Chapter 09

69 10 0
                                    

Shane's P.O.V
"What condition?" tanong ko sa kanya.

"Payag akong mag aaral ka ulit pero sakin ka uuwi at ayokong may lumalapit sayong mga lalaki lalo na yung Chief, understand?" sagot niya. "Paano na yung mga kaibigan ko!?" tinaasan niya ako ng kilay. "Fuck! just stay away from them if you want to see you friend walking in this world".

"per-" pinutol niya yung sasabihin ko. "No more buts kung ayaw mong bawiin ko yung sinabi ko" di nalang ako nagsalita okay na din yun para makatakas ako sa kanya. "Deal?" ani nito. "D-deal" utal ko sagot, tumango siya bago binalik sa newspaper yung tingin niya.

Kinabukasan hinatid ako ng isang tauhan niya sa apartment, di siya pumapasok sa kompanya niya dahil sa kalagayan niya kaya tauhan niya ang naghatid sakin. Napapaisip ako kung saan ang lugar na iyon puro mga puno lang yung nadadaanan namin papunta sa Makati. Pagdating sa apartment ko inimpake ko lahat ng mga gamit ko walang tinira, uuwi na ako sa mindoro ayaw ko nang makita ang lalaking yun. Bahala na kung magtitinda lang palengke don basta ang mahalaga makawala na ako sa kanya.

Pagkatapos kong mag empaki sinarado ko yung apartment bago binigay kay Aling Linda yung susi nagtanong pa siya sakin kung bakit ako aalis pero di kona sinagot. Sumukay ako ng tricycle papuntang bus station buti nalang nakaabot ako bago sa biyahe papuntang mindoro. Tahimik lang ako boung biyahe habang iniisip yung magiging reaksiyon ni mama pag nakita akong umuwi, ano nalang kaya sasabihin niya pag nalaman niyang di na ako mag aaral, bahala na ang mahalaga nakalaya ako mula sa lalaking iyon. Matagal tagal pa yung biyahe papuntang mindoro kaya natulog muna ako.

Nagising ako nang may umalog sakin, minulat ko yung mga mata ko. "Nasa mindoro na tayo, miss" sabi nong isang pasahero bago tumayo. Pagkababa ko sa bus huminga ako ng malalim, hayts namiss ko tong lugar na to ilang buwan narin yung nakalipas nong umuwi ako dito para sa bakasyon.

"Shanelle!?" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. "Mang tonyo!" nakangiti kong sabi, siya yung kapitbahay namin na driver ng tricycle. "Umuwi ka pala... lalo ka yatang gumanda" sabi niya. "Naku kayo talaga, binobola niyo nanaman ako eh" tumawa lang siya sa sinabi ko. "Totoo! halos di na nga kita makilala eh" umiling nalang ako. "Kayo talaga... Ahm pwede po bang pahatid sa bahay mang tonyo mukhang wala ng tricycle eh" sabi ko at luminga linga para mag hanap ng tricycle. "sige, wala naman akong pasahero ngayon eh" ngumiti lang ako sa kanya bago sumakay sa tricycle.

Medyo may kalayuan yung lugar namin mula sa terminal kaya nakikinig nalang muna ako ng kanta. Huminto sa tapat ng bahay si Mang tonyo, binayaran ko muna siya bago bumaba. "Salamat po mang tonyo" sumalodo lang siya sakin bago paandarin yung tricycle niya. Napatingin ako sa bahay namin, huminga ako ng malalim. 'back to normal again shane' bulong ko bago binuksan yung maliit na gate.

Nabitawan ko yung mga gamit ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa lalaking buhat buhat yung bunso kong kapatid. After how many years he's cameback for what?. Tinitigan ko lang yung ama ko... anong karapatan niyang mag pakita ulit samin matapos niya kaming iwan. Napatingin sila sakin ng mapansin ako. "Ate!" sigaw ng bunso kong kapatid, di ko inalis yung tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon... biglang bumalik lahat sa akin yung mga panahong walang wala kami ni Mama pero siya nagpapakasaya sa ibang pamilya tapos ngayon babalik siya para ano... naramdaman kong nanubig yung mata ko kaya lumuhod ako at niyakap nalang si Gen.

"Asan si Mama?" tanong ko kay Gen, naramdaman kong nakatingin samin yung ama namin pero binalewala ko nalang iyon. "Andon sa kusina nag luluto" sagot ni Gen. "Ate! ma andito si Ate!" sigaw ni Shawn, kasunod kong kapatid. Nagsitakbuhan naman yung tatlo kong kapatid mula sa taas. "Ate!" sabay sabay nilang sigaw bago yumakap sakin, napangiti ako dahil don at niyakap sila pabalik.

"Shane Anak!" napatingin ako kay Mama na kagagaling lang sa kusina. "Ma" nakangiting sabi ko. Binitawan niya yung hawak niyang sandok at naiiyak na yumakap sakin. "Na mimiss kita anak" umiiyak nitong sabi kaya niyakap ko nalang siya pabalik. "Bakit di mo sinabing uuwi ka nang malutuan kita ng pagkain-" napatigil si Mama sa pagsasalita ng makitang nakatingin ako sa likod niya, tumingin din siya sa tiningnan ko.

"Ah, Anak papa mo pal-" di kona pinatapos si Mama nang pulutin ko yung mga bagahe ko at umakyat sa taas. "Mag papahinga muna ako Ma, pagod ako sa biyahe" sabi ko bago tuluyang umakyat, sumunod naman sakin yung mga kapatid ko. Pumasok ako sa dati kong kwarto napataas yung kilay ko nang makitang nasa loob si Shawn. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. "Ate naman ang taray parin walang pinagbago" sabi nito. "Ahh! ganon!" lumapit ako sa kanya piningot yung tenga niya. "Aray! ate tama na!" binitawan ko yung tenga niya nang mamula iyon. "Kainis naman... walang bang pasalubong diyan ate?" inirapan ko siya. "Nasa luggage ko" lumiwanag naman yung mukha niya at dali daling kinuha yung luggage ko.

Napatingin ako kay Gen at Sia na nakatingin lang sakin. "Bakit? may problema ba?" umiling lang silang dalawa. "Halika nga kayong dalawa dito" lumapit silang dalawa sakin. "Di ba kayo masaya na andito na si Ate bakit kayo malungkot?" hinaplos ko yung mga mukha nila at hinalikan. "Eh kasi bakit parang away mo kay papa kanina, mabait naman po siya ate" napabuntong hininga ako, naawa ako sa mga kapatid ko na walang alam sa mga pinag gagawa ng ama namin noon. Kung alam niyo lang kung gaano kasama 'yong ama natin noon katulad ko rin kayo kamumuhian siya.

"Pagod lang si Ate okay... kamusta kayo dito habang wala si ate hmm?" iniiba ko yung usapan namin ng mga kapatid ko ayaw kong pagusapan ang tungkol sa ama namin. "Okay lang naman ate... alam mo ba ate may dinalang babae si kuya Shawn dito ang sabi niya girlfriend daw niya yun" napatingin ako kay Shawn na ngayoy sobrang sama ng tingin niya kay Sia. "Ang daldal mo talaga Sia!" tinawanan lang siya ni Sia. "Totoo naman ah, sinabi mo pa nga na ate yung itawag namin sa kanya" natatawang sambit ni Sia.

"Anong yung sinabi ko sayo bago ako umalis dito? nag promise ka pa nga non eh!... ano nga ulit yun?" pinanliitan ko si Shawn ng mata. "Mag aral muna bago mag jowa para makatulong kay Mama" sagot niya, napangisi ako dahil naalala niya parin iyon. "So ano ngayon?" ngumuso lang siya sakin. "Ate nililigawan ko pa lang naman siya  eh" nakangusong sabi niya. "Anong nililigawan ka jan... di ka pa nga marunong mag laba, alis ka nga diyan! dalhin mo yan don sa kwarto mo don ka magkalat wag dito... tigil tigilan mo ako sa ligaw ligaw na yan ha, pag ikaw talaga naka buntis patay ka sakin" napasimganot siya sa sinabi ko at binuhat nalang yung luggage. "Si ate naman parang tanga!" sambit niya bago lumabas.

"Ate! kakain na daw" napatingin ako sa pinto nakita ko yung isa kong kapatid don naka dungaw. "Ohh kakain na daw pumunta na kayo don... sabihin niyo nalang kay mama na busog pa ako at magpapahinga lang muna ako ha?" sabi ko sa mga kapatid ko tumango naman sila at humalik sa pisngi ko bago nagsitakbuhan palabas ng kwarto ko.

Napahiga ako sa kama ko, finally i will never see him again.

Mamatay ka kakahanap sakin Mr. DelVasco...

Killer's Obsession (Sebastian Zachary Obsession) [Ongoing]Where stories live. Discover now