CB-28

1K 13 7
                                    

Benj's POV

Pag gising ko ay sobrang sakit ng ulo ko... Tatayo na sana ako pero parang may nakadagan sakin kaya pag tingin ko kung ano ito laking gulat ko sa nakita ko!










Si mich mahimbing na natutulog at nakayakap pa ito sakin! Pag tingin ko naman sa sarili ko p*tang in* nakahubad ako!! Tapos naka boxer lang ako! 

Napatingin din ako sakanya at naka hubad din ito pero di ko nakita dahil nakatalukbong ng kumot yung katawan nya.

Napabangon naman ako agad kaya nagising din sya..

SH*T ian anong ginawa mo?!!

" Ian....." Sabi ni michelle

Napatingin naman ako sakanya.

"Anong nangyare michelle?" Tanong ko dito 

"Ian.... hindi mo ba naaalala yung ginawa natin kagabi??" Tanong din nito sakin.

"Hindi ko alam.. yung huling naaalala ko lang ay dapat bababa kaming boys then yun... di ko na alam" Paliwanag ko dito at pilit na inaalala yung nangyari kagabi pero wala p*ta sobrang sakit ng ulo ko!!

"Ian.... Ikaw nag initiate kung bakit nangyari to... Akala ko gusto mo din to? Akala------"

"Stop!" Pagpapatigil ko sa sinasabi nya.

"Mich alam mong may asawa at anak ako!" Sabi ko sakanya

"Pero benj! may nangyari satin" Sabi naman nito

"Mich sana man lang pinigilan mo diba? Alam mong lasing ako! Hindi ko alam yung ginagawa---"

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil sinampal ako nito.. Sobrang lakas ng sampal..

"Ian alam mo yung ginagawa mo!! Ano ba?! Ikaw nag simula non kaya wag mong sasabihin sakin na hindi mo ginusto to!!" Sigaw nya habang umiiyak

Umiling naman ako at tumayo... pinulot ko yung mga damit ko na naka kalat sa lapag at nag bihis.

Hindi pwede to... Mali!!! p*tang in* ian maling mali!!!

"Mahal ko yung asawa at anak ko.. Hindi ko gagawin to sakanila" Sabi ko sakanya.

"Pero ian nagawa mo na. may nang-----" 

"Stop!" Sigaw ko

"I'm sorry mich pero aalis na ko" Sabi ko at umalis na sa room.

..........

Pag sakay ko sa kotse ay tinignan ko yung phone ko.. Pero hindi ito bumukas dahil dead batt kaya nahagis ko ito dahil sa inis.

Pinaharurot ko yung sasakyan hanggang sa makarating na agad ako sa bahay namin.

_____________________________________________

Caitlin's POV

Nandito ako ngayon sa bahay at nag hahanda ng breakfast. Tulog pa yung anak ko dahil sobrang aga pa naman.. it's 6:00 am, hindi rin ako nakatulog masyado dahil hanggang ngayon ay wala parin yung asawa ko.

Late na ako nakatulog kagabi dahil sa kakahintay sakanya pero walang Benj ang dumating..

Si maki lang kasi ang close ko sa company ng asawa ko pero nung nawala si maki ay wala na akong contact sa ibang staffs nito kaya hindi ako nakapag tanong sakanila kung anong nangyari or kung nasan yung magaling nilang boss dahil hindi rin ito nag aupdate sakin.. ang huling update nya ay nung sinabi nya na nasa location na sya..

tinry ko din na tawagan si dad para makiupdate kasi may mas contact sya sa mga nag tatrabaho sa company tas nung sinabi nya na okay naman daw nag kakasiyahan lang sila ay hinayaan ko nalang din dahil minsan lang naman ito. 

MRS. DE LEON (CaitBea)Where stories live. Discover now