Stayput sa DR

192 5 0
                                    

General

Maagang sinundo ni Vice si Karylle sa bahay ng Mama ni Karylle. Hanggang ngayon ay di pa rin mawala ang sakit ng sugat nya sa labi pero di nya muna ito iniinda.

Nang nasa tapat na sya ng bahay nina Karylle ay buti naman at nandun pala ang mga PSG at pinagbuksan sya ng Gate at nakapagpark agad.

"Good Morning Manong, andyan po sila Karylle?" tanong nito pagkababa nya ng kotse.

"Ah. Yes po Sir. Actually, kagigising lang po ni Ma'am Karylle." sabi nung isang PSG nila.

"Thanks Manong." sabi nya.

Pagkatapat nya sa pintuan ng bahay e nakita nya si Karylle na nanghihikab with matching stretched arms and magulong buhok with her pantulog. Kinuha agad ni Vice ang phone at *click*. Ayan, nakuhanan ng picture ang paghikab ni Karylle. Hagalpak naman ito sa tawa nang makita ang reaction ni Karylle.

"Hahahahahah! Ang Cute mo dito Kurba oh *sabay pakita ng picture* Good Morning Sleepy Head. Ayan. Nakabawi na ako kagabi. Yung pagpicture mo kagabi." sabi nya as he hugged her.

"Madayaaaaa kaaaaaa." sabi ni Karylle with matching pout ng lips.

"Maganda naman ih." pacute ni Vice sabay pacute.

"Talagaaaa?" sabi ni Karylle na pinisil pisil ang pisngi ng Binata.

"Kurba. Wag mong pisilin yan, Masusugatan ka. Hahahaha." sabi ni Vice at binackhug si Karylle.

"Viiiceee. Wala pa akong ligo! Mabaho pa ako. Hahahahahah." sabi nya habang kumakawala sa backhug ni Vice ngunit di ito natitinag.

"Wala akong pakealam kung naligo ka o hindi. Wala kong pakealam kung mabaho o mabango ka. Amoy Bawang ka pa nga minsan sa Show e. Hahahahaha." sabi ni Vice.

Hindi pa nga nakakapasok si Vice ng bahay ay naghaharutan na ang dalawa nang biglang may nagsalita.

"Ang aga-aga naman nyan. Ang Love Birds talaga oh." sabi ni Ms. Z at automatic naman na umayos ang dalawa at nagpipigil ng tawa si Ms. Z.

"Uhm, Good Morning Tita." sabi ni Vice at nagbeso kay Ms. Z.

"Good Morning Vice. Oh, Sweetie. Maligo ka na at nakakahiya sa Prince Charming mo." inaasar ni Ms. Z si Karylle dahil literal na buhaghag ang kulot na buhok nito.

"Fine Ma. Wait there, Vice. Saglit lang 'to." sabi ni Karylle. Tumango lang si Vice at agad namang tumakbo si Karylle sa kwarto para maligo.

Napasmile nalang si Vice sa kakulitan ng huli. Nakita naman ni Ms. Z ang reaction ni Vice kaya nagsalita itong muli.

"You're really inlove with my daughter. Hahahahaha." sabi nito.

"Hahahahaha! Ang Kulit kasi." sabi ni Vice.

"Oh sya. Maiwan muna kita jan. Okay ka lang naman jan diba? I'll go upstairs. Maliligo na rin ako. May ASAP rehearsals eh." sabi ni Ms. Z.

"Yes Tita. Hihintayin ko nalang dito si Karylle. Take your time po, Tita." sabi ni Vice.

Nauna na si Ms. Z at umakyat na ito. Naiwan si Vice sa Sala kaya napaupo nalang ito sa mahabang Sofa nang may nakita syang picture Frame. Picture nung araw ng kasal ni Karylle with Yael and her Mom and Dad.

Vice

May naramdaman akong sakit nung makita ko ang picture na yun. Kung di lang siguro ako naging duwag nun, siguro ako yung nandyan.

Chance || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon