CB-24

1K 5 0
                                    

Its Christmas day🌲 kumpleto ang mga ninongs at ninangs ngayong christmas dahil nag request ang asawa ko na dito nalang samin mag pasko at pinagbigyan naman sya ng mga kaibigan namin.

Nasa mall silang tatlo ni Ian, caleb at kuya yuan inutusan kasi sila ni ate den dahil may kulang pa sa niluluto namin kaya silang tatlo na ang umalis dahil gusto sumama ng anak ko ay pinayagan ko na din ito.

Yung iba naman nasa sala nag babalot ng mga gifts para mamaya dahil may party din kaming inihanda.

_________

Benj's POV

Nandito kami ngayon sa mall dahil inutusan kami ni ate den. Nabili na namin yung pinabibili samin kaya sabi ko kay kuya yuan may dadaanan muna kami kaya pumunta na kami duon.

Nandito kami ngayon sa mga bilihan ng gaming console's.

"Caleb diba you want steam deck?" Tanong ko dito.

"Okay i buy you one pero dapat yung pinag usapan natin tutuparin mo parin ha" Paalala ko dito.

"Yes dadi pero how about mommy?" tanong nito

"Dont worry about your mom ako na bahala sakanya okay basta yung promise mo sakin ha" Sabi ko dito at tumango naman ito.

"Yes dadi thankyousomuch po" Sabi nya sabay kiss sa lips ko.

"Your welcome baby go na ask kuya kung meron silang available na steam deck" Sabi ko dito kaya dali dali sya nag tanong sa staff.

"Grabe pare sana all nalang talaga" Sabi ni kuya yuan.

"Hay nako kuya you feel this kapag lumabas na si baby nyo ni ate den" Sabi ko naman dito at sumunod na kay caleb.

Binili na namin yung steam deck at umuwi na kami sa bahay.

Alam kong magagalit ang asawa ko kapag nalaman na bumili ako nito pero kakausapin ko nalang ng maigi dahil pasko naman. Matagal na din kasi gusto ni Caleb ipabili sakin ito kaso lang ayaw ng mommy nya dahil baka daw palagi nalang mag laro yung bata instead na mag aral, kaya paalala ako ng paalala kay caleb kanina dahil napag usapan na namin yon kanina bago kami pumunta ng mall at nag promise naman sya na gagamitin nya lang yun when he have a free time at hindi isasabay kapag may gagawin sa school or schoolworks. May tiwala naman ako sa anak ko kaya ako na bahala mag explain sa mommy nya nito mamaya.

Pagpasok nga namin sa bahay ay nandun silang lahat ibinida naman ni caleb yung steam deck nya dito at nung tumingin ako sa asawa ko ay kumunot ang noo nito saakin.

Nag paalam sya na mag luluto na ulit kaya pumasok na ulit ito sa kusina.

Sumunod naman ako dito dala yung binili namin kanina na inuutos ni ate den.

"Hon eto na pala yung pinapabili nyo ni ate den" sabi ko. wala naman akong nakuhang sagot mula sakanya.

Kaya niyakap ko ito habang nag hahalo sya sa niluluto nya.

"Hon galit kaba?" Tanong ko dito.

"ian ano ba nag luluto ako" Sabi naman nito.

"Im talking to you please mind me naman" Sagot ko dito.

" Bakit mo binili yon?" Tanong nito

"Hon pasko naman pagbigyan mo na yung bata" Sabi ko.

"Ayan nalang palagi mong sinasabi ian " Pagbigyan mo na yung bata" Ano pa nga ba?" Sabi nito.

"Hon-- " Sabi ko pero pinutol nya yun

"Masyado mong iniispoiled yung bata, ian ang gusto ko lang naman paghirapan nya muna yung gusto nyang isang bagay hindi yung ibibigay mo nalang ito agad. Kami nung maliit pa kami hindi kami sinanay ni papa na ganyan na kapag may gusto kami ibibigay nya agad.. Hindi! pinapaghirapan muna namin yun bago namin makuha yung gusto namin at gusto ko gawin ko din yun sa anak natin" Sabi nito.

MRS. DE LEON (CaitBea)Where stories live. Discover now