Chapter 5: Awakening the Power: Telekinesis.

86 5 1
                                    

Chapter 5: Awakening the Power: Telekinesis.

★★★

Night's POV

"Psst!"

Nagpatuloy lang ako sa paglakad pero napahinto ako. May sumulpot sa harap ko na isang.........

"Shit."


Isang wolf. Pero ang cute niya kyaaaa hahahaha. Tumakbo na ako ng mabilis baka maging hapunan pa ako ng hayop na to. Mehehe.

Habang tumatakbo nag-iisip ako. Wait. Tama!

*Concentrates*

*Imagining an energy flowing all over my body*

* I'm in a fall. Letting the water from the fall flow in my body.*

*Imagining I'm flying with winds.*

Kung gusto ko pa ng mas mataas. Imagine more.

*Imagining I'm flying with winds up.*

Ramdam ko ang hangin na sumusuporta sa katawan ko. Pagdilat ko nakatingala lang yung wolf sakin. Inis na inis yung mukha niya.

"BLEEEEEEEEEEEEEEH *^0^* HAHAHAAHAHAHAHA!" Lalo namang nainis yung mukha niya. Lumipad ako pabalik sa may campus. Hinanap ko ang library.

Nang makita ko ang library naghanap agad ako libro tungkol sa mga powers (-__-) na sinasabe nila. Magsisimula muna ako sa basic. Nang makuha ko na ang gusto ko ay umalis na ako at bumalik sa gubat. Magagamit ko yun na training.  Pero pagdating ko dun nagulat ako. -______- Pero di halata kase di naman ako OA magulat. Nandun kase si Odin na nakaupo sa isang puno. Nang makita niya ako tumalon siya sa harapan ko.

"Anong ginagawa ng isang odin sa harapan ko?" Tanong ko sa kanya na nakataas ang isang kilay.


"May sasabihin lang ako sayo."
Sabay lapit niya sakin.


Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Pumikit siya.


"Ready yourself. This can kill you."
Hinanda ko naman yung sarili ko. Di ko alam kung anong balak niya pero may tiwala naman ako sa kanya. May sumira na sa tiwala niya noon na halos ikabaliw niya hanggang ngayon kaya di ako maghe-hesitate mag-tiwala sa kanya. Alam kong mabait siyang tao. Pumikit ako. Maya-maya pa may naramdaman akong mainit sa magkabilang balikat ko kaya dumilat ako at sa pagdilat ko nanlaki ang mga mata ko.


Unti-unti nakaramdam ako ng sakit. Para akong napapaso. Palala ng palala ang sakit. Nilalamon ng liwanag na nanggagaling sa magkabilang balikat ko ang paningin ko.


Pagkalipas ng ilang segundo, unti-unting nawawala ang liwanag pero ramdam ko pa din ang sakit. Binitawan na din ako ni Odin. Napaluhod ako.


Hinawakan ko ang kaliwang balikat ko. Mainit pa siya. Ang sakit ng katawan ko. Nahiga ako.

"Mag-training ka. Lahat ng tao, mapa-mortal man o mapa-charmer, not ordinary or ordinary, may tinatagong lakas. May tinatagong kapangyarihan. Katulad mo. Natutulog lang ang mga kapangyarihan sa katawan mo kaya di mo nagagamit yan. Pero ngayon nagising na siya. Magagamit mo yan. Bawal kase dito ang mga ordinaryong tao o mortal. Bawal ka dito." Ouch naman. Pero ano daw? May tinatagong kapangyarihan? Ako? Nararamdaman ko ang enerhiyang mabilis na dumadaloy sa katawan ko. Nagpupumilit lumabas ang mga ito sa mga kamay ko.

Asgard High [Soon]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon