My Real World

4 0 0
                                        

CHAPTER 2:

Kring... kring...

"Ano ba yun?" inis na sabi ko habang pagbangon sa kama at inaabot ang cellphone ko.

"Hello!" pagalit na sagot ko sa cellphone

"Oy Savannah nasan kana ba?" Sabi ng kaibigan kong si Drea na kausap ko sa cellphone

"Edi nasa bahay san pa nga ba" sagot ko naman

"Gaga may exam tayo ah, abay pumasok kana kaya"

Hala ka, napasarap na naman pag d-daydream ko at di ko na nga namalayan ang oras, 11:20am na pala e 12 noon ang klase ko. Kaya naman nagmamadali akong naligo at magbihis para maka abot sa klase namin.

Oh wait let me introduce my self kahit late na ako.

I'm Savannah Garcia 21 years old and I'm currently studying at University of the Philippines as a 2nd year college student taking Bachelor of Science in Business Administration. At yung tumawag pala kanina isa sa mga friend ko name nya ay Drea, may isa pa akong friend name naman nya ay Annjie. Oo sila yung mga kasama ko sa pag d-daydream ko hehe sinama ko na nga rin pati boyfriend ni Drea na si kael.

Let me explain why I love Daydreaming. Kasi naman lahat ng hindi ko nagagawa sa real World pwede kong gawin o imagine-nin sa sarili kong mundo. Kailangan ko lang ng music at ipikit ang mga mata ko at ayun na start na lagi ang pag d-daydream ko na may boyfriend ako na matangkad, may kaya sa buhay, athletic, cold but sweet, may mga friends na mayayaman at maraming manliligaw oo feeling pa main character ako pero sa fake world ko lang naman yun ginagawa kasi imposible syang mangyari in real world kasi isa akong introvert person na walang ginawa kong hindi mag aral ng mag aral. Speaking of mag aral may exam nga pala ako babush muna sksksks.

@SCHOOL

Papasok na ako sa school namin ng makita ko si Annjie.

"Annj!" sigaw ko sa kanya

"Savi" bati nya sakin

"Sabay na tayo pumasok ng room" Sabi ko naman

"Gutom na ako daan muna tayo sa cafeteria" pagyaya nya sa akin

"Ahh sigii di rin ako nakapag lunch e" sagot ko naman

@CAFETERIA

"Ate pabili nga po isang burger, coke, at isang pizza slice" order ni annjie

"Napaka healthy ng lunch mo ah" pabirong sabi ko sa kanya

Natawa nalang sya ng malakas pero dahil lunch time madaming tao sa cafeteria kaya sinaway ko sya na huwag maingay at nakakahiya.

"Shhh napaka ingay mo talaga"

"Ano kaba ok lang yan, wala akong pake sa kanila" Sabi naman nya. Kahit kailan talaga ang confidence level nito hanggang 101% e. Btw, ako naman ang oorder

"Same nalang din po ng order nya pero water po yung drinks ko. Thank you" malapit na kasi talaga mag start exam namin kaya hindi na ako nag order ng proper meal.

Main Character Where stories live. Discover now