Shane's P.O.V
Gabi na akong nakauwi sa apartment na tinutuluyan ko dahil sa trabaho ko bilang isang waiter sa isang restaurant, pagod akong napahiga sa kama ko, napabuntong hininga nalang ako nang maalalang may exam pa pala kami bukas kailangan ko pang mag study kinuha ko nalang yung mga notebook ko para mag aral.
Halos apat na oras na akong nag aaral, napatingin ako sa orasan dito sa loob ng kwarto ko 2:45 a.m na, di ko namalayan yung oras hayts, tumayo ako at niligpit yung mga notebook ko na pinagaralan para makapagpahinga na.
Nagising ako sa alarm clock ng CP ko kinabukasan kaya dumiritso na ako sa banyo para makaligo na. Kasalukuyan akong nag bibihis nang may kumatok ng sobrang lakas sa pinto dali dali akong nagbihis at agad ko yung pinuntahan at pinagbuksan.
"Hoy babae! mag bayad ka ng upa mo dalawang buwan ka nang di nag babayad sakin" pagkabukas ko bumungad sakin si Aling Linda ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko.
"Ano!? tutunganga ka nalang ba diyan, wag mong sabihin wala ka nanamang ipambayad sakin ngayon di pwede yan" napabuntong hininga nalang ako.
"Ah... wala pa po kasi akong sahod ngayon eh tapos yung pera ko binayad ko sa tuition ko kasi mag eexam na, pwede po bang next week na pag nagka sahod na po ako" mahinang sabi ko. "Abay di pwede yan, yan din yung palusot mo nong nakaraang buwan eh, mag bayad ka kung ayaw mong palayasin kita dito" napayuko nalang ako.
"Pasensya na po talaga pero wala talaga akong pera sa ngayon eh".
"Ganito nalang, tatagalan kita hanggang mamayang hapon pero kung pag di ka parin maka bayad, pasensya nalang" mariing sabi ni Aling Linda bago padabog na umalis.
Napaupo nalang ako sa sahig gusto ko nang tumigil sa pag aaral di ko na kaya yung pang araw araw na pangangailangan ko dito pero di pwede, sakin umasa yung mga pamilya ko sa probinsiya pano nalang yung mga pangarap nila sakin pag tumigil ako at sayang yung scholarship kung titigil ako, bahala na. Napatingin ako sa CP ko nang tumunog iyon... tumayo ako para kunin yun nakita ko yung number ni Mama don.
"Hello ma, kumusta na kayo diyan... Okay na ba si Gen?" panimula ko, gusto kong umiyak nang marinig yung mga hikbi niya sa kabilang linya.
"Ma, okay lang po ba kayo bat ka umiyak?" narining kung bumuntong hiniga siya.
[Okay lang kami dito anak, pero Shane pwede bang makahingi ako ng kunting pera kasi sinugod na naman sa Hospital si Gen kagabi eh at kailangan bilhin yung gamot niya kaagad] tuluyan na akong umiyak nang marinig iyon mula kay Mama.
"Ah sige ma, ipapadala ko mamaya" sabi ko nalang kahit wala na akong pera, di ko pinahalatang umiyak ako baka mag alala siya sakin dadagdag nanaman ako sa iniisip niya.
[Salamat anak ha pasensya kana wala kasi akong matakbuhan eh... kumusta kana diyan maayos ba yung pag aaral mo?].
"Ma okay lang ako dito wag niyo na akong isipin basta hiling ko lang mag iingat kayo diyan palagi" napapikit ako nang sabihin ko yun.
[Ikaw rin mag iingat ka jan... Sige anak ibaba ko na to ha kailangan ko pa kasing bumalik sa Hospital ngayon] tinakpan ko yung bibig bago tumango na parang nakikita ni Mama.
"Sige ma, paki sabi kay Gen mahal na mahal siya ni Ate" huling sabi ko, ako na mismo ang pumutol sa tawag namin ni Mama ayaw ko nang marinig pa yung mga hikbi niya, wag kang mag alala ma malapit na akong maka graduate aahon din tayo.
Matamlay akong pumasok sa room namin nang makita ko si Lean best friend ko na parang baliw na nag aaral sa desk niya.
"Oi nakag pag study ka?" tanong niya nang makaupo ako tumango nalang ako sa kanya.
"Bhie, okay ka lang parang ang tamlay mo yata ngayon" dagdag niya napatingin naman ako sa kanya. "Okay lang ako masakit lang yung ulo ko" sagot ko di nalang siya nagsalita at bumalik nalang sa pag study niya nang mapansing wala ako sa mood.
YOU ARE READING
Killer's Obsession (Sebastian Zachary Obsession) [Ongoing]
Roman d'amourShanelle Madrigal is normal College student who wants to graduate to help her family, she's a beautiful woman and a kind person, maraming lalaki ang gustong maging Girlfriend siya pero tinatanggihan nya ang mga ito dahil mas priority nya ang pamilya...