Ten

14 0 0
                                    

"Ayeesa, wait up." he said sabay lagay ng braso nito sa balikat ko. Kinuha ko ang braso nito pero bumalik pa rin naman kaya hinayaan ko na. Hindi ko pa rin siya inimik.

Nag stop ito sa harap ko kaya napatigil na ako. I look up to him-yeah kahit matangkad na ako nakatingala pa rin ako sa kanya- and glare at him. Playfully, but he doesn't know that. But after 2 minutes, he pouted.

Shit.

Ang cuteeee lang. Ang gwapong gwapo na nga niya nag pout pa, wala na. Hindi ko kayang hindi siya i pinch sa cheeks dahil sa sobrang gwapong cute niya. Pero hindi, makakayanan ko ito. I struggle sa pag maintain nang poker face ko.

"Ngingiti na yan. Sige na, sorry na. Pleaseee." and he did it again.

No, I can keep my poker face pa.

"Ngiti na. Smile na please."

And he flashed me his maka-melt-sa-heart smile. And I can't control it, I pinched hard his cheeks. Sa nanggigigil ako eh.

"Pasalamat ka at cute ka." I said at nauna na ulit lumakad.

May braso na naman na nakaakbay sa akin.

"My cheeks hurts and you called me cute and my ego's bruised." he said and I look at him and see if he is mad pero nakangisi naman ang loko. And I burst out laughing. Ang pula ng pisngi niya. Shoot, ayan na naman ang killer pout niya. Naawa naman ako sa kanya kaya tumigil na ako.

"Sorry?" And then I kissed his left cheek. "Ayan, okay na?"

He smiled. "Much better."

Umirap ako. "Ang landi mo lang eh."

He chuckled. Humawak ako sa bewang niya. PDA lang eh. Pero comfortable naman, inggit lang sa mga makakakita.

Malapit na kami sa Army Navy nung napansin ko na pinagtitinginan pala kami ng mga nadadaanan namin. Well, mga matatangkad kami at tsaka sa ganda ko ba naman at gwapo nitong kasama ko. No wonder.

"Burger." I shrieked nang nakapasok na kami.

"Easy tiger." he said na tumatawa. Siniko ko nga.

"Pila na tayo bilis." I said and left him.

"Upo ka nalang. Ano ba order mo?" he ask me.

I look at him. Matagal.

"Of course, it's my treat. Go."

"Yesssssssss. Thank you." I said at niyakap siya. "Damihan mo nang fries ha. I mean it literally."

He nodded and smiled at me. The no. 2 smile. The maka-melt-sa-heart smile.

Ngumiti lang ako sa kanya at naghanap nang mauupuan. Nakakita ako nang mesa sa isang sulok. Nagmadali agad ako papunta doon at baka maunahan pa ako.

I placed my bag sa table at look around. After 5 minutes, I was bored kaya kinuha ang iphone ko. Pinicturan ko ang table namin at ang vacant chair sa harap ko with my bag and hand. I edited it after sa vsco cam. And then uploaded to IG. May caption is 'vacant, yet.'

Nag comment si Stan. ' sinong kasama mo?'

Pakialam nito. Nang sstalk siguro tong lalaking to. Wala pang 3 seconds naka comment agad siya? I rolled my eyes. Hayyy. Ang hirap makaintindi. Hindi ko nalang pinansin ma bv pa ako.

Nag scroll lang ako sa feed ko at napaubo ng di oras. May picture namin ni Karl. Ito yung time after nang body shot namin ni Karl. Hindi naman kita mga mukha namin kasi may jacket sa mga ulo namin. Pero naka tag ako eh. Nakakadisturb lang kasi yung pic dahil sa kamay ko na nasa ilalim nang tshirt ni Karl at ang kamay ni Karl na naka grope sa bewang ko. Bwesit talaga to si Jem.

Me and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon