Kabanata 50

93 21 0
                                    

Mood Saver


Today is kuya Jael's birthday. Tumawag na lang ako sa kanya at nagpadala ng flowers as my birthday gift for him. Nasa Elea builders na siya in Aklan doing his work. Sa Christmas lang kami magkikita-kita.


Tinapon ko ang mga boxes sa basurahan. Yes, I'm already opening all of the packages that were sent to me. Ang mga laman nito ay puro chocolates. Sa bawat box ay maraming klase ng chocolates pero hindi mawawala ang heart chocolate. Syempre, inilalabas ko iyon at iniipon sa isa pang malinis na box. Ang mga karton lang na lagayan nito ang tinatapon ko kasama ang maiikling notes nito. Ang sinasabi nila manong Nanding na iba pang bagay na hindi nila matukoy na inilalagay din ng sender maliban sa mga chocolates ay mga sulat lamang sa mga nararamdaman nito para sakin.


"Mabuti naman at natauhan ka." Kira said. Naka tayo ito sa gilid ko hindi kalayuan sa akin habang binabasa ang mga mensahe sa loob ng boxes. It's all about his feelings for me. Kadalasan sa message niya ay naka base sa mood ko noong araw na naisent sa akin. Just like last September 3. Naalala ko na nakalimutan ko ang aking ID. Ang security guard ng school namin ay pinalista ang pangalan ko at pinagsabihan pa ako. Late pa ako non. Hindi ko kasabay si Kira dahil mas nauna siyang natapos at hinatid ni Justin. I was left behind because I wake up so late. Kaya naman sa natanggap kong box noong September 4 ng umaga ay nakabase sa mood ko.


'People meet conflicts in life. Don't be a burden to your own conflict. Smile...' that's what it says there.


"Rios was jealous." I said back to her.


Humagikgik siya. "Halos noong una pa lang naman."


"What?"


She sighed like she's tired answering for all of the questions when it comes to my relationship between Rios. Parang lahat kasi ay obvious.


"Ramdam ko lang. Lalo na kapag may nadidikit sa 'yo na lalaki." Paliwanag niya.


Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman ako maganda. Kung didikitan man nila ako dahil iyon sa may kailangan sila o may sasabihin."


She shook her head and help me open another package. Halos masuya ako sa tunog ng packaging tape na tinatanggal niya at tinapon niya rin sa basurahan.


"Maganda ka. Ang sabi mo pa nga non, unang beses pa lang kayong nagkita ni Rios, naging close na kayo agad. Let's be honest here. Alam kong may mga lalaki na hindi kagandahan ang hanap sa isang babae pero syempre, physical features ang unang-una nilang titignan. The face, the body or how you attract them. Bonus na ang ugali and you got him right on the first day you two met."


Natawa ako at napaikot nalang ng mata sa ere para itago ang nagbabadyang ngiti. Hindi ko makakalimutan iyon.


Matapos matanggal ang lahat, ipinasok ko ang box na naglalaman ng mga chocolates. Ibibigay ko nalang to sa mga bata.


Chairman also asked the police for help to investigate and find those men who near raped me. Nagpapasalamat ako na dumating si sender para iligtas ako non. Ngunit hindi ko ipinagpapasalamat na hinalikan niya ako.


"Anong bibilhin mo para sa nabunot mo?" Tanong ni Kira habang kinakain ang lunch namin. I am back here to our house the day before yesterday. Nga lang, nagpalagay na si chairman ng mga CCTV. Sa labas ng kwarto, dito sa kusina, sa sala malapit sa pinto, sa last floor at syempre, sa labas. Hindi nga lang rito matatagpuan ang control room.


"Rolex GMT?"


Her jaw dropped. "350 pesos lang ang maximum ng gift. You're buying in thousand amount."


Natawa ako. "Ayos lang. It's Christmas anyway at hindi na mahalaga ang presyo. At saka, chairman keep on pushing me to use the money I have in my account. Balak niyang magdagdag buwan-buwan. Hindi ko naman alam kung saan ko gagamitin."


Napangiti siya. "Sa bagay. Pero kung ako sa'yo, mag ipon ka na rin for the future. Try to save. Iyong nakahiwalay sa panggastos at hindi dapat igastos. Malay mo, may paggagamitan ka in the future."


I take her suggestion. Pagkatapos naming kumain ay umakyat kami sa kwarto. Its Saturday. Hanggang December 18 na lang ang pasok namin and today is December 12. Sa 17 ang Christmas party.


I brush my teeth inside of my shower room pagkatapos ay naupo sa harap ng aking mesa.


Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga naiisip kung anong kurso ang gusto kong makuha sa college. We've been learning about business and works in a bank ngayong senior high ako. Noong nasa lower grade ako ay gusto kong pumasok ng theater and films. Not to be an artist but to be a part of the director team. Be a film producer or director. Or maybe event organizer in TV shows. Basta may kinalaman sa films. Isa narin ang hilig ko sa Photoshop. I am editing pictures with my own designs and mix of colors. Nagc-caligrapahy rin naman ako at naisip na pagkakitaan.


When I was in grade 3, I start to learn how good I am in singing. Nahihiya pa ako non kaya sa CR ako kumakanta o kaya kapag mag isa ko lang. But I've practiced to have confidence so I could sing in front of everyone. I can sing to few people basta hindi sa mga stages of events. At simula non, nasabi ko kay mama na gusto ko kumanta sa mga cozy bars, luxury bars with no pole dancers or erotic moment that’s happening inside. Just a pure cozy bar for business person who'd just ended their time in their work. Gusto kong kumanta ng mga revival classic songs.


And then because of Patricia, she's a KPOP fan so she'd shown me KPOP dances and learned that I can do well too. Naging leader ako sa mga nakaraang dance activities at gumagawa ng sariling choreo. Kahit ako ay hindi makapaniwala so I've said to myself that I want to become a highly paid choreographer.


Ngunit habang lumalaki ay mas nagiging malinaw ang lahat. I can't just do things that I want. I need to do things that I need. Pangarap ang pinaguusapan. The talents that I naturally have. Nang narealized ko na ganon lang kami at kumikita sa pagbebenta ng bulaklak, hindi ako nagiging kontento. Minsan kasi ay mahina ang benta. Kaya naman nahati ang mga naiisip ko. Nasagi na ang salitang 'practicality'. I need to find a career na hindi ko lang nagagawa ang gusto ko. I need a career na kikita rin ako ng mas mataas pa sa edad ko at ginagastos ko.


But right now, I am well focused. I'm into business na talaga. Maybe starting from small to big time entrepreneurship. Na kahit apo ako ng pamilyang Eleazar, magkakaroon ako ng sariling akin. Gagawin ko rin ang sinabi ni Kira.


My phone beeped. Inopen ko yon at halos sumabog ang iritasyon sa aking sistema. It was a picture sent from our group chat. It was my picture. Picture being edited. Nasa gitna ako ni Rios at Cloud. Holding their hands like I am their girlfriend with a caption na 'Hindi na ako magtataka kung bakit muntik na siyang ma-rape.'


Napapuyos ako sa galit at binisita agad ang profile picture nong nag upload. It's Janine Pilato. Isa sa mga kasama ni Maycee sa tuwing kumakain sa canteen.


The post had reach thousand of reacts and 500 plus comments. And it's all about hates. Calling me flirt, slut and a princess of attention seeker.


Bumukas ang pinto at inuluwal nito si Kira na nag-aalala. "Alyssa..."


I sighed in annoyance pagkatapos ay muling tumunog ang aking phone. Our group chat is on a live video call. I joined them but my camera is off.


"Alyssa, don't be affected. Hayaan mo nalang sila." Patricia is worried.


"I'm going to teach her a lesson." Usal ni Justin na nagsisimula narin mainis.


"No. Let her. Kakausapin ko siya sa lunes." I just said and end my video chat with them. Inis kong kinuha ang aking jacket at sinuot ito habang pababa ng hagdan.


"Alyssa! Saan ka pupunta?" Habol ni Kira.


"Magpapahangin lang."


Why did they have to do that? Hindi nila alam ang tunay na nangyari kaya wala silang karapatan na sabihin iyon. And it was never my intention to cheat or be in a relationship to two men na sabay! Alam kong nagkamali ako na nagpakita ako ng motibo kay Cloud at hindi ko siya sinisisi na pumang-abot kami sa ligawan but I'd just rejected him after realizing my real feelings. Naging totoo ako sa sarili ko at hindi ko sila pinagsabay!


I tried not to cry, paglabas ko ng village ay nilakad ko ang gilid ng kalsada. Maybe when I walk, I'll get tired so I could sleep early when I get home. Iyon lang ang oras na mapapakalma ang puso at isipan ko.


Sa paglalakad ko ay natigil ako. Sa tapat ng isang computer shop. Kilala ko ang sapatos na iyon sa aking harapan kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin. His face softened while looking at me. May hawak siyang black na paper bag.


Siya na ang lumapit at niyakap ako.


"Hush. Everything will be fine."


I panicked. What will Rios think? Nakita niya na ba ‘yon? Or, noong mga araw na close kami ni Cloud at bigla akong umamin sa kanya, nag doubt kaya siya sa akin?


Pinakawalan niya ako ngunit nanatiling nakatungo ang aking ulo.


"I brought something for you."


Inilabas niya ang nasa loob ng paper bag. Isa itong white teddy bear with a ribbon tie on his neck May kwintas pa ito na may pendant na R.


"S-sakin to?" I hold the bear. Nakita ko siyang tumango at inayos ang nalalaglag kong buhok sa gilid ng aking mukha.


"I saw the picture. Nasa mall ako kanina buying a gift para sa nabunot ko. And I drive here with that so I can give it to you. Hoping it'll calm you tapos nakita kita dito."


Hinimas ko ang ulo ng bear saka tumingin sa kanya. "T-thank you..."


He smiled again. Inalalayan niya akong maglakad kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Pati sa pagpasok ko sa front seat ay naka-alalay siya.


"I'll bring you home. I'll cook you something sweet. H'wag ka ng bumusangot jan."


Mas lalo akong nakaramdam ng iba't ibang emosyon. Like what if people will tell him how bad I am. Baka gumawa sila ng istorya at hindi lang sa kanya sabihin. Pati sa mga kaibigan rin naman.


"Paano kung..."


"Paano kung ano?" Tanong niya rin.


"Kung siraan nila ako sa ‘yo?"


Bumuntong-hininga siya but he's smiling. "Just like the old days, Alyssa. Kung paano kita prinoktetahan sa lahat ng pangiinsulto, ganon parin ang gagawin ko at sayo lang ako maniniwala."


I melt in that. He traces the bridge of my nose with his finger bago niya sinimulan magmaneho.


Sa pagmamaneho niya ay hindi ako tumingin sa iba. Sa kanya lang na parang wala ako sa sarili. His jaw formed in angle. His right arm is controlling the steering wheel while his left elbow is resting on the window, playing his lower lip with a finger. Sa tuwing nasisinagan siya ng araw, parang lahat tumutugma.


"I've been dreaming about you looking at me straight even if it’s just for about 2 to 3 minutes but..." Tinigil niya ang sasakyan dahil sa red light stop saka niya ako nilingon. "Baby, you're melting me."


Nag iwas agad ako ng tingin. Shit! Ito ang problema ko kapag may nasasabi siyang maganda and seconds later, I found myself looking at him. Fantasizing his features. Minsan nga nadadako ang tingin ko sa gitnang bahagi na nasa pagitan ng kanyang legs. He’s bulky in there.


Napapikit ako.


Nang marating ang bahay nila, mas nauna pa akong lumabas dala ang bear na bigay niya. Thoughtful siya noon pa man kaya minsan natatakot rin ako na baka magsawa siya.


His hand scoop my waist, ang init ng palad niya ay umakyat agad sa batok ko.


Minsan, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.


Hindi ko kayang maka iwas sa ganito. Hindi ko na ata kayang umiwas pa sa kanya.

Trapped By Golden Rule (Golden Rule Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon