*****MOMMY CAMILA POV*****
Tulog na ang mga anak ko. Sinigurado ko muna na nakatulog na silang lahat bago ako bumalik sa kwarto namin. Nakanight tees na ako ngayon at matutulog na din nang biglang nagsalita si Wendell na pahiga na rin sa aming higaan...
"Ewan ko nalang talaga sa anak natin, Camila. Si Venice. Para na talaga syang nagbago umpisa pa nung last year." Wendell
"Di naman natin sya masisisi. It's been a year mula nung inagaw sa kanya ng Ritchelle na yun ang lahat ng pagmamay-ari nya."
Si Ritchelle. Si Ritchelle ay naging classmate at bestfriend pa ni Venice since elementary until last year. Kilalang-kilala ko sya dahil palagi syang bukambibig nun ni Venice sa amin. Nakakarindang mang pakinggan pero masaya ako dun dahil doon ko lang nakita ang totoong Venice na masayahin at napaka-down-to-earth na bata. Di ko pala inaasahan na doon ko nalang pala makikita ang side na yun ng anak ko.
"Pero kahit na, kahit na sinaktan pa rin sya ni Ritchelle ay dapat maging totoo pa rin sya sa kanyang sarili. Akala nya ba hindi ko nakikita yun? Nagpapanggap sya na kung sinong matapang upang katakutan sya ng mga estudyante ngayon. At ginagawa nya talaga ang lahat upang hindi sya malamangan ng iba dahil gusto nya sa kanya lang ang tronong pinanghahawakan nya." Wendell
"Hayaan mo na. Kakausapin ko sya tungkol dyan. Magpahinga na tayo."
"Sige." Wendell
Saka na kami natulog ng asawa ko. Hindi ko talaga masyado nakikita ang mga nakikita ng asawa ko kay Venice. Hindi man ako isang perpektong magulang, pero alam na alam ko talaga ang bawat galaw at hinaing ng mga anak ko. Kahit di man nilang sabihin, naniniwala pa rin ako sa kasabihan na "eyes don't lie..."
*****VENICE POV*****
I am now going downstairs for my breakfast. Magmamadali sana ako ngayon at ite-take out ko nalang sana ang lunch ko pero baka pagalitan na naman ako ni daddy ngayon. Since baka hindi pa yun nakakaget-over sa nangyari sa amin kagabi.
Kaya napilitan nalang akong kumain kasabay sila...
Sana lang ay hindi nya ako pagbuntungan ngayong umaga. Gutom na gutom pa naman ako at ayaw ko sana na mawalan ng gana ngayon...
Kumain na kami kaagad. Walang ni isa ang nagsalita sa amin kaya naman medyo awkward ang sitwasyon namin ngayon.
Magkatabi kami ni mama sa kanang bahagi ng table namin habang sina Kuya Remo at ang lost poodle ko naman ang nasa kabila. Sus nasanay na talaga ako sa pagtawag sa kapatid ko bilang lost poodle eh. Kasi ito namang sina Jack kasi eh. Sinanay na ako. Ayan tuloy hindi ko na makuha-kuha sa isip ko ahhaha...
Habang si papa naman ang nasa gitna naming lima.
Maya-maya ay nagsalita si dad...
"By the way, we'll be leaving next week for our business trip in Europe." Daddy Wendell
Business trip again? Uwu I love it. New souvenirs again.
"Can we have souvenirs again dad?"
Ako na talaga ang bumasag sa katahimikan ng mga kapatid ko. Since Europe is my most favorite continent of all. Lalo na yung Paris. Tch gustong-gusto ko na talaga na makapunta dyan.
"I will give you the most expensive souvenir of all, if you promise not to be a headache for your siblings." Daddy Wendell
Bwiset. Bakit nadamay pa talaga ang behavior ko dito ha?
"Akala mo hindi ko nakikita ha? You've changed a lot since last year. At hinding-hindi ko talaga gusto ang mga pagbabago na nakikita ko sa'yo ngayon. Kaya as far as possible, wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang mga kapatid mo. Lalo na at wala kami dito ng mommy mo sa tabi nyo." Daddy Wendell
Wait! Bakit parang ipinapamukha pa nila na ako pa talaga ang babantayan kaysa sa lost poodle na ito ha?
"Eh paano po sya..."
Saka ko itinuro si Cassie na gulat na gulat ngayon sa pagturo ko sa kanya...
"Bakit po sya? Eh diba dapat sya ang bunso kaya babantayan din namin sya?"
"Anak, your younger sibling does not go out with her friends." Mommy Camila
Eh wala nga po yang friends eh...
"And she always stays at home, kaya naman hindi nyo na sya kailangan pang bantayan." Mommy Camila
"Eh baka po maglibot-libot po yan kung saan-saan tapos kung saan pa po sya mapunta."
"Anong tingin mo sa kapatid mo ha? May Alzheimer's?" Daddy Wendell
Medyo lumakas ang boses ni Daddy kaya naman nagulat kaming lahat sa kanya. Si Mommy naman ay bigla nyang pinakalma si Daddy dahil mabilis na tumataas ang kanyang dugo kapag nagagalit sya.
"Calm down, hon. Hindi naman sinasadya na masabi yun ng anak mo eh." Mommy Camila
"Alam mo ha? Wag mong binabaling sa iba ang usapan. Pag sinabi kong magpakatino ka ay magpakatino ka. Understood? Hindi na pinahihirapan mo pa ang mga kapatid mo tapos ginagawa mo pa silang tanga sa huli. You will do as I say. Understood, Venice?" Daddy Wendell
Hindi ako nakasagot. Kinakabahan talaga ako kapag nagagalit si daddy sa amin.
"Understood?!" Daddy Wendell
"Yes d-daddy..."
At saka na sya nagpatuloy sa pagkain. Kung wala lang talaga akong mga kasama eh nagtaksil na tong luhang to sa akin eh...
Gusto kong maiyak, pero wag pa ngayon...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
CLOVER 🍀
Teen FictionSix students who formed a friendship together will face their high school days with great hardwork, understanding and acceptance for themselves. THEY SAY THAT WHEN YOU GOT A FOUR-LEAF CLOVER, YOU'RE LUCKY. WELL WHAT ABOUT A SIX-STUDENT CLOVER? DOES...