*****CASSIE POV*****
"Yah Cassie iha? Gising na. First day of school mo ngayon diba?"
Inaalog-alog ni Yaya Matet ang katawan ko habang nakahilata pa ako sa higaan ko. Tsk ayoko pang bumangon.
Maya-maya ay may naramdaman akong bumukas ng pinto ni kwarto. Isang di-magandang pangitain...
"Di pa rin ba sya gumigising, yaya?" Venice
"Di pa rin Ms. Venice eh. Kanina ko pa sya ginigising pero ayaw nya talaga na magpalaban sa antok eh." Yaya Matet
"Ah. Alam ko na. Yaya, kunin mo nga dun yung heater. Tiyak na may bagong init dun na tubig diba?" Venice
No!
"Hindi! Gising na ako hihihi..."
Agad akong bumangon sa higaan ko dahil sa adrenaline rush na tinatawag nila...
"Hayst sana di ka pa gumising. Sayang ba naman akala ko makakapuntos na ako ngayon sa'yo eh." Venice
"Venice, ang aga-aga..." Yaya Matet
"Syempre hindi mo ko maiisahan ngayon. I'm smarter than you."
"Smarter nga. Pero English lang naman at Math ang pinagmamalaki nyang grado kina mommy at daddy." Venice
Pinagkinutan ko sya ng kilay. Bakit ba kasi kailangan nya pang halungkatin yun ha?
"Oh sige na, maghanda na kayo. First day ng klase nyo ngayon. Dapat bawal kayong malate." Yaya Matet
"Opo, manang." Venice/Me
"Oh bakit sumagot ka dyan?" Venice
"Tch..."
"Andun na sina Remo at ang mga parents nyo sa baba. Cassie, dalian mo na dyan." Yaya Matet
"Opo, manang."
Saka na silang umalis ng kwarto ko. Inirapan pa talaga ako ni Venice bago sya umalis. Hinayupak na yun...
Agad akong umalis sa higaan ko at inayos ko yun. Pagkatapos ay nagready na ako ng mga damit ko bago ako naligo sa bathroom ko.
May mga bathroom yung kada kwarto ng room namin. Bale lima talaga yung room namin sa second floor. Isa sa akin, isa kay Ate Venice, isa kay Kuya Remo, isa sa mga parents namin, at isang master's bedroom para sa mga bisita namin. Hanggang third floor ang bahay namin at nasa third floor ang mga recreational rooms namin at ang office ni papa sa bahay namin. May bathroom rin ang kada room namin sa second floor.
Oo ganun kami kayaman bro...
Nang matapos na ako sa pagligo at pagbihis ay niready ko na ang bag ko bago ako tuluyang umalis ng kwarto namin upang kumain. Nang dumating na ako sa dining room namin...
"Oh. You're late." Venice
"Cassie, kumain ka na." Daddy Wendell
"Tulog-mantika ka na naman noh? Hahaha" Remo
Di ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako ng kumain. Bacon, tinapay at peanut butter ang almusal namin.
"Yan. Dyan ka magaling. Sa pambubuyo sa mga kapatid mo. Pero yung pag-aaral mo di mo binibigyan ng pansin." Daddy Wendell
"Honey naman. Ang aga-aga. Nakikinig ang mga bata eh." Mommy Camila
"Oo nga dad. You talk so much on the morning." Venice
So stupid...
"By the way mga anak, fighting lang para sa first day of school nyo ha? Sabihin nyo kaagad sa amin pag may problema kayo. Arasso?" Mommy Camila
"Yes mom."
Half-Korean kasi ang lola ni Mama. At tuwing pumupunta sila dito dati ay naadopt na rin namin ang mga pinagsasabi nila. Ganun na din si Yaya Matet hihihi.
"Oh it's 7 in the morning na." Venice
"Aalis na kayo?" Daddy Wendell
"Yes dad. 7:30 kasi yung start ng classes namin eh." Venice
"Sandali lang. Magsisipilyo pa ako."
"So what?" Venice
"Venice, that's not very nice." Mommy Camila
"Hintayin mo nalang kami ni Cassie. Ihahatid ko na kayo sa school." Daddy Wendell
"What dad? Ihahatid mo kami sa school namin?" Venice
"Yes. Papasok kasi ako sa work eh. At tsaka yung mommy mo, may aasikasuhin daw para sa kanyang nalalapit na exhibit pero mamaya lang daw syang pupunta dun." Daddy Wendell
"Okay. Doon nalang kami maghihintay sa labas. Let's go, Kuya." Venice
"Sige. Bye, mom. Bye, manang." Remo
"Bye, iho." Yaya Matet
"Bye, anak. Ingat kayo." Mommy Camila
Nang umalis na sina Ate at Kuya, tsaka ako napabulong kay daddy...
"Thank you, dad."
"You're welcome. Magsipilyo ka na kaagad okay?" Daddy Wendell
"Yes dad."
Every daddy and mommy's girl be like. Ganun talaga siguro pag bunsong anak eh noh?
So ayun nga, nakapagsipilyo na ako pagkatapos kong kumain at lumabas na ako ng bahay. Laking gulat nina Ate at Kuya nang lumabas lang ako na mag-isa sa bahay...
"Yah. Bakit mo iniwan doon si daddy?" Venice
"Nakalimutan nya kasi na sabihin kanina sa atin na wala pala syang schedule ngayon kaya naman hindi sya makakasama sa atin ngayon."
"Darn it." Venice
"Okay. If that's how it goes, then tara na." Remo
"What?" Venice
"I mean tara na sa school. Bakit aabsent ka ba ha?" Remo
"Of course not. Walang matalinong estudyante dun sa classroom namin kapag wala ako diba?" Venice
Pfft show-off...
"Okay. Then let's go." Remo
Agad nang pinaandar ni Kuya Remo ang sasakyan at tuluyan na nya itong pinaharurot patungo sa school...
HILLSIDE ACADEMY HERE WE COME!!!
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
CLOVER 🍀
Teen FictionSix students who formed a friendship together will face their high school days with great hardwork, understanding and acceptance for themselves. THEY SAY THAT WHEN YOU GOT A FOUR-LEAF CLOVER, YOU'RE LUCKY. WELL WHAT ABOUT A SIX-STUDENT CLOVER? DOES...