3rd Chappie~

64 5 0
                                    

Chapter 3: Odin: The Devil's Blind Eye.

"Alam mo ba kung saan ko nakuha to?" Tanong ni Odin sakin habang tinuturo ang silver eye niya. Umiling lang ako.

"Ganto yun..." 

*Flashback*

Odin's POV

Nakikipaglaban kami, pero isang masamang balita ang natanggap ko galing kay Loki. 

"PRE! SI FRIGGA! NAWAWALA!" sigaw sakin ni Loki. Pero ano daw?!

"ASAN SIYA?!" Pasigaw din akong nagtanong. Nakatanggap naman ako ng batok galing kay  Eir.

"Nawawala nga eh gago. Sige hanapin mo dito ang nawawala -_______-" -Eir.

"Ah eh.. hehe?" -ako. Si Frigga ang kasintahan ko. Nagpaplano na kameng magpakasal pagtapos ng digmaang ito. Pero... bakit? 

Napaluhod ako at yumuko. Kasabay nun ay ang pagbuhos ng ulan. 

Pero binatukan ulit ako ni Eir.

"ANO BANG PROBLEMA MO?! KITA MONG NAGDADRAMA AKO EH!" Pasigaw kong sabi kay Eir pero sinuntok niya lang ako kaya napatalsik ako. Umupo ako at tumawa ng pilit.

"EH KUNG HINAHANAP MO NA SIYA AT DI KA NAGDADRAMA JAN!" -Eir.

"Oo nga no?" Tumayo ako at nakipag-apiran sa kanila.

"Good idea Eir. Ang talino mo pala." Tsaka ako tumakbo. 

"Gago!" Narinig ko lang na sigaw ni Eir. Napangiti ako. 

***

Ilang araw akong naghanap sa buong mundo dahil ang sabi Eir baka na-teleport siya sa ibang bahagi ng mundo. 

Ilang araw, ilang linggo at ilang buwan na akong di nakakatulog at nakakakain ng maayos dahil araw araw ay iba't ibang bansa ang nadadaanan ko, iba't ibang halimaw ang nilalabanan ko at iba't ibang panganib ang kinakaharap ko. Pero balewala ang lahat ng iyon dahil desidido akong mahanap ang taong pinakamamahal ko. 

Pero dumating na ang time na sumuko na ako.... 

Namatay na ang pag-asa ko. Ang pag-asa na sakaling buhay pa siya. Mahirap umasa sa wala, lalo na't yung inaasahan ko ay di malaman kung buhay ba talaga o patay na. 

Tumigil ako sa isang fountain na may istatwa ng isang diyos na hawak ang mundo sa isang kamay at hawak naman ang libro sa isa pang kamay. Naupo ako sa fountain at malungkot na pinagmasdan ito. Frigga, where the hell are you?

Nagulat naman ako sa aura na bigla kong naramdaman, masyadong malakas at nakakatakot pero di ako natakot. Lumitaw ang isang lalaking may demonyong ngiti. Nakakapangilabot na ngiti lalo na't galing kanya. Ampangit niya eh.

"Marahil ika'y nagtataka kung sino ako." Ang pormal naman niya magsalita -_____-

"Hindi. Wala naman akong pake kung sino ka." sabi ko sabay talikod. Wala akong panahon para sa demonyong tulad niya.

"Ako si Devid." 

"Gaya nga ng una kong sinabi, WALA AKONG PAKE KUNG SINO KA." Inemphasize ko pa ang 'Wala akong pake kung sino ka.'

Nagsimula na akong maglakad paalis sa lugar na yun. 

"Kaya kitang tulungan maging malakas para makita ang nawawala mong kasintahan." Napatigil ako dun. At sa pagharap ko, ang pangit na demonyo ang nakita ko -_____-

Asgard High [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon