Chapter 8: Make Friends

57 4 4
                                    

Chapter 8: Make Friends

***
Night's POV

"I got out on the second floor....." dun biglang lumiwanag ulit hanggang sa dalhin na nila ako sa susunod na tanong. Akala ko ay sa susunod na tanong pero hindi...

'Saan ako dadalhin ng liwanag na ito?'

Makalipas pa ang ilang sandali ay pakiramdam ko pwede na akong dumilat kaya ginawa ko. Unti-unti narinig ko ang ingay sa paligid ko.

"Oo nga eh, madali lang naman yung mga tanong."

"Pero nakakatakot talaga yung unang tanong. Haha pakiramdam ko sinusundan ako ng tingin nung lalaking yun eh."

Tuwang tuwa naman akong tumitingin sa paligid ko.

'Marami rin pala kameng nakapasa. Nakakatuwa.'

Dahil sa iniisip ko ay natawa ako. Naglakad lakad pa ako ng kaunti hanggang sa makaabot ako sa isang napakagandang puno. Kulay ginto ang dahon nito na nakakapang-agaw talaga ng pansin.

"Magandang araw!" bati ng isang malaking lalaki. Ngumiti naman ako sa kanya.

***

Narrator

"Magandang araw!" bati ng isang malaking lalaki kay Night. Ngumiti si Night dito.

"Magandang araw din po!" bati pabalik ni Night. Ngumisi ang lalaki.

'Ang unang biktima. Sa wakas...' sa isip-isip ng lalaki.

"Ako nga pala si Jojo. Ikaw si?" pagpapakilala ni Jojo kay Night.

"Ako si Night!" nakangiti pa nitong sagot.

"Meron ako ditong inumin para sayo, kung di mo mamasamain." sabi ni Jojo sabay kuha ng inumin na tinutukoy niya sa bag niya. Pagkakuha niya sa bag niya ay agad niya itong binigay kay Night. Tinitigan ni Night si Jojo na nakangiti.

"Ang bait mo naman po! Salamat!" masayang sabi ni Night kay Jojo. Napangisi naman ang matanda.

'Inumin mo na...'

pero nagulat ang matanda ng di ituloy ni Night ang paginom dito at mas malala ay tinakpan pa ang ilong nito at nilayo ang lata.

"A-anong problema?" nagtatakang tanong ni Jojo kay Night. Ngumiti ng may bahid ng paumanhin si Night.

"Pasensya na kuya, pero amoy sira kasi ang inumin na ito. Madalas ko itong maamoy sa aking tinitirhan noon."

'Lecheng bata to. Palpak.' sa isip-isip ng matanda. Kinuha nito ang lata at itinapon. Tsaka ngumiti ng pilit kay Night.

"Pasensya na. Hindi ko alam na sira na pala ang mga inumin ko." sabay yuko tanda ng pagpapasensya.

'Tch.'

Night's POV

'Pakiramdam ko ansama ko dahil tinanggihan ko ang matandang iyon at ang mas malala ay sinabi ko na ang inumin na iyon ay sira. Hays...'

Napabuga ako ng hangin. Inilibot ko pa ang paningin ko. Ang saya talaga nila. Bakas na bakas sa mukha nila ang excitement.

"Uy Night!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko at napangiti ng malamang si Lucky pala iyon. Patakbo siyang lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Ayos! Kanina ka pa dito?" tanong nito sakin.

Asgard High [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon