Prologue

11K 247 41
                                    

Forever.

Isang simpleng salitang binubuo ng pipitong letra ngunit nangangahulugan ng mga katagang pang habambuhay, walang hanggan, at magpakailanman. Isang salitang hilig gamitin sa mga pangako, lalo na ng mga kabataan.

Sasabihin nila, "Mamahalin kita, forever." O di naman kaya'y, "Ikaw lang talaga, forever." Minsan, mala-alipin pa ang tema, "Forever kitang pagsisilbihan!" Kung minsan naman, pinagsasama-sama nila at inienglish pa, "I promise to forever be at your side, to be your one and only; to serve you and to love you."

They use it to make emphasis on their promises. Para mas makuha ang loob ng sinasabihan nila nun. Para mas dramatic. Para mas romantic.

Nakakalungkot. Dahil bagamat isa itong simpleng salita, ang kahulugan nito'y di basta-basta. At kadalasan, sa panahon ngayon, sinasambit ang katagang ito nang walang buong pag-unawa; nang hindi ito isinasapuso.

Walang forever. 'Yan naman ang pinaglalaban ng iba. Pero bakit nga naman natin sila paniniwalaan? Samantalang kadalasan, ang mga taong nagsasabi niyan ay kung hindi bitter, hypocrite naman. Pero kung tutuusin, tama naman sila. Walang forever. How could there be such thing as a forever? When the word itself means timeless. When it means that there are no limitations? How can forever exist? Kung tayo mismo nanghihina, tumatanda, at unti-unting tinatangay ng panahon?

Sa mundong ito, iilan nga ba ang tunay na nakauunawa sa kahulugan ng katagang ito? Iilan ang nakaiintindi sa bigat ng pangakong hatid ng salitang ito? Iilan ang naniniwala sa existence ng salitang walang hanggan? At iilan ang may kakayahang tumupad sa pangakong pang habambuhay?

Kaya ko bang tuparin ang pangakong ito, kung ako mismo...maglalaho?

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon