Chapter 8

3.8K 98 46
                                    

Nang makita ko ang mukha niya sa labas ng pintuan ko, pakiramdam ko ay tumigil ang pag-gana ng utak ko.

When I didn't utter even a single word nor fein even the slightest reaction, she smiled. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang ngiting iyon? It brought back a certain feeling. Like a sudden shock of electricity which travelled from the tip of my toe up to highest point of my brain. What made it awkward to me is that I only felt this kind of feeling everytime I see my wife smile.

"Uhm... Nagluto kami ng apo ko. Naisipan ko lang dalhan ka. Pambawi for the dinner you cooked for us the other night." Hindi ko alam kung bakit. Marahil nadamage yung utak ko ng ilang minuto dahil doon sa sudden shock of electricity na dumaloy sa katawan ko pero ayaw talagang gumana ng utak ko. Wala akong maproduce na salita o kahit reaksyon man lang. Tumayo lang ako doon. Nakatitig sakaniya.

"Ah eh. Halika, Sandra. Pasok ka muna." Si Kiel na ang nagreact para sa akin.

Tumabi ako sa harap ng pinto para makapasok si Sandra na medyo nakakunot pa ang noo. Sinundan ko siya nang tingin habang kinakausap niya si Kiel papunta sa kusina ko. Napansin ko ang apo kong si Jace. Natatawa na pa-iling-iling pa ang ulo.

Natawa na lang rin ako nang marealize ko. Apo ko nga si Jace.

"Mas masarap sana 'to kainin kung mainit init pa. Kung hindi ninyo makain ngayon kahit iref ninyo na lang tapos ipainit niyo na lang bago kainin, ha?" Pag-eexplain niya kay Kiel habang inaayos sa kusina yung dala niya.

"Ayan. Nilipat ko na sa microwavable na lalagyan." Bitbit ang dala-dala niyang mangkok na pinaglagyan ng pagkaing dala niya, lumapit na uli siya sa may pinto ng apartment ko.

"So, pano ba yan? See you guys around?" She said, reaching for the door.

"Aalis ka na?" Tanong ko. Speaking for the first time since she arrived.

"Oo. Nag-aantay yung apo ko diyan sa labas." Agad-agad akong lumingon sa apo kong si Jace.

"Ihatid mo ang Lola Sandra mo't gabi na." Medyo nagulat pa si Jace sa akin. O baka kinabahan lang siya dahil nag-aantay ang apo ni Sandra sa labas?

"Y-yes, boss!" At dali-dali siyang lumabas ng apartment. Nakangiti naman si Sandra na sumunod sakaniya. Pero hindi pa ito nakakalayo nang biglang magsalita si Kiel.

"Ah, Gab. Hindi mo ba iimbitahan si Sandra para bukas?" Napatigil si Sandra at lumingon ulit sa amin. Marahil dahil narinig ang pangalan niya.

"Bukas? Bakit? Anong mayroon bukas?' Tanong niya. At sa akin siya nakatingin.

"Ah ano kasi may nakita akong sulat ni Niobe and may nakasulat doon na listahan ng mga bagay na gusto niyang gawin ko and one of them is that I play basketball with my friends." Dire-diretso at mabilis kong sabi.

Hindi ko nga alam kung bakit inexplain ko pa ang buong kwento sakaniya. Pwede ko naman sabihing "Basketball." Para mas maikli. Para mukhang man of few words ba. Para cool. Pero hindi. Ikinwento ko pa mula sa sulat ni Niobe.

"Kaya niyo pa bang maglaro nun?" Medyo natatawang tanong niya. Napangiti din tuloy ako. Hindi ko rin kasi alam kung kaya ko pa ng aba.

"I guess we'll find out tomorrow. G-gusto mo bang pumunta? Isama mo na din si Alessa. Mahilig ata ang mga kabataan ngayon na manood ng ganyan. Pero sabihin mon a rin na wag masyado mag expect at mahina na tuhod ng mga papanoorin niya." Natawa si Sandra habang ako naman e nagtataka. Kelan pa ako nagging madaldal ng ganito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon