Prologue

62 3 0
                                    

Someone's POV

Finally!! Sa hinaba-haba ng nilakad ko nakarating rin ako dito sa school na to. Anak ng tokwa! Kanina pa ko paikot-ikot sa mundong to, dito lang pala yun. buti pa sa heaven of love kahit malaki di ka maliligaw, dito sa mundo ng mga tao maingay, magulo at mausok. Walang wala!


Nakakainis kasi yan si Kupido eh, ang dami daming parusang pwedeng ibigay dito pa sa Lupa. Kung nagtataka kayo kung ano ako, isa lang naman akong anghel! OO, Anghel! isang napakagwapo pero di basta-bastang anghel.

Nagtataka kayo no? haha, Literal na anghel ako! I am one of Cupid's Angels, also known as Angel of Love.


Nagtataka kayo kung bakit ako nandito sa lupa? Kasi may misyon ako. pinarusahan kasi ako, at ang parusa? Pumalit sa pwesto ni Kupido hanggang mag Valetines Day na 10 months mula ngayon! sus kung alam nyo lang kay kupido, eh kaya nga may mga taong broken hearted eh, dahil kung sino na lang yung gustong panain basta masabi lang na nagawa yung obligasyon nya. Tinatamad lang yun kaya binigay sakin tong misyon na to.

Napatingin ako sa mga hawak ko, Bow and Arrows at Love meter.

"Pano ko kaya malalaman kung sino yung unang misyon ko?" ang sabi ni Kupido biglang nalang daw tutunog tong Love meter pag nakita o nasa malapit lang yung papanain ko.


Tumingin ako sa hawak kong pana, meron akong dalawang kulay ng arrow isang blue at isang red. Syempre blue sa lalaki at red sa babae.

Tinanong ko nga kay kupido "Pano kung sa lalaki ko napana tong kulay pula?" ang sagot naman nya sakin wag ko na daw subukan kung ayaw kong magdagdagan ang mga paminta. Hahaha


Naglakad lakad nalng ako sa loob ng school na to, dito rin naman ako mag-aaral eh. Nagtataka kayo kung panu nang yari?? Well, walang imposible kay Kupido.

Anyway, kanina pa ko salita ng salita dito, hindi pa pala ako nagpapakilala. Well ako lang naman ang pinakagwap ng anghel ni Kupido, I am -- ...


BOGSSSHHH!!


"Aray!! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" sigaw ko sa lalaking nakasalamin na bumunggo bigla sakin.


"Sorry.. Sorry.. di ko sinasadya." Sabi ng lalaking bumunggo sakin habang pinupulot yung gamit nya na nahulog.


Pinulot ko nalng rin yung mga gamit ko, buti nalng di sagabal tong bow and arrow dahil invisible at nalalabas ko lang kung kelan ko gusto o kailangan.

Pupulutin ko na rin sana yung love meter na di ko namalayan na tumalsik rin pala, ng pinulot na to ng lalaki at binigay sakin.


"Eto oh, pasensya ka na talaga ah? Hindi ko sinasadya kuya. Nagmamadali kasi ako." hinging pasensya ulit ng lalaki.


"Ok, lang. mag iingat ka na lang din sa susunod." Sabay abot sa love meter ko.


TEEEET!! TEEET!! TEEEET!! TEEEET!!


Tunog ng love meter yan, wag kang ano.


Pagka abot ko sa love meter ay, tinalikuran na rin ako ng lalaki.


So, it's him! My first mission. Pero teka, bakit naman dito pa, eh mukhang nerd to?? Di bale I can handle it!


"Wait!" tawag ko sa lalaki, di pa naman sya tuluyan nakakalayo.


"Naku! Sorry po talaga! Di ko sinasadya."


"No, it's ok!" pigil ko sa kanya.


Ang OA naman nito, pinigilan ko lang eh. Tsk!


"Gusto ko lang malaman kung anong pangalan mo." Sabi ko.


"Huh??" kinakabahang tanong nya.


"Ah..." natakot ko ata "Bago lang kasi ako dito, I just want to be your friend, kung ok lang?" sabi ko nalang.


"Ah, hahaha. I'm Spike. Spike Kheil Johnson."

Gotcha! Spike huh?? Hehehe mukhang di naman ako mahihirapan sa misyon ko.


"Oh? Hi Spike, By the way I'm--"


Riiiiiiiiiing!! Riiiiiiiiiing!! Riiiiiiiiiing!!


Nagulat nalang si Spike ng biglang tumunog ang bell ng campus.


"Tsk! Tsk! Tsk! Sinong magkakagustong babae dito eh, mukhang lalambot lambot to! Para bell lang natakot na."


"Ah, kuya! Pasensya na kailangan ko na munang mauna, may quiz pa kasi ako eh. Hindi ako pwedeng ma late." Biglang sabi nito.


"It's Ok, go ahead. See you around!" paalam ko sakanya, at nagmamadaling naglakad na sya.


Pagkatalikod naman nya ay inilabas ko na rin ako aking bow and blue arrow. Saka inasinta ang likod nya.


POK!


Tunog ng pana ko na, tumama sa kanya. Syempre di naman nya naramdaman yun.


Saka ko tinignan ang natitirang red arrow sa kamay ko. "Biglang tuloy akong nacurious kung para kanino to?? Exciting to! Sino kaya ang babaeng para sayo.... Spike."

Role of Cupid: Accidentally Inlove with a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon