Twelve

8 0 0
                                    

"ARAY!" Araaaaay. Ouch! Ouch talaga, tangina!

Narinig kong tumawa si Anna sa kabilang sofa. Sinamaan ko ng tingin, inirapan lang ako nang bruha. Bwesit na tiningnan ko ang phone na nasa dibdib ko. Kinuha ko ito hinaplos ang parte na nabagsakan ng phone. Buti nalang at hindi sa mukha ko. Tss

Nagpaikit ikot ako sa upuan habang nag i instagram. Iniligay ko na ang mga binti ko sa sandalan ng sofa at buhok ko ay nahuhulog na sa sahig.

Binitiwan ko ang phone ko at tiningnan si Anna na nakangisi. Parang timang.

Kinuha ko ang unan na nahulog sa sahig at ibinato kay Anna sa mukha. Bulls eye! Tumawa ako.

Natigilan lang ako nung nasapol naman ako sa mukha. Nag iba na naman ako ng posisyon at kinuha ang unan at niyakap.

"Annaaaaaa... I'm bored." I said not looking at her.

"Tawagan mo boyfriend mo." She said still texting someone.

Napangiti naman ako doon. Shit, may boyfriend na talaga ako. Alam na nila. Sinong hindi, kahit gabi na hinintay talaga nila ako sa sala maka tsismis lang. Sinabihan ko naman sila lahat. Nagulat sila pero naintindihan din naman nila ako. Winarningan lang talaga ako ni Keemai.

"Haay, ayoko ko nga."

"Arte nito. Tawagan mo na iyon at nang hindi ako ang nabubulabog mo." nakaismid na sabi nito.

"Gusto kong manood ng movie. Pero nakakatamad naman kumuha ng laptop ko. "

Wala na akong nakuhang sagot kay Anna. Hindi niya ako pinansin. Waaaaa nakakaburyong naman ang araw na ito. Bakit ang tagal naman yata nang 7pm? Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 11am pa lang. Waaaa ang tagal pa ng flight namin.

Gumulong ako sa carpet namin at doon nag pagulong gulong. Shit ang bored ko na talaga.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Keemai at umupo sa binakanteng sofa ko.

"Wala." Mangiyak ngiyak na sabi ko. Nakakastress ang sobrang boredom. Promise.

"Tawagan mo kaya si Daniel." Suggestion ni Keemai.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy sa paggulong gulong habang ngumangawa. May narinig ako na ting. May notif ako. Agad akong tumayo at kinuhaang phone ko sa sofa.

Napasimagot ako ng notif lang pala ito sa ig. Someone tagged me a video.

"Ayan, text lang pala ni Daniel ang iniintay mo. Kung i text mo nalang kaya?" Nang iinis na sabi ni Keemai.

I rolled my eyes at her. "Ano to?" I ask reffering sa video na tinag niya sa akin. I opened it at natawa sa video.

Vinedeohan lang naman ako ng bruha habang nagpagulong gulong ako sa carpet. Walang hiya. Sinipa ko nga. Haaaay nako, mamatay ako sa sobrang boredom dito.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Naligo at nagbihis. Short shorts at hoodie. Naka tsinelas lang din ako. I put my hair into a bun. Bahala na kahit basa pa. Nag mascara lang ako at nag kilay. Kinuha ko ang small jansport bag ko at inilagay ang wallet, phone at lumabas ng kwarto.

Kumatok ako sa kwarto ni Sheng. Bumukas naman agad ito. Inilahad ko agad ang palad ko at tinaasan lang ako ng kilay.

"Pahiram ng susi ng motor mo."

Inirapan lang ako nito nawala agad sa paningin ko.

"Catch." sigaw ni Sheng sa loob. Nasalo ko naman agad ang susi.

"Salamat." sinarado ko ang pinto at lumakad na palabas ng bahay. Kinuha ko ang phone ko at nag text.

'I'm bored.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon