Kabanata 35

92 23 0
                                    


Hospital Rush


I heard my stomach growls. Ouch! Kinapa ko muna ang mukha ko kung may dumi ba o muta. Nang masigurong wala ay lumabas ako ng kwarto at bumaba sa dining area nila.


Nadatnan ko si Rios na nagkakape doon. He's smiling ear to ear. Oh? Anong nakain niyan?


"Good morning!" Paos na bati ko. Tumingin siya sa akin na nagtungo malapit sa fridge nila at kumuha ng malamig na tubig. Naubos ko ang isang bottled water.


"Morning, Alyssa..."


"Anong nangyari kagabi?"


"Nagkalat ka sa kwarto ko."


Napangiwi ako at nagtimpla ng sariling kape. Sanay na sanay na ako dito sa bahay nila. Wala sila tito at tita dahil minsan lang umuwi.


Nang magawa ang kape ay tumabi ako ng upo sa kanya at isinubsob ang ulo sa mesa.


"Ano? Wala kang maalala?" He asked me. Umiling ako.


Sinubukan kong mangalkal ng mga nangyari kagabi pero hanggang doon lang sa dumating ang mga Adan sa bahay nila Eunice para ihatid kami.


"Inom pa." Pang-aasar niya. Umayos ako ng upo at sinandal ang ulo sa kanyang balikat.


"Seryoso? Nagsuka ba ako?"


"Oo. Sa mismong kwarto ko."


Hindi naman siya galit. Kalmado siya at parang ayos lang.


"Sorry. Dapat kasi sa bahay mo ako inuwi."


I'm on my 11th grade. Nakahiwalay na ako kina tita at kasama ko doon sa bahay si Kira. Si Kira ang unang nagrent doon pero doon narin ako nagrent since dalawa naman ang kwarto. Malapit rin kasi sa school.


Hindi siya nagsalita kaya tiningala ko siya. Hmm! Ang bango talaga ng lalaking ito. Kahit kapag papasok sa umaga ay umaalingasaw sa bango. Kahit tapos na ang klase.


"Hoy! Sabi ko sa bahay mo nalang sana ako inuwi."


"Lasing kayo pareho ni Kira. Baka magkagulo doon. Mukhang hindi mo nga alam ang ginagawa mo."


Napanguso nalang ako. Narinig ko nanaman ang pagtunog ng tiyan ko. Mukhang siya ay narinig din iyon.


"I'll cook for you. Anong gusto mo?" Tanong niya na tumayo at nagtungo sa likod ng counter.


"Kahit ano." Sagot ko nalang. Basta makakain.


"Ayaw mo ako?"


"Huh?" Napangiwi ako at parang nalukot ang buo kong mukha. Tumawa siya. "Masarap ka ba?" Sinakyan ko ang trip niya. Ngayon ay humalakhak na siya.


"Oo naman. Gusto mo i-try?"


Napailing nalang ako at napaikot ang mata sa ere. Nagsimula siyang magluto doon habang ako ay pinapahupa ang sakit ng ulo trying to figure out what really happened last night.


Virgin pa naman ako, ‘di ba? Alam kong hindi niya ako pababayaan.


Nasapo ko ang mukha ko nang maalala ang lahat ng iyon! Gosh! He kissed me that night! And I kissed him back! Akala ko ay si Cloud ang unang nakahalik sa akin, siya pala.


Ramdam ko ang pag init ng dalawa kong pisngi. What was that? Bakit ko siya hinalikan? I'm pretty sure, si Cloud ang gusto ko noong mga araw na iyon or... No! No! No!


My phone vibrated again.


Rios:

Still there?


I didn't text him back anymore. Inilayo ko ang phone ko at nagtilakbong nalang. Sinipa-sipa ko pa ang kumot dahil sa mga ala-alang iyon. Mukha tuloy akong tanga.


The next morning, I'm so shy. Bago ako lumabas ng kwarto, sinigurado kong maayos ang mukha ko. Agh! Mas lalo tuloy akong nac-conscious sa mga ala-alang iyon.


Andon siya sa kusina. Nagkakape with Jael. Tulog pa ang mga kaibigan namin. Sa bagay, alaskwarto y media palang ng madaling araw.


He mouthed me 'Good morning' nang magtama ang tingin namin but I ignored him. Imbes na lamigin ay init ang nararamdaman ko sa dalawa kong pisngi. He saw me taking a bath before-No. Siya ang nagpaligo sa akin and everything is vivid now. Humahaplos ang mga kamay niya sa katawan ko. Alam kong hindi niya ginalaw ang nasa taas at baba ng parte ng katawan ko but still! It will always distracts me. Hindi na ata iyon maaalis sa akin.


Even when we're already working the whole day. Hindi ko siya pinapansin kaya bakas ang pagtataka sa mukha niya. Oh, boy! Parang wala rin ako sa sarili ko buong araw.


Nang maglinis kami ng bulaklak, he's trying to reach for my hand secretly pero hinihila ko iyon at lumalayo sa kanya. Is it? Is it the reason why I feel burning when he's touching me kahit noong hindi pa ako umaamin sa kanya? Dahil sa mainit na halik na pinagsaluhan naming dalawa at parang nakatanim na iyon sa sistema ko.


Napalunok ako. Nang maggabi rin ay tumulak na sila paalis para maibenta sa bagsakan ang mga bulaklak. Nakahinga din ako ng maluwag dahil wala ang mga Adan.


Isang araw nalang ay aalis din sila. Aalis sila ng hapon ng October 31 dahil sa November 1 ay bibisitahin daw nila ang mga libingan ng mga yumao nilang mahal sa buhay. Syempre maiiwan ako dahil andito ang libingan ni lola.


Kanina pa ata ako tulala dito nang hampasin ako ni Eunice sa balikat. Winagayway niya pa ang kamay sa harap ko.


"Hoy!" Sigaw niya kaya natauhan din ako agad.


"Oh?"


"Para kang timang diyan!"


Napanguso ako. Tumingin ako sa mga eves at tumutulong sila sa pagluluto ng pang dinner namin. Wala rin si Jael. Si Lois lang ang andito. Si lolo ay sumama rin para makita daw ang presyuhan doon.


"Ano bang iniisip mo?" Usisa niya.


"Wala." Agad kong sagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na naaalala ko na yung paghahalikan namin ni Rios. She'll get mad at me.


"Wala daw? E, bakit ka ganyan? Parang malapit ka ng mawala sa katinuan."


"E, h'wag kang magulo at may iniisip ako."


Kumunot lang ang noo niya at iniwan ako sa upuan na 'yon. Kahit noong dumating na sila mama at yung mga Adan ay umiiwas parin ako sa kanya.


"Hindi rin muna ako uuwi sa October 31." Paalam ni Jael kina mama at papa. Nagtaka ako. Bakit hindi? Ano? Mananatili lang siya rito?


"Ganon ba? Kung ganon, sa November 2 kayo uuwi?" Tanong ni papa.


"Opo. Pero pwede ko bang ihatid si Alyssa sa school nila? Ihahatid ko rin naman doon si Lois."


Nagulat ako doon. Kahit ang mga kaibigan ko ay nagulat din. Bakit niya ako ihahatid? Kung uuwi ako ng November 2, nasa bahay na ako non. Bahay namin ni Kira at lagi kaming sinusundo ni Justin sa umaga kaya bakit niya pa ako kailangan ihatid?


"Oo naman. Doon na ba talaga mag-aaral si Lois?"


"Opo. Gusto niya doon."


Tumango si papa habang ako ay napaisip na naman. Hindi pa ako nakakamove-on don sa nangyari sa amin ni Rios ay dumagdag pa ito.


Siguro noong nakita ko si Lois sa may principal office, iyon yung time na inirerehistro na ang pangalan niya sa school namin para doon mag-aral.


Nang matapos kumain, ako naman ang naghugas ng plato since hindi ako nakatulong sa pagluluto kanina. Nasa isip ko ang maraming bagay. Una, bakit dito naisipan ni Jael na magtrabaho at tumulong? Kasama pa talaga ang kapatid niya. Pangalawa, bakit niya pa ako kailangan ihatid? At saka, bakit siya mags-stay dito? Pangatlo, kailan ko makakausap ng maayos si Rios? Ngayong sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay pinapangunahan ako ng hiya at kaba. Ang gulo!


Pumasok narin ako sa kwarto ko at naghilamos bago humiga sa kama. Ilang oras na ata akong nakahiga ay hindi parin ako dinadalaw ng antok.


Ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Rios. Ramdam ko ang panlalaki ng mata ko. Umalis ako sa kama at sinalubong siya.


"Bakit ka andito?" Halos mag panic ako. "Baka mahuli tayo! Baka hanapin ka ni Justin doon!"


But he didn't listen. Napangunahan ako ng kaba na baka mahuli kami kaya nang makita ng buo ang ekspresyon sa mukha niya ay ibang kaba ang naramdaman ko. He's staring me like I'm his prey and he's the predator. Unti-unti akong umatras at unti-unti rin siyang naglakad papunta sa akin.


"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.


"You're avoiding me."


"H-hindi naman, ah."


Until the back of my knees touches the bed. Wala na akong maatrasan. He heave a sigh and held both of my shoulders.


"Tell me, may nagawa o nasabi ba akong masama kahapon?"


His touch. Napalunok ako dahil humahagod sa pareho kong balikat ang palad niya. Nang tignan ko siya ay nakataas nanaman ang sulok ng labi niya. Did he saw something from me that amused him?


"W-wala." Sagot ko.


"Kung ganon, bakit mo ako iniiwasan?"


Nagiwas ako ng tingin.


"See?"


He held my chin and lift it up so our eyes would meet. Nanginig ang kalamnan ko lalo na nang dumapo ang tingin ko sa mga labi niya.


Tinulak ko siya sa dibdib niya. His jaw dropped at what I did and then I saw fear in his eyes.


"Alyssa? Why?" Naguguluhan niyang tanong. "Maayos tayo kagabi, ‘di ba?"


Tinalikuran ko siya at nasapo ang mukha. I think, his effect on me is getting on it's perfect worst. Yung epektong hindi lang ang puso ang tinatamaan sa akin. Epektong pati ang buo kong katawan ay nakakaramdam ng kakaibang weird na feeling.


"Alyssa..." malambing niyang tawag and I felt his both arms hugging my waist from behind. Ang chin niya ay nakapatong sa aking balikat. "Anong problema?"


Malakas akong bumuntong-hininga. "May naalala kasi ako."


"What? Isa ba yan sa away natin noon kaya mo 'ko hindi pinapansin ngayon?"


Nakaramdam ako ng guilt. Umiling ako.


"Then what?"


"I remember you kissed me when I was drunk. Birthday iyon noon ni Eunice. B-bakit hindi mo sinabi? K-kailan ka ba nagkagusto?"


Am I really asking that now? Narinig ko siyang tumawa at tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko.


"Kaya mo ba ako iniiwasan?"


"Hm." Pagtango ko.


Mas humigpit ang yakap niya. "You really like Cloud at those days. Kapag sinabi ko bang gusto kita, sa akin mo na maitutuon ang atensyon mo?"


W-what? He already like me on those days? Unti-unti ko siyang hinarap ng may pagtataka.


"K-kailan pa?" My voice shake.


"Ever since we first met."


Laglag ang panga kong narinig iyon. Natawa na naman siya at hinawakan ang baba ko para iclose ang bibig ko. Nakakahiya!


Naupo siya sa kama at nakatingala sa akin na hindi makapagsalita ngayon.


"H-how? P-paano mo natiis 'yon?"


God! Ako nga ay naiyak na noong gabing may party sila. I was tearing up because I can imagine Maycee being cuddled by Rios on her bed. Tapos siya... My face soften. Masakit 'yon panigurado.


"Manhid ka kasi, e." Natatawa siya pero sakit ang nakikita ko sa mga mata niya.


"I-I’ msorry. I didn't know."


My eyes gets blurred because of the tears. Gusto nitong kumawala doon at sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. That I really like him a lot now. Gusto kong mabura ang sakit na nararamdaman niya. Nakikita ko palang na nasasaktan siya ay parang nasasaktan narin ako.


He held my wrist and pull me sit onto his lap. His one arm is on my waist at ang isa ay yakap ang dalawa kong tuhod. He rested his chin on my shoulder at para niyang inaamoy ang leeg ko.


"P-paano mo ako nagustuhan agad noong araw na iyon?"


Grade 7 ako non at first day ng class.


"When you cried in front of me." Sagot niya.


I covered my face with both of my hands. Nakakahiya! Sobrang linaw pa sa aking isipan kung paano ako umiyak non. Para akong bata. Sa kanya pa talaga ako umiyak ng dahil lang sa phone ko.


"Dahil lang don?"


He chuckle. "Yes. I saw how weak you are."


Unti-unti kong tinanggal ang kamay sa mukha ko at nilingon siya. Our nose touch.


"Ako rin ang nagpatahan sa 'yo. Noon lang din ako nakakita ng babae na kahit umiiyak, maganda pa rin."


"Tsa!" Natawa ako. "Nambobola ka ata, e."


Natawa rin siya. "Nah. After kitang mapatahan, gusto ko ng manatili sa tabi mo palagi."


Napangiti ako roon. He sound so sweet.


"Bakit?"


"Kapag iiyak ka na naman, walang ibang magpapatahan sa 'yo."


Naitungo ko nanaman ang ulo ko. Hindi ko matagalan ang titig niya. Isabay mo pa ang mga nakakatunaw niyang mga sinasabi.


He kissed my temple at doon na iyon. Hindi na gumalaw ang labi niya paalis.


"Wag mo na ulit uulitin yung ginawa mo kanina. I thought you're mad or something. Hindi ko kayang galit ka sa akin, Alyssa."


"I'm sorry..." paghingi ko muli ng tawad. Our eyes met again. Maingat niya akong inilapag sa kama at nakapamulsa siyang tumayo sa aking harapan.


"I'm going back to my room. Baka hanapin ako ni Justin pag nagising 'yon."


I simply nod. Napapikit ako ng dumampi ang mainit niyang labi sa noo ko.


"Good night." He whisper in there.


"Good night..."


Tumalikod na siya hanggang sa mawala sa aking paningin. Nang maisara niya ang pinto ay doon ako nagpakawala ng hangin na ang hirap pakawalan kanina. I held both of my cheeks at inuntog ang ulo sa unan.


Ganito manlambing ang isang Montrevan? Sobra-sobra naman ata? Now I know why he wants an explanation kung paano nagugustuhan ang tao. Ganong explanation pala ang gusto niya. Nang dahil lang sa mahina ako at gusto niyang manatili na sa tabi ko palagi. I thought he's asking about the attitude. The gestures. Iba pala.


Ilang minutong pagpapatahan pa ang ginawa ko bago ako dalawin ng antok. And when I woke up the next morning, sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ayokong lumabas ng hindi pa naliligo. Mahilig pa naman dumikit-dikit si Rios at baka mabahuan 'yon sa akin!


Nangalkal ako ng damit doon sa luma kong cabinet. Nang makakita ng sa tingin ko'y okay na, hinila ko iyon pero isang picture din ang sumama at nahulog sa sahig.


Kumunot ang noo ko habang nakatingin doon sa picture sa sahig. Pinulot ko 'yon para mas makita. It's me! Picture ko ito at sure akong ako 'to but... who's this kid beside me? Naka-akbay pa sa akin. Halata rin na mas matanda siya sa akin. Lalaki siya.


Chineck ko kung may nakasulat ba sa likod but there’s none hanggang sa makarinig ako ng malakas na katok galing sa labas ng kwarto ko. I open the door at sumalubong si Kira na parang maiiyak na.


"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko.


"Ang mama mo, nahimatay bigla. Tinakbo sa hospital. Magasikaso ka at susunod tayo don!"

Trapped By Golden Rule (Golden Rule Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon