Two

16 0 0
                                    

"Saluhin mo nang maayos ha kung hindi babatuhin talaga kita ng mangga." Asik ko kay Anna.

Inirapan lang ako nito. "Bilisan mo nalang kasi. Bakit ka pa kasi umakyat diyan eh ang baba lang nitong puno. At may sungkit naman. Hayy nako Ayeesa ang sakit mo talaga sa bangs."

"Hoy fyi, wala kang bangs. And tumahimik ka nalang kaya at nang makababa na ako dito." Sabi ko dito at itinapon ang manggang nakuha ko. Nasalo naman yun ni Anna at kumuha pa uli ako ng isa. Bumaba na din ako after.

Umupo kami sa ilalim ng puno at kinuha ko agad yung knife. Binalatan ko ito at perfect. Hindi pa ito masyadong hinog at hindi din naman masyadong hilaw. I sliced it and ate it with hipon. Hayy ang sarap talaga. Ang sarap mabuhay dito.

I look at Anna and found na nakahiga ito malayo layo sa kin kasi daw baka matapunan siya ng hipon mag amoy langsa pa daw siya. Ang oa lang talaga. May earphone sa tenga niya at naririnig ko pa ang music dito. It's I really like you by C.R.Jepsen.
Una ko yang narinig sa Penshoppe nung nag shopping ako. Na lss din ako diyan ng limang araw. Ang ganda kasi. Ang iba naman ay andun din nakahiga sa ilalim ng puno. Tag iisang puno talaga sila ha. Magkakadikit lang din kasi ang mga puno dito kaya hindi kami masyadong malayo sa isat isa. Katulad din sila kay Anna. Nakahiga at may earphones na nakasaksak. Sabi nila they need to relax daw this day kasi malapit na mag sstart ang klase. At ako naman kumakain ng mangga. No bago.

We have no scheduled gala for this day. Unwind day lang talaga daw. Malapit na din mag 5pm and we need to make pabalik na sa Bacolod 'cause we need to go to Dumaguete na tomorrow. 1pm na ako nagising kanina. Hindi na din nila ako ginising nang mag lunch at pumunta sila sa city para bumili ng mga souveneirs at pasalubong. Naubos ko na ang dalawa kong mangga at tumayo ako para kumuha ulit ng isa. Hindi na ako umakyat at naabot ko naman ang isang bunga. Tumingin ako sa iphone ko and saw na its already 4:38 pm. Tumayo ako at naglalakad na pabalik sa rest house. Umakyat ako sa kwarto at naligo.

Narinig kong may papaakyat at bumukas ang pinto ng kwarto namin. Pumasok si Anna at dumiretso sa banyo. At the moment, nagda draw ako ng kilay ko. Uy, may buhok pa din ako sa kilay ko no pero kasi nung may kasal sa side ng daddy ko at ako ang isa sa mga bridesmaid, ang baklang nag make up sakin kinalbo yung kilay ko. I am so damn frustrated after the wedding kasi pag i look at the mirror and saw na ang nipis na ng kilay ko i feel like kalbo ang mukha ko. Eh hindi pa ako naglalagay nang ganito kahit na second year college na ako, mas nadagdagan pa ang frustation ko nun sa bakla. Kaya ito ako ngayon natuto nang wala sa oras kasi ayoko namang lumabas na parang wala akong kilay ano.

Naglagay na din ako ng mascara at tint lip balm. Its my everyday make up. I packed my things na din at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko doon silang lahat except kay Anna na naunuod ng Americas next top model cycle 15. Rerun lang pala to. Umupo ako agad kasi ito yung gusto ko sa mga cycle ng Antm. Idol ko kasi dito si Ann Ward. Yung winner ng cycle15. This is the episode na may partners sila at may male model. Photoshoot sa isang syreet sa Nyc. Nag cocoment naman yung mga bruha pag may napapansin sila na pangit sa pose ng mga model tapos i ssample naman nila kung ano yung dapat na bagay na pose.

If you havent knew pa we're also models. Hindi naman full time basta ba maganda lang yung shoot or fashion shows or kaya naman famous ang designer or kakilala namin ang photographer. Mga one and a half year palang ako sa industry na to simula nung magbagong buhay kuno ako. Sila naman mga almost 4 years na din sila. Mas sikat sila sakin, i know. Hahahah. Si Keemai nga naging model pa ng Guess that one time. Swerte lang niya and i envy her at that time kasi favorite brand ko ang Guess. Napapasama na din kami sa different fashion show sa Manila. And we're all bench models. Nakasali ako sa fs nila yung the naked truth last year, ang saya saya ko nga nun kasi i think that was my most memorable day yet in my modelling career. Nakita ko kasi in person si Allison. Grabe ang ganda niya she's like a doll and yeah her eyes is so beautifully big. We have pictures together and parang naging pangit ako nung dumikit ako sa kanya. Ang ganda niya lang talaga. Nag fa fangirl talaga ako that time, sila namang mga supportive friends ko pinagtawanan nila ako dahil sa pagpipigil ko na sumigaw- syempre hindi ko ginawa yun baka mapagkamalan pa ako ni Allison na crazy- syempre pagkatapos na ng show. Nakita na kasi nila si Allison last last year ng fs din ng bench, tapos na daw sila pag fa fangirl. Kasama pa dun si Sophie. Sayang talaga yun.

Me and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon