(A/N) Superman: whooo ang saya po ng sabado at linggo ko... pumunta po kaming tagaytay, batangas, Quezon Province at Laguna... whooo saya..
Walang lang share ko lang..
ENJOY
LOVELOTS ♥♥♥
-------
Lish P.O.V
Hindi ako makatulog.. excited na ako.. 1 linggo na rin matapos pumayag si FB ko dun sa date namin..Lagi nga akong puyat kakaisip nun eh.. kaya lagi na akong late.. baka mamaya mapalitan ko na siya sa pagiging president ng late club..
"Manang.. Hindi po ba uuwi sila momssy at popssy o kaya si kuya ngayon?" tanong ko kay manang... nasa sala pala ako ngayon.. si manang naman nasa kusina..
"Hindi ko alam iha eh.. sabi lang nila tatawagan nalang daw nila ikaw kapag uuwi na sila.. si kuya mo naman eh ayun.. nasa office niya raw baka gabi na siya uuwi sabi niya sakin kanina.. gusto mo ba tanong ko kung uuwi sila ng maaga?" tanong sakin ni manang.. nasa kusina pa rin siya gumagawa ng meryenda kasi tiyak pupunta yung mga kaibigan ko.. Friday eh! Barkada day naman... tsaka wala kaming pasok ngayon eh.. may meeting ang mga teachers for Outreach program daw..
"Wag na manang.. hayaan niyo na sila.. total nasanay na rin ako.." Totoo naman ehh.. nasanay na ako.. kahit mahirap kinaya ko kasi alam kong para nmaan to samin.. pero sa totoo lang ayaw ko ng ganitong set up ng family.. maginhawa nga buhay naming.. may maganda at malaking bahay.. may mamahaling kotse.. maraming pera.. may kompanya.. kayang bilhin lahat ng gusto naming..halos lahat ng material na bagay nasa amin na.. pero ano? Hindi ko naman hinihingi lahat ng to eh.. gusto ko simple lang.. may sapat na pagkain.. may kahit hindi magandang bahay basta gusto ko yung lahat kami sabay sabay kumain.. sama sama sa iisang lugar.. makapag bonding.. naiingit nga ako sa mga bata sa labas.. kahit halos wala na silang matulugan, wala na silang pagkain pati pera.. okey lang masaya sila.. eh ako?
"Huwag ka ng malungkot.. kaya lang naman nila ginagawa yun kasi mahal ka nila.. para sa kinabukasan mo.." sagot ni manang nasa tabi ko na siya.. hinihimas yung likod ko..
"Okey lang po ako manang.. hindi lang po lubos masyadong maintindihan.. hayaan niyo po iintindihin ko po" sabi ko nalang.. eh anong gusto niyong sabihin ko.. nag alit ako sa kanila.. may pangunawa naman ako.. mahal ko sila at alam kong ginagawa lang nila ito para sakin...samin ni kuya
BINABASA MO ANG
Siya na ba? o SIYA na..!
Teen FictionMay hahamon ba? Ang story ng buhay kong UNPREDICTABLE ang mga pangyayari! naniniwala ba kayo sa DESTINY o MIRACLES? Siguro in OUR PRESENT GENERATION... HINDI NA... AKO RIN HINDI NA NANINIWALA... kaya kapag nakita ko na siya.. gagawa ako ng paraan...