A/N: Baka sakali lang naman po a. Pero if ever may magbalak o may makaisip. Off limits po si Jace. Wag niyo nang balakin. He's mine. hahaha!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sulat ni Niobe. Gusto kong mainis sa pag-iisip niya na naging burden siya at ang mga anak namin sa buhay ko. Naiinis akong malaman na sumagi sa isip niya na mas magiging masaya sana ako kung hindi nangyari ang mga nangyari sa amin. Akala ko, malinaw na sakaniya na sumaya lang ng totoo ang buhay ko mula ng dumating siya...sila, sa buhay ko.
Tinignan ko ulit ang listahan na isinulat ni Niobe. Sa totoo lang, nakakatawa yung mga nakasulat dito. Naisip ko si Niobe habang iniisip niya ang bawat bagay na nakalista dito. Tipong mapapailing ka na lang.
Alam ko namang mabuti ang intension ng asawa ko sa pagbuo niya ng listahang ito. Naisip na niya... Nakita na niya yung bagay na hindi ko nakita o naisip man lang nung mga panahong may sakit siya. Ang naiisip ko lang noon e kung paano ko mapapagaan yung bigat ng pinagdaraanan niya. Kung paano ko siya mapapasaya at mapagsisilbihan. Samantalang siya, ang naisip niya, paano na ako kung mawala na siya? Kasi naman, hindi sumagi ni minsan sa isip ko na hindi kami sabay kukunin sa mundong ito. Masyado akong napanatag na package deal kaming dalawa. Hindi nga pala ganun ang patakaran Niya.
Katulad noong nabubuhay pa siya, inilagay ko ang sarili ko sa katayuan ni Niobe. Inisip ko, kung sakaling nabaliktad ang sitwasyon namin; kung ako ang namatay at siya ang naiwan, malamang ganito din ang gagawin ko. Ayoko yung thought na mabubuhay siya ng mag-isa. Na walang nagpapasaya sakaniya. Na walang nag-aalaga sakaniya. O kahit man lang yung may magpaalala sakaniya araw araw kung gaano siya kaganda sa kabila ng mga kulubot at puting buhok niya.
Naiintindihan ko si Niobe. Kaya naman hindi ko babalewalain ang mga nakasulat dito. Kahit gaano man ka absurd ang dating nito sa akin.
Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa harapan ko ang kaibigan kong si Kiel. I was expecting him.
"So... Anong agenda natin?" Sabi niya habang pumapasok sa loob ng apartment ko. Inialis pa niya ang suot niyang sunglasses na may matingkad na tint at isinabit ito sa polong suot niya. Diretso siyang umupo sa sofa ng sala ko.
Makailang ulit kong pinag-isipan kung tatawagan ko ba si Kiel. Paulit-ulit kong pinag-isipan kung idadamay ko ba siya sa huling hiling na ito ng asawa ko. Knowing that she wrote that letter with Kiel as my one true friend, I ultimately decided to let him on with this. Kaya nga lang, habang pinagmamasdan ko ngayon ang kaibigan ko, parang gusto kong magbago ng isip. Hindi ko maiwasang isipin... Paano nga ba naging ganito si Kiel?
Kilala ko na si Kiel sa pinakamahabang panahon at hindi ko inaasahan na magiging ganitong klaseng "matanda" siya. Yung tipo ng matanda na hindi nawawalan ng "bling bling" sa leeg, kamay, at mga daliri. Pati ata sa ngipin, may isang "bling bling" siya. Kahilig pati niya magsuot ng Fedora katerno ang aviator sunglasses niyang may matingkad na tint kahit makulimlim naman ang panahon. Hindi ko na rin talaga maintindihan ang fashion statement niya sa hilig niya sa pagsusuot ng mga polo na palaging bukas ang unang dalawang butones, katerno ng maikli at hipit niyang shorts.
Hindi naman siya ganito noong kabataan namin.
"Pare, paki bigyan mo nga ako ng kape." Pagka-upong pagka-upo niya sa sofa, kape agad ang hanap. Agad pang inabot ang remote at binuksan ang TV. At home na at home ang dimuhong ito a.
BINABASA MO ANG
The Last Step
RomanceHow can you say that a love story is great? How can you say that a love is forever? How? When life itself is limited.