Chapter 3

19.8K 773 228
                                    

DALA ANG maliit na bagahe ay pumasok si Hya sa loob ng Crown hotel na pag-aari ni Dusk kasunod ang kaibigan niyang si Soxiro.

"He's on the top floor," anito habang nasa cellphone ang atensyon.

"Hmm..." Hyacinth hummed, leaning against the wall.

"I can watch him for you if you want. You can go sleep or do whatever you want,"  Soxiro suggested.

"Soxiro, I'm fine—"

Natigil siya sa pagsasalita nang tinapat ng kaibigan niya ang cellphone nito sa mukha niya.

There he saw Dusk in an empty hallway with a woman, probably one of his employees or business associate— smooching like there were no cameras recording them.

Blangko man siyang nakatingin sa ginagawa ni Dusk ay hindi niya maikakaila na masakit parin makita na nakikipaghalikan ito. But she'll get used to seeing him kissing someone again like she used to back then. Mas masakit ang makita itong kahalikan ang mismong kapatid niya. Tch.

Soxiro sighed, turning off his phone ang slipping it into his pocket.

"Hya, may pera ka naman, bakit hindi ka na lang manatili sa bahay mo. Mas magiging masaya ka pa."

Umangat ang gilid ng isang labi niya sa narinig at bahaw siyang ngumiti.

"And what? Get bored? Saka nauubos ang salapi Soxiro. And besides," Hya sighed deeply. "Kailangan ko ng pera sa pangmatagalan. Alam mo naman marami akong gastos. Saka..." Gumalaw ang panga niya. "Mahirap na yung lagi akong nasa bahay. Alam mo naman, sa trabaho natin may mga nakabangga na tayo. Baka mahanap nila ako madamay pa sina mama ko."

Soxiro frowned as they both get ready to get out of the lift when it halted.

"Wala naman tayong nakabangga na sumusunod sa atin. Isang beses meron pero diba nilinis na ni Seth 'yon?" Paalala ni Soxiro.

Nagkibit-balikat lang siya at hindi nagsalita.

Pero alam niyang hindi siya pwedeng basta tumigil sa trabaho niya. Gustohin man niya ay parang hindi niya rin kaya. Maraming pumipigil na gawin niya iyon. More than anything, she needs a stable high-salary income. At ang trabaho na ito lang ang nagbibigay noon sa kanya kahit na pwedeng isang araw hindi na siya makauwi ng buhay.

Pagkapasok sa silid na nakalaan para sa mga katulad nila ni Soxiro ay agad na nilabas nilang dalawa ni Soxiro ang mga gamit na nasa loob ng dala nilang bagahe. Laptop iyon at iba't-ibang gamit pang surveillance.

Sa bawat hotel o gusali na pag-aari ng Crown o ng myembro ng Crown Island Club ay may lugar o silid na nakalaan para sa mga katulad nila ni Soxiro. Sila lang ang may access doon. At lahat ng lugar na iyon ay may mga armas na nakatago.

They can't bring their own guns inside the hotels, resorts, or companies owned by any members because of the high-tech surveillance installed at the entrance. So, their boss provided them with this kind of room or place everywhere.

"Tignan ko lang ang mga armas na meron dito." Paalam niya kay Soxiro at tinungo ang walk-in closet ng silid.

Soxiro simply hummed, not glancing at her.

Hyacinth runs her hand through the steel cabinet and tried to open it but it won't budge. Kinuha niya ang identity card saka iyon sinwipe sa scanner na naroon bago tinipa ang password niya.

Only after doing that did the cabinet budge. Nabuksan niya iyon at agad na bumulaga sa kanya ang iba't-ibang klase ng armas.

"Cool..." Hya smirked, taking one gun to check it.

Matapos niyang siyasatin ang mga armas ay lumabas siya ulit at nagtungo sa balkonahe dala ang isang binocular.

Hya scans the next building for suspicious persons or anything but found none. Not surprising. Sa labas lang naman ng isla madalas may magtangka sa mga myembro ng club at organisasyon.

Dusk CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon