Kabanata 4

73 5 0
                                    


Binabaybay niya ang hallway papuntang principal office, dala-dala ang ilang mga folder na kailangan ni Mr. Garcia. Umuulan kaya may dala siyang payong, medyo natatalsikan na nga ng tubig ang suot niyang sapatos. Napangiti naman siya noong nasa harapan na siya ng principal office, maingat niyang nilagay sa baba ang payong na dala niya at saka pumasok na sa loob.

"Naku, sobrang pait ata ng nakaraan niyang si ano e." Rinig niyang sabi ni Rachel, co-teacher niya. Kausap nito si Lovely, nasa kanya-kanyang table pa ang mga ito habang nag mamarites, malamang ay vacant at walang klase ang mga ito.

"Oh, Joseph! Narito ka pala." Tawag sa kanya ni Lovely, napansin agad siya nito. Napangiti siya at unti-unting lumapit dito.

"Ang aga-aga, nagmamarites na naman kayo. Ano bang pinag-uusapan niyo?" Tanong niya at nilagay sa table na vacant na katabi ni Lovely ang dala niyang folder. Dito lang muna siya, nasilip kasi niya papasok na wala sa office nito si Mr. Principal kaya napagdisisyunan niyang tumuloy nalang sa gawi nina Lovely. Wala na kasing iba pang bakanting space sa mga faculty dito kaya dito nalang sila inilagay ni Mr. Principal.

"Naku, huwag mo ng itanong. Wala ka namang pakialam sa paligid mo." Natatawang sabi ni Rachel, hindi na siya na offend pa sa sinabi nito dahil sanay na rin siya sa bunganga nitong mas matinik pa sa isda.

"Grabe ka naman kay Joseph, pero sure naman na walang kang pakialam kung sasabihin namin. Isa pa, wala ka namang taste sa mga showbiz sa Pilipinas diba? Aba'y alagang Thailand ka ata." Natatawa sabi ni Lovely, lalo tuloy napakunot ang nuo niya sa sinabi nito, isa pa 'to e.

"Ewan ko nga sa inyo, ano bang pinagsasabi niyo?" Pilit niyang pinakalma ang boses, medyo napipikon na rin siya  dahil pinapahaba pa ng mga ito ang usapan.

"Sus, bakit ba kasi may co-teacher tayo na hindi updated sa socmed?" Parang ewan na sabi ni Rachel, nagtaka pa siya no'ng may kinuha ito mula sa bag  nito.

"Ang pinagchichimisan kasi namin ngayon ni Lovely..." Inabot naman muna nito sa kanya ang cell phone bago mag patuloy. Napakunot ang noo niya noong makitang  isang video iyon na parang ini-interview si Hermionelle.
"Eh, iyang kababayan nating si Hermionelle. Panuurin mo 'yang video." Dagdag pa ni Rachel.

Kahit man kinakabahan ang puso niya at napapakunot pa ang noo niya ay pilit pa rin niyang pinapakalma ang sarili. Nanginginig naman na pinindot niya ang play botton, bakit ba siya kinakabahan? May isang bahagi pa ng utak niya ang pumipigil na panuurin ang video, dahil sa ayaw na niyang makita pa ang babae at kalimutan na ito kagaya ng paglimut na nito sa kanya. Ano pa bang magagawa niya? Lahat naman ata ay kasalanan niya.

Napanuod na niya ang naunang mga sinabi ni Hermionelle sa interview pero itong huli  naman ang medyo nakaramdam siya ng kakaibang sakit.

"Kung magkakanobyo ka naman, ano ang pinakamahalaga sa'yo sa isang relasyong papasukin mo?" Dinig niyang tanong ng isang reporter mula sa video.

Nakita naman niyang biglang natigilan si Hermionelle sa tanong nito. Nakita niya mula sa mga mata nito ang lungkot at sakit kahit naka suot ito ng sunglasses sa mga mata nito. Parang gusto tuloy niyang pagsisihan na pinanuod pa niya ang video na ito, parang bumabalik lang lahat ng sakit na ginawa niya sa inosenteng si Hermionelle.

Gago siya e.

"A-Ahmmm.... For me, ang pinakamahalaga sa akin sa isang relasyong papasukin ko ay ang pagiging loyal sa taong mahal mo..." Saglit itong tumigil sa pagsasalita, natigilan din siya. Hindi niya rin mapigilan ang paninikip ng dibdib niya kahit lalaki pa siya, hindi niya maiwasan ang pag-iinit ng bawat sulok ng kanyang mga mata.

Buong buhay na ata siyang magsisisi dahil sa ginawa niya noon, pero lahat naman ng ginawa niya ay para rito. Kahit ayaw niyang masaktan ito ay ginawa niya pa rin iyon dahil para na rin sa kabutihan  ng kanyang minamahal. Pero hindi, nagkamali siya. Mas lalong nahirapan pa ang sitwasyon nila. Nasaktan niya ito, at iyon ang pinakagagong nagawa niya sa buong buhay niya.

Echoes Of Past [FRAGILE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon