Chapter One

45 2 0
                                    


Spike's POV


Riiiiiiiiiing!! Riiiiiiiiiing!! Riiiiiiiiiing!!


Nagulat nalang ako ng biglang tumunog ang bell.


"Patay! Late na ko!!"


"Ah, kuya! Pasensya na kailangan ko na munang mauna, may quiz pa kasi ako eh. Hindi ako pwedeng ma late." Paalam ko kay kuya.


Patay yari ako sa Lec ko nito eh, hindi pa ako nakakapag review. Kung magkataon ngayon pa lang ako babagsak. kung bakit naman kasi ako pa yung napagtripan ni Sky na isama kagabi. Sumakit tuloy yung ulo ko.


"It's Ok, go ahead. See you around!" sabi nung lalaki.


Pagkasabi nun ay nagmadali na kong naglakad papunta sa room ko, ni hindi ko na nga nagawang alamin pa kung ano yung pangalan ng lalaking nabangga ko eh. Buti nalang mabait.


Andito na ako sa harap ng room ko.


"I'm 10 mins late tsk!"


On time pa naman dumating si Ma'am lagi.


"Good Morning, Sorry Ma'am I'm late" bati ko kay Ma'am Rodriguez, lecturer ko sa Economics.


"Oh? Mr. Johnson. Ito ata ang first time mong na late sa Klase ko?"


"I'm Sorry Ma'am hindi na po mauulit" hinging paumanhin ko.


"It's Ok, sana hindi na maulit. Go to your seat, hindi pa naman nagsisimula ang quiz ko."


"Thank you po Ma'am" umupo nalang ako sa upuan ko, sa tabi ng bintana.

Nakita ko dun ang mga kaibigan ko, at nakatingin sila akin.


Naku! Gigisahin na naman ako nitong mga to!


"Uy, My loves! Anong nangyari sayo? Bakit ka late? Nambabae ka anoh? Pinagpalit mo na akuuu.. huhuhu!" sabi ni Wilfred.


"Ha? Ano bang sinasabi mo dyan? Na late lang ako ng gising. Late na kasi ako nakauwi kagabi." sabi ko sa kanya.


Matagal na kaming magkaibigan nyan ni Wilfred since highschool palang hanggang ngayong nasa 3rd year college na kami. Business administration ang course namin.


Sya ang pinakaunang kaibigan ko since wala naman gustong kumaibigan sakin dahil nga isa akong nerd. Kung nagtataka kayo kung bakit My Loves ang tawag nya sakin... haha dahil bakla sya. Pero ok lang naman sakin yun, nasanay na rin ako.


Ewan ko nga ba dyan kay Wilfred, nung highschool naman kami hindi naman sya ganyan. Kaya nga nagulat nalang ako biglang bumigay pagdating namin ng 3rd year highschool. Pero kahit ganun ayos lang naman, tanggap ko sya kung ano o sino man sya. Isa kasi sya sa pinaka malapit kong kaibigan.

Role of Cupid: Accidentally Inlove with a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon