KINABUKASAN ay naglalakad na si Meredith papunta sa sakayan ng bus nang mapansin niya ang matandang patawid ng daan kaya dali-dali niya itong pinuntahan at hinila papunta sa kabilang daan.
“A-ayos lang po ba kayo?” napaigik na tanong niya nang maramdaman niyang nagkagalos siya sa kaniyang siko ngunit hindi niya pinahalata sa matanda.
“Ayos naman ako, ija. Salamat sa tulong mo. Medyo mahina na kasi ang paningin at pandinig ko kaya hindi ko namalayan ang rumaragasang sasakyan. Ikaw? Kumusta ka? Hindi ka ba nasaktan?”
Bahagya niyang itinago ang siko sa matanda. “Ayos lang po ako. Wala ho ba kayong kasama?”
“Ay mag-isa na lang ako sa buhay, ija.” Nakaramdam siya ng awa para sa matanda.
“Saan po ba ang punta ninyo?” tanong niya kapagkuwan.
“Ay diyan lang sa may parke.”
Napatingin siya sa kaniyang relo at nang makita niyang maaga pa ay nagdesisyon siyang ihatid ito sa parke.
“Sige ho, ihahatid ko na kayo roon.”
“Sigurado ka, Ija? Hindi ka ba mahuhuli sa klase mo?”
Umiling siya. “Maaga pa naman po at saka malapit lang naman na iyong parke rito.
“Kung ganoon ay tayo na!” At inalalayan na nga niya ang matanda.
“Heto po! Baka po gutumin kayo,” alok niya saka ibinigay ang baong inihanda sa kaniya ng ina nang marating nila ang parke.
“Baka wala ka ng baon, ija?”
“Ayos lang po! Meron pa naman akong baong pagkain dito. Sa inyo na po iyan para matikman n‘yo ang luto ni Mama. At heto pa po, chocolate pudding. Ako naman po ang may gawa niyan. Marami naman po akong nagawa kaya sa inyo na po ang isang box.”
Napangiti ang matanda. “Maraming salamat, ija. Kaawaan ka ng Diyos.”
Tumango siya. “Sige ho! Mauna na ho ako sa inyo!”
Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya ng matanda.
“Ano nga ulit ang pangalan mo, ija?” tanong nito kapagkuwan.
“Meredith po. Merdith Ebelte.”
“May nobyo ka na ba, ija?” sunod na tanong nito na ikinagulat niya.
Ganoon pa man ay sinagot pa rin niya ito. “Wala ho! Bata pa po ako kaya wala pa po sa isip ko ang pakikipagrelasyon.”
Napangiti ang matanda. “Kung ganoon ay mag-iingat ka. Sana ay makarating kang ligtas sa iyong paroroonan.”
“Salamat ho! Ingat din po kayo!” At tinalikuran na niya ang matanda. Mabuti na lang at may nasalubong na siyang bus kaya naman pinara niya ito kaagad.
Sa kabilang banda naman ay napangiti ang matanda. Sa wakas ay nakahanap na siya ng babaeng ipagkakasundo niya sa kaniyang apo.
“HETO!” Nagulat si Meredith nang may inabot na plastik si Randall sa kaniya. Nasa library kasi sila ngayon para sa research na ibinigay sa kanila ng una nilang subject. Sakto namang mag-isa lang siya dahil abala din sina Shanaia at Marylex sa paghahanap ng libro.
“Para saan ito?” takang tanong niya matapos kunin ang ibinibigay nito.
Umupo ito sa tabi niya saka itinuro ang sugat sa braso niya. “Napansin kong kanina pa nanunuyo ang dugo sa siko mo.”
Napatingin naman siya sa siko niya at nanuyo na nga ang dugo doon. Nawala sa isip niya na may sugat nga pala siya.
“A-ako na! Kaya kong gamutin ang sarili ko,” bulontaryo niya ngunit inilayo nito ang hawak na bulak.
“Ako na. Baka hindi mo malinisan mabuti ang sugat mo maimpeksyon pa iyan.”
Wala na siyang nagawa kaya naman hinayaan na niya ito. Parang doon lang din niya naramdaman ang hapdi nang matanggal na ang nanuyong dugo doon.
“Okay na," anunsyo nito matapos ilagay ang makulay na band-aid sa sugat niya.
“Salamat,” hindi makatinging sabi niya rito.
Bahagya rin siyang napahawak sa dibdib niya ng pabilis nang pabilis ang tibok n‘yon.
“M-may problema ba?” tanong nito na ngayon ay kasalubong na niya ang mukha nito.
Sobrang lapit na nila sa isa’t isa. Bigla ay napalunok siya. Hindi rin niya magawang alisin ang titig dito. Mabilis lang silang dumistansiya sa isa’t isa nang makarinig sila ng pagtikhim.
Nasa likod na pala nila ang dalawa niyang kaibigan.
“Anong meron?” nakahalukipkip na tanong ni Shanaia habang nagpapabalik-balik ang tingin nito sa kanila ng binata.
“Ahm. . . M-may tinanong lang siya about research.”
“Yeah! Thanks for the help,” anito saka umalis.
Nasundan naman niya ito ng tingin dahil siya dapat ang magpasalamat dito hindi ito.
“Umamin ka nga, Meredith, may gusto ka ba kay Randall?” deretsang tanong sa kaniya ni Shanaia.
Napalunok siya. Alam naman niyang walang ibig sabihin kung anuman ang nakita ng mga ito kanina sa tagpo nila ni Randall. Gusto niyang sabihin na wala pero bakit parang may pumipigil sa kaniya?
“Hoy, Meredith!” pukaw sa kaniya ni Marylex.
“H-huh?”
“Ang sabi ko kung may gusto ka ba kay Randall?” muling tanong ni Shanaia.
“W-wala!”
Umupo ang mga ito sa tabi niya saka nangalumbaba.
“Pero wala namang kaso sa akin kung magkakagusto ka kay Randall dahil mula nang makita ko ang pinsan mong si Captain JP kahapon ay nagbago na ang gusto ko sa lalaki. Mas gusto ko na iyong mga tipo niya na matured ang katawan at ang pag-iisip. Pakiramdam ko, aalagaan niya ako,” nagdi-daydream na sabi ni Shanaia na may payakap-yakap pa sa sarili.
“Ay! Oo nga pala, may dala ako para sa inyo,” pag-iiba niya ng topic dahil ayaw na niyang mabalik na naman siya sa hot seat.
“Ano ‘yan?” tanong ni Marylex.
“Chocolate pudding. Sariling gawa ko.”
Pagkabukas niya ng isang box ay agad na tumikim ang dalawa.
“Wow! Ang sarap naman ng pudding na ito,” kumento nito nang matikman ang ginawa niya.
“Mayroon ba nito sa shop ninyo?” tanong naman ni Shanaia na ikinatango niya.
“Teka! Bakit parang ang dami mo naman yatang ginawa?” takang tanong naman ni Marylex.
“Gusto kasing matikman ng mga senior ko sa cooking club ang ilan sa mga speciality ko kaya dinamihan ko na.”
“Grabe! Ang swerte naman nila. Kung alam ko lang na ganito ka kasarap gumawa ng dessert ay sa cooking club na rin ako sumali.”
“Sure ka?” sabay na tanong nila ni Marylex kay Shanaia.
“Ops! Diet nga pala ako.” Sabay balik nito ng kalahati ng kinagatan niya sa lagayan dahilan para matawa sila.
Sobra kasi nitong inaalagaan ang pangangatawan nito kaya laylow ito sa mga ganoong klase ng pagkain.
“Kung magbibigay ka sa cooking club, may sobra pang isa, oh? Kanino mo ibibigay?”
Napatingin siya kay Shanaia. “Kay kuya JP!”
Napatingin naman sa kaniya ang dalaga na kumikinang ang mga mata.
“Sama ako!” tili nito na agad din natikom ang bibig nang mapadaan sa gawi nila ang librarian.
“Shhh!” anito saka napatingin sa mga pagkaing nasa harapan nila sabay turo sa signage sa gilid na ‘No food allowed inside.'
“S-sorry po.” Sabay balik niya ng pagkain sa loob ng paper bag niya.
BINABASA MO ANG
Bound By A Red Thread [TAGALOG]
RomansMeredith, a new member of a Cooking Club, has grown up always feeling like she is waiting for someone. Being plagued by sad dreams that always left her waking up with a wet face, fear of loud noises, and a birthmark on her temple, she has always fel...