CHAPTER 3:
I'm wearing high waist denim pants and white top that matched my white shoes, while my friends are wearing dresses. I hope I can also be so confident to dress up like that but I'll still choose to be casual as always
@ DREA'S CAR
"San nga pala tayo pupunta" takang tanong ko, kasi naman wala silang sinasabi kanina pa
"Edi sa tagaytay" Sabi ni annjie na naka ngiti ng masama sa akin
"Anong Tagaytay? Tigilan nyo nga ko nakakapagod bumiyahe no" sagot ko, pano ba naman e nasa Maynila kami diba tas balak nilang mag Tagaytay. E lagi akong nag ca-car sick lalo na pag mahaba byahe
"Ok lang yan, buksan mo na lang yung window para hindi ka masuka" suggest ni Drea
"Thank you ha, hyst kung di ko lang kayo mga kaibigan kanina pa ako nakababa dito"
"Hahaha buti nalang prends mo kami no?!" Biro ni annjie
Nasa passenger seat nga pala ako naka upo kasi nga may motion sickness/car sick ako tas si annjie nasa likod namin. At dahil sa tagal ng byahe naka tulog ako, buti nalang at nakatulog talaga ako kasi kung hindi baka naka ilang round na siguro ako ng pag suka dito.
@Tagaytay (SKYRANCH)
"Savannah gising na" Sabi Sabi Drea habang tinatapik ako
Agad naman akong nagising kasi sa ingay ni Drea sa likod abay sinong hindi magigising. Sigaw kasi sya ng sigaw ng
"Tara na bilis tara naaaaa!" Excited nyang sigaw
"Oo eto na" sagot ko naman
Pumila lang kami saglit para kumuha ng ticket and ayun naka pasok naman kami agad. Tapos wala pang ilang minuto nag yaya na agad mag picture si Annjie, hirap talaga mag karoon ng extrovert na kaibigan pero minsan nakakatuwa din naman.
After picture taking pumunta na kami dun sa mga pa games, una naming pinuntahan yung yung parang kailangan mong ishoot yung ring sa mga bottles and kahit isa ay wala kaming na shoot ang galing di ba.
"Dun naman tayo bilis" excited na pagyaya ni Drea samin sa kabilang booth
After naming mag enjoy sa mga booth na may ibat ibang pa games, gusto na nung dalawa na sumakay sa mga rides.
"Wahhh rides naman tayo ayun oh may vikings, tas zip line tapos gusto ko din ito'y ulit yung sa tower bilis bilis" Sabi Sabi annjie habang nagtatatalon sa tuwa at nagtuturo ng mga gusto nyang sakyan na rides.
"Hyst parang bata talaga to oh"
"Hyst parang bata talaga to oh"
Sabay naming pag sabi ni Drea at nagtawanan kaming dalawa habang si annjie ay naka pout."Oh sigi na sumakay na kayo sa lahat ng rides na gusto nyong sakyan, dito lang ako magpalakad lakad" Sabi ko kasi nga bukod sa mahihiluhin ako e may fear of heights din ako.
"Sure ka ok kalang mag isa dito?" May halong concern na tanong ni Drea
"Oo naman, ano kaba hindi na ako bata no hahaha"
"Hahahaha oo nga naman drea, basta pag may kailangan tawag kana lang samin ha" Sabi Sabi annjie
"Sige sige enjoy kayo dyan, babush" Sabi ko habang naglalakad at nagba ba-bye sa kanilang dalawa.
Maganda naman mag lahat sa skyranch marami kang makikitang magagandang sceneries kaya hindi boring. Habang naglalakad nga ako may nakita akong cute na aso, shitzu yung breed nya. Mamahalin itong asong ito kaya alam ko na hindi lang ito asong pagala gala lang baka hinahanap na sya ng owner nya, actually gusto ko talagang mag alaga ng shitzu sa bahay kaso nga lamang mahal sya at mahal din yung mga necessities kapag nag alaga ng aso sa bahay kaya hanggang nood nalang ng mga cute videos ng dogs sa internet.
Nilapitan ko na yung dog and nakita ko na may name tav sya kaso walang naka lagay na ibang info para ma contact yung owner nya. Summer nga pala yung name ng dog base sa nakalagay sa name tag nya. Dahil hindi ko alam saan banda yung lost and found area dito sa skyranch kinarga ko nalang si Summer para maglakad lakad at baka sakaling makita namin yung amo nya.
"Ang cute cute mo naman" sabi ko habang hinahalik halikan si Summer, napaka cute nya talaga dahil sobrang puti at balbon ng mga fur nya
"Gutom kana ba, o gusto mo hanapin muna natin amo mo?" Tanong ko sa kanya na akala mo ay sasagot talaga sa akin yung aso
"Dahil gutom na ako kain muna tayo kaso may dog food kaya sila dito na ibinebenta" nagsasalita akong mag isa habang naglalakad at nag hahanap ng makakainan namin ni Summer
"Hmmm, hirap naman mag hanap ng foods mo Summer"
"Summer" may tumawag kay Summer kaya napalingon ako....
To be continued
