Napakamot siya ng kilay habang binabasa ng napagtanungan niya ang papel na binigay niya rito, iyon kasi ang binigay sa kaniya ni Roel kung nasaan ang rest house na tutuluyan niya. Kaya ayan tuloy na-stress na ang maleta niya sa likod.
"Ay naku! Baryo na kasi 'to eneng." Anang matandang babae na sa tingin niya ay late 40 na, napasimangot tuloy siya. Kasulukayan kasi siyang nagdridrive e hindi naman niya alam kung nasaan na 'yon, kaya no'ng makita ang aleng 'to na nagwawalis sa harap ng tindahan nito ay nagtanong na siya rito.
"Malayo pa po ba mula rito?" Hindi na niya napigilan at naitanong na niya.
"Medyo nalang, ito ituturo ko sa'yo." Naghanda muna ito, pagkakuwan ay kinumpas nito ang kamay sa hangin.
"Di ba may likuan diyan? Sa may iskwelahan? Liko ka pakaliwa tapos deretsyo lang, katapos no'n medyo malayo pa ang dridrivan mo. Dito sa kaliwa mong side, kapag may nakita kang nag-iisang bahay na kulay puti ang pintura, second floor, glass ang window, at may tanim na kalamansing marami sa katabi ng bahay nila ay 'yon na ineng ang rest house na sinasabi riyan sa address na iyan." Paliwanag nito.
"Nadaanan ko na po ba 'yon?" Taka niyang tanong.
"Aba'y oo! Madadaanan mo talaga ang rest house ni sir." May galak na sabi nito.
Napakunot ang noo niya, sir? Sinong sir?
"Sir?" Taka niyang tanong.
"Oo, si sir! Kaano-ano ka ba niya? Ang ganda mo naman kung magiging nobya ka niya, pero kung nobya ka man niya ay aba napakaswerte ata ng batang 'yon at biniyayaan siya ng napakagandang dilag! Bagay na bagay kayo ni Sir Oteph!" Masigla nitong sabi.
"Oteph?" Ayan tatanong na naman siya, sino ba kasing Oteph ang pinagsasabi nito.
"Oo, teacher kasi siya... At ang bait ng batang 'yon, kahit hindi siya natuloy sa Thailand ay nagteacher nalang siya rito, sumali nga siya sa bahay kubo project ng SK chairman para 'yon sa mga bata na hindi marunong magbasa. Kada linggo ay sinasagawa ang programa na iyon, hindi ba napakabait ng batang 'yon?" Tanong sa kaniya.
Napalunok siya, at saglit na nag-isip.
Ano bang isasagot niya? Eh, hindi naman niya alam kung sinong Sir Oteph ang pinagsasabi nito.
"Ahmmm, actually po manang e... Hindi ko po kilala ang sinasabi niyo, actually sa rest house na iyan lang ako titira for a while. Ngayon ko lang makikilala ang may ari no'n."
"Naku, sobrang bait ni Sir Oteph kaya kung doon kaman titira ay madali mong makakasundo ang batang 'yon." Sabi nito.
Dahil sa wala ng masabi ay napatango-tango nalamang siya, nacucurious na tuloy siya kung sinong Oteph ang tinutukoy nito. Dahil sa description ng ale, masasabi niya talagang standards ang lalaking sinasabi nito. Makakasundo niya talaga ang gano'ng lalaki kung sakali, pero sana naman ay kasing gwapo ni David Licauco kasi kung hindi magwawala na talaga siya.... Char.
Pero nacucurious talaga siya, pero may kalahati naman ng puso niya na parang kinakabahan.... Pero bakit ba siya kakabahan? Sa sinabi palang ng ale ay parang magiging safe siya sa lalaki, wala siyang magiging problema rito kung sakali man.
"Ang pamilyar mo naman hija, parang nakita na ata kita." Kapagkuwan ay sabi ng ale kaya napatingin siya rito, gano'n nalang ang gulat niya noong titig na titig ito sa kaniya.
"Parang.... Parang nakita na ata kita sa TV!" Napahilot pa ito sa sintido na parang may inaalala.
"Naku po, marami po akong kamukha... B-Baka nagkakamali lang po kayo." Sabi niya at alanganing ngumiti rito.
"Hindi e, parang napanood na kita e.... Ano bang drama 'yon? Tsk, nakalimutan ko na tuloy.... Parang ano 'yon e... P-Pasyon....
Ah, ano ba 'yon? P-Passionate .... Ah, Passionate Kiss 'yon! Araw-araw kong pinapanood 'yon dahil sobrang ganda ng drama at ang gagaling umarte ng mga artista."
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [FRAGILE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...