihan ako na magpalit.
"Baka po walang kumausap sa akin, Mommy."
That's what I was always afraid of, sa school man o hindi. Takot na takot akong walang pumansin sa akin. Hindi naman ako papansin na parang kaklaseng pabida, I just have so much to say and so many thoughts going around my head and it'd be useless to just keep them inside of me. Kaya nga tuwang-tuwa ako nung nakilala ko sila Taiven pagkatransfer ko. Hindi kasi sila nagsasawang makinig sa akin, minsan kahit wala nang sense sinasabi ko okay lang sa kanila.
"Pero diba friends naman kayo ni Eza?" tanong ni Mommy. "Siya na pinakamadalas mong nakikita sa lahat ng dati mong friends."
"Opo, pero hindi naman kami classmates kaya baka wala kaming common interest."
"Eh 'yung anak ni tita Danai mo?"
"Sino po? Si kuya Declan? Ang tanda na nun, e, Mommy!"
Pabiro niya akong hinampas sa braso at tumawa. "Hindi! Si ano... 'yung mas bata, 'yung Daron. I think he liked you when you were kids, palagi ka niyang tinatanong sa akin."
I stared at my mother in disbelief. Si Daron? Crush ako nung bata kami? E para nga siyang estatwa pag kami lang dalawa doon sa swing! Tsaka bakit hindi ko alam?
"Hindi mo po sinasabi sa akin," I frowned.
"Sinasabi ko, palagi ka lang talagang mas nakatutok kila Daz."
I won't deny that, of course. Dati nga parang hindi na kami mapaghiwalay, kaming anim. Buti na lang 'yung isa nahiwalay.
"Pero si Daron..." I trailed off.
"Ano? Close kayo?"
"Wala po, tara na."
We went straight to the mall and bought some bottles of wine. Hindi ko alam if si Mommy ang assigned doon or baka trip lang niya mamigay. Buti nga ay may tumulong sa amin na madala 'yon sa kotse. And then I went back to clutching the seatbelt and praying that I won't feel like an outcast.
Ano ba kasi 'yan! Mas nakakakaba pa 'to kesa sa 150-item quiz namin sa InteCal.
After almost an hour of driving, nakarating na kami sa resort nila Naomi. Everything felt familiar all of a sudden. Pakiramdam ko hindi ako lumaktaw ng ilang taon, parang normal na pangyayari lang 'to.
I looked around to check the resort. May mga konting nadagdag lang pero ganon pa rin kaganda at kasosyal. Marami pa ring pools sa iba't ibang part, slides, villa, tapos meron na ring pang rock climbing malapit sa botany garden at 'yong parang bar pero sarado pa 'yon kaya hindi ko sure. Napadaan nga rin kami doon sa aviary!