General
Ang sana'y seryosong dinner ay nagambala nang nay narinig silang nagwawala at nagsisigaw sa labas ng bahay. Akala nila Kapitbahay lang pero they still can't afford to continue the dinner nang dahil sa ingay.
"Karylle. Lumabas ka dyan. Mag-usap tayo. Pag-usapan natin 'to. Wag naman ganito. Lumabas ka."
Nang narinig nila ang pangalang 'Karylle', nagkatinginan silang lahat at aligagang napalabas si Ms. Z nang malaman kung sino but nakasalubong nila si Manang Luzviminda na aligaga din.
"Ma'am Sha. Ang asawa po ni Ma'am Karel, si Ser Yael ho nagwawala sa labas. Gusto nya daw hong makausap si Karel. Nagpumilit hong pumasok. Ma'am, ano hong gagawin ko?" aligagang sumbong ni Manang Luz kay Zsazsa.
Napatayo si Vice sa kinauupuan nya nang marinig ang pangalan ni Yael.
"Karylle! Mag-usap tayo pwede ba? Wag naman ganito." nakapasok si Yael sa loob ng bahay habang ang mga PSG naman ng mga Padilla ay pinipilit na palabasin si Yael pero matigas ito.
"Guard, pabayaan nyo sya. Salamat! Wag nyo nang palabasin." sabi ni Karylle na tumayo na rin. Sinunod naman ng mga PSG at lumabas na.
"Karylle, Babe. I'm sorry. Can we talk? di ko na uulitin." sabi ni Yael na nakaluhod.
"Di mo na talaga mauulit dahil di na iyo si Karylle. Kasal kayo sa papel. Pero sa puso nya, Tapos na kayo." sabat ni Vice.
"Anong ginagawa mo dito bakla ka?" sabi ni Yael at sinuntok si Vice na naging dahilan ng pagdugo ng labi nito at napaupo. "Bakla ka talaga. Di ka marunong sumalo ng suntok. Hahahahaha!" pagmamayabang ni Yael. Susuntok pa sana si Yael nang sumigaw si Karylle.
"Yael. Stooooooooop." sigaw ni Karylle kaya napatigil si Yael.
"Marunong akong sumalo ng suntok. May respeto lang talaga ako sa Dwende. Baka maNuno pa ako. At di ka na nahiya? Di na kita papatulan dahil di ko 'to pamamahay. Sa bagay, wala ka talagang respeto. Mismo sa pamamahay ng Ina ng asawa mo ka pa nanggulo? Ay. Let me correct myself, Future Ex Wife's mom pala." sabi ni Vice at tumayo.
"Yael. You can go now. You can now leave. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Wala nang tayo. Don't worry. Sa'yo na yung bahay mo. Baka ikahirap mo pa pag binawi ko. Wala akong hahabulin sa'yo. Kaya, L-E-A-V-E. Leave!" sabi ni Karylle at nakaturo ang kamay sa pintuan.
"Babe. I know mali yung ginawa ko but please don't do this. Please don't. I don't know what to do without you. Just please give me another chance. I won't do it again. Just please come back to me." nagmamakaawang sabi ni Yael sa asawa.
"Sana inisip mo yan bago mo ginawa ang bagay na ayokong gawin mo. Ang manakit ng tao. Yael, chances are only given for those who deserve it. You, I think you don't deserve it. You really don't deserve it." sabi ni Karylle na palingolingo ang ulo. Dito nakita ni Vice ang matapang na side ni Karylle.
"Kahit respeto nalang sa kasal natin Karylle. Kahit yun lang ang ibigay mo, Okay na." sabi ni Yael na umiiyak na but hindi na nakakaramdam ng awa si Karylle for him.
"Respeto? Respect is for those who deserve it. Not for those who demand it. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong wala na? W-A-L-A-N-A. Mahirap bang intindihin yon?" sabi ni Karylle.
"Yael, Aalis ka sa pamamahay ko? o tatawag ako ng pulis para damputin ka dito? Ang lakas ng loob mong manggulo, sa mismomg pamamahay ko pa? This is the second time and last time na guguluhin mo si Vice and Karylle. Pag naulit to, I will really sue you. Get out of this place, NOW." galit na sabi ni Ms. Z kay Yael.