CB-38

877 9 12
                                    

A/N: Bawal umiyak.































































Still Deans POV

Habang nag aantay ako dito sa labas ay biglang dumating yung babae kanina..

"Nasan na sya? kamusta na daw?" Tanong agad nito.

"Nasa loob pa sya miss hindi pa din lumalabas yung doctor" Sabi ko naman dito..

"Kamag anak mo ba yun? pasensya na humihingi ako ng tawad dahil kung hindi dahil sakin hindi sya nag aagaw buhay ngayon" paliwanag nito..

"Ano bang nangyari?" Tanong ko naman sakanya..

"Lumabas muna ako saglit sa bar para makalanggap ng simoy ng hangin dahil puro usok lang ang amoy sa loob tapos habang naglalakad lakad ako hinila nalang ako bigla nung tatlong lalaki at tinangka akong rape-in"

"mabuti nalang dumating yung lalaki at pinagsusuntok nya yung tatlong lalaki hanggang sa tumagal yung laban nilang apat. Tas napatumba na nya yung dalawa tas yung isa naman biglang nag labas ng knife. Then hindi sya nakailag kaya nadaplisan sya sa braso tapos bigla nalang sya sinaksak dito sa tagiliran" Mahabang kwento nya.

"Im sorry sana mapatawad nyo pa ako." sabi pa nito

"Wag kang mag alala miss wala kang kasalanan at kung gising yung kuya ian ko for sure ganyan din sasabihin nya sayo.. ipagpray nalang natin na maging okay sya" sabi ko.

"Btw what's your name nga pala?" Tanong ko.

"Rachel Anne Daquis, Rachel nalang or rach" Sabi nito

"Dean Wong" Sabi ko at nakipag kamay..

Bigla naman kaming nagulat nung may tumunog na alarm then bigla nalang nag panic yung mga nurse sa labas.

Sumilip ako sa loob ng glass door at pati sa loob ay nag papanic na din sila..

May pumasok na nurse na may dalang machines at tulak tulak nya pa ito papasok.

Nakasilip lang ako sa window..

Tinanggal nila yung damit ni kuya ian at sinimulan na itong irevive..








Hindi na ako sumilip dahil hindi ko na kaya yung mga nakikita ko..

Kilala ko si kuya ian.. lalaban sya alam ko yun..

"please kuya ian wag muna!!!"

"Lumaban ka please para sa asawa at anak mo!!" Dagdag ko pang sabi.

"Lord please wag muna.. Hayaan nyo muna syang bumawi sa mag iina nya please" Dasal ko dito.































Napaupo ako dahil parang namanhid yung buong katawan ko..

Inalalayan naman ako ni Rachel at sya din ay iyak ng iyak..

Tapos biglang Lumabas yung doctor..

"Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?" Tanong nito.

"Kaibigan nya po kami doc ano na po ang lagay ng pasyente?" tanong ni rachel.










"Marami na ang nawalang dugo sakanya at malalim din ang natamo nitong saksak sa tyan.. kaya nung ooperahan na sana namin sya bigla naman nag flat line yung monitor kaya sinubukan naming irevive ito pero I'm sorry sir, maam hindi na po kinayanan ng pasyente.."
____________________________


























MRS. DE LEON (CaitBea)Where stories live. Discover now