Kabanata 34

307 49 7
                                    

First kiss


Nang gabing iyon ay umuwi din si lolo galing kina tita. He's not that old. Malakas pa ito at kaya rin magbuhat-buhat. Ganon talaga kapag banat na banat sa pagt-trabaho.


"Kamusta po?" Niyakap ko siya at ganon din siya.


"Maayos naman, apo. Grabe! Maliit ka parin." Pang-aasar nito. Nagtawanan ang mga adan. Kunwari ay tinatantya pa niya ang height ko gamit ang kanyang kamay na hanggang siko niya lang. Napasimangot ako.


"Kayo talaga."


Lumagpas ang tingin niya. Nakatingin na siya kay Jael at Lois ngayon na kalalabas lang ng kwarto. Bihis na ito ng pantulog. Ang mga Adan ay andito sa sala at nakatingin lang din sa amin ni lolo. Ang mga Eva ay nasa kwarto at malamang ay nagbibihis.


"Jael. Lois." Tawag niya sa pangalan nila. Bahagyang tumungo ang mga ulo nila bilang pagbati at paggalang.


"Magandang gabi, po."


I really want to know what's with them. Bumuntong-hininga ako. There is something strange about them that I want to know. Nang humiwalay ako kay lolo ay sila naman ang nagmano kasama ang mga kaibigan ko.


"Kumain na po kayo, tay." Paalala ni mama. Umiling si lolo at umupo doon sa pang-isahang upuan habang winawagayway ang kamay at parang sinasabing 'h'wag na'.


"Kumain na ako doon kina Jocelyn." Tinutukoy nito ay sila tita na pangalawang anak nito.


Nagsimula silang magusap-usap tungkol sa benta at mga kakailanganin gamit pagkatapos ng buwan ng Nobyembre kaya nama-alam muna kami na tatambay sa labas.


Humiram din muna ang mga Adan ng gitara na pagmamay-ari ni papa at inilabas iyon. Doon kami sa pinakafront ng bahay. Sa may outdoor flowers. May lumang tambayan doon na gawa sa bamboo at green house cover kung saan may duyan at higaan na gawa rin sa simpleng pinaka kinis na kahoy.


Kasama rin namin sila Jael at Lois. Nang marating ang tambayan, ako ang kumapa ng switch ng ilaw. Natawa ako nang mag unahan si Kira at Eunice sa duyan. Sa huli ay tabi sila doon. Pasimple namang tumabi si Patricia kay Jael. Ang sama tuloy ng tingin ni Justin sa kanya. Hay nako!


Katabi ko si Zenry at James. Si Rios at Justin ay kaharap namin. Nahuli ko na naman ang maalam na mata nito. Dati ay ayokong tinitignan niya ako dahil naiilang ako. Ngayon ay doble-dobleng ilang na ang nararamdaman ko dahil sa pag-aaminan namin. Damn!


At saka bakit ko pa ba kailangan mailang, e, alam niya naman na, ‘di ba? Pero kahit na! Kahit kailan ay hinding-hindi ata ako masasanay sa kanyang mga tingin.


"Sinong kakanta?" Tanong ni Kira. Nakatingin siya kay Zenry dahil ito naman ang inaasahan naming kakanta.


Ngunit walang salitang inilahad ni Rios ang kamay niya kaya inabot ni Justin ang gitara sa kanya. Nang itono nito 'yon ay nagtilian agad ang mga Eves.


Nang mahanap ang tono ay saka niya kinalabit ang string nang naaayon sa kanyang kanta. Lumakas ang ihip ng hangin at parang kinulang pa ang jacket kong suot. Everyone is moving their head from left to right to feel the song at pumapalakpak din.


Ang paningin ko ay nasa kamay niya at namamangha pa ako dahil sa tunog nitong nagagawa sa tuwing kinakalabit niya ang string. Isama mo pa ang mala-anghel nitong boses. And when I lift my head to look at him, our eyes met again. He's looking at me with so much emotion.


And there I remember how we first met. I gave him a smile. He smiled too while singing the song 'best friend' by Jason Chen in acoustic version.


"How could I tell I loved you, when you were so happy with some other guy..."


Nagpaparinig ba siya? Gusto kong matawa and ask when? When did he start to have that feelings towards me? Matagal na ba? If that line tells that he badly want to confess pero hindi niya magawa dahil sa mga panahon iyon ay si Cloud ang inaalala ko ay iyon ba? I don't want to assume things pero kung iyon nga, sa tingin ko ay hindi ako nag-guilty. Mas lalo pa akong nagiging masaya.


He finish the song. Binigay niya rin ito kay Zenry at ito naman ang kumanta.


Si Lois ay nakikisabay sa kanya. Si Jael ay nakikinig lang.


Nang lumalim na ang gabi ay napagdesisyunan narin naming bumalik. Pinauna namin ang mga kaibigan namin at huling-huli kami ni Rios.


"Ang galing mong kumanta kanina." Komento ko habang sumusunod sa mga kaibigan.


"Hm. I want to hear you sing too."


Nilingon ko siya. He's already looking at me like I'm the best person living in this world.


"Kakantahan kita kapag babalik na tayo sa school."


He let a soft chuckle. Nakagat ko nanaman ang ibabang labi ko hearing him laugh like that. Parang kumikliti sa aking tenga.


"You promise?"


"I promise." Agaran kong sagot. Nang mapasok ang bahay ay tumuloy kami sa mga kwarto namin.


I lay on my bed at nakatanggap agad ako ng mensahe galing kanya. Silly! Parang kanina lang ay kasama ko siya, now I miss him already.


From Rios:

Matutulog ka na?


To Rios:

Hindi pa. Why?


Kinalkal ko muna ang bag ko at nilabas ang earphones doon bago ako tuluyang nahiga sa kama. Sinaksak ko ang earphones at nagplay ng music.


From Rios:

Nothing. I just want to talk to you.


I smiled again. Magt-type na sana ako ng mensahe pero bigla akong may naalala dahil sa kanta. I'm listening to 'My boo' by Usher.


'Do you remember, girl?... I was the one who gave you your first kiss... 'Cause I remember, girl... I was the one who said, "Put your lips like this... Even before all the fame... And people screaming your name... Girl, I was there when you were my baby...'


"Wag kang iinom ng hindi mo kaya!" Suway ni Rios. I don't know where are we heading. Masyadong malabo ang aking paningin at parang umiikot ang lahat.


"Sorry na..." I even laugh and poke his left cheek. Hawak niya ang isang braso ko at nakakapit ang isa niyang braso sa bewang ko.


We had a celebration to Eunice's birthday party. Kami-kami lang na mga Eva. It was outside of their house sa may garden. Lahat kami nalasing and when the Adans find out, sila ang sumundo. Ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ang iba naming kaibigan but I'm pretty sure that they were all taken care by the Adans.


"Stop it, Aly!" Puna niya sa mariin na tono. Kinukurot ko na kasi ang kanyang pisngi ngayon.


"Bakit ang gwapo mo? Hindi ka naman ganyan noon, ‘di ba? Mga slight lang." Damn! It's a compliment! Dapat matuwa siya. Magthank you dapat siya dahil hindi ko iyon sinasabi palagi. "Even at this angle, you look hot!" Malakas na sabi ko. Hawak ko ang kanyang panga at ginagalaw iyon. Tumatawa pa ako.


"Lasing ka na nga talaga."


"I'm not!" Pumadyak ako. Tinulak ko siya at sinubukan kong maglakad mag isa. I know what I'm doing. Oo, may tama ako but I know what is happening!


But suddenly, I almost fell. May hagdan pala bago makapasok sa bahay nila. Oh, it's their house? Mabuti nalang ay nahawakan niya ako agad.


"Ang init!" Reklamo ko. Nakita ko yung mga maids nila na bakas ang pag-aalala.


"Pakihanda po ako ng warm water tapos malinis na tela. Pakidala sa kwarto ko." Boses iyon ni Rios. Alam ko ang boses niya, e.


Naramdaman ko na bumagsak na ako sa malambot na kama. Narelax din ang paa ko dahil tinanggal niya ang sandal ko. He sat on the sharp of the bed at matalim akong tinitigan.


"Hindi niyo kami tinawag na magiinuman kayo ngayon. Sana, nacheck namin kayo." Usisa nito.


"Don't worry, okay? Safe ako, oh!"


Napailing siya. May kumatok sa pinto at siya ang nagbukas. May dala yung maid na palanggana na may laman na tubig. May tela din doon na kulay puti.


"Maraming salamat po. Ako na ang bahala dito."


Tumango ang maid at umalis din. Pinatong ni Rios ang palanggana ng tubig sa bed side table at binasa ang isang tela. Piniga niya iyon ng mabuti at sisimulan sana akong punasan sa mukha pero hinawi ko ang kamay niya?


Napatakip ako sa aking bibig. God! Nasusuka ako.


"Alyssa?"


I tried to stand. Ayokong sumuka sa kama kaya naman nang lumapag ang paa ko sa malamig na sahig, mas naramdaman ko ang hilo sa pagtayo. Nakakadalawang lakad palang ata ako ay lumabas na ang likido sa aking bibig.


I didn't control it kaya nasukaan din ang damit ko. May sumabit din sa buhok ko. Gosh! I hate it's smell. Yuck!


Tinulungan akong muli ni Rios. This time, binuhat niya na ako at dinala sa loob ng cr. Pinaupo niya ako sa tabi ng bath tub.


"You clean yourself. Lilinisan ko ang kalat mo doon." He sound mad. Napanguso nalang ako. Hindi niya sinara ang pinto kaya kitang-kita ko dito ang ginagawa niya.


Pinupunasan niya ang sahig ng basahan. I even smiled because I don't see any irritation on his face.


Tinanggal ko ang suot kong shirt. Maghihilamos lang sana ako but then I remember that my hair smells awful too. Tumayo ako at tinanggal ang short kong suot. Now, I'm only wearing my under garments.


I heard him curse while doing his work in there.


"Isara mo yung pinto!" Sigaw ko nang maalala na nakaopen ito. He didn't listen.


Kinuha ko ang adjustable faucet shower at inopen iyon saka ko tinutok sa aking buhok. Ugh! I'm already sleepy. Sana pala nagpapunas ako.


Nabitawan ko ang shower faucet kaya nabasa ang tiles. Pinulot ko 'to at inoff muna then I get his shampoo. I tried to open it pero nalaglag din. Damn it!


"Ano? Maglalasing ka pa?"


Nilingon ko siyang nakasandal doon sa may pintuan nitong bathroom niya. Nakakrus ang pareho nitong kamay. Sa tingin nito ay para niya akong pinagagalitan.


"Can you open it?" Ngumuso pa ako para ituro iyong nalaglag kong container ng shampoo.


"Tsk."


Pinulot niya 'yon. Binuksan niya at nilagyan ang kanyang palad. And now, he's the one covering my hair with the shampoo. Nasusuka nanaman ako pero wala ng lumalabas.


"Sabunin mo yang sarili mo." He handed me the soap. Kinuha ko yon at sinabon ang aking sarili. Sa sobrang dulas ay nalaglag din yon.


Aabutin ko na sana pero siya ulit ang pumulot at ngayo'y siya ring nagsasabon sa akin. I don't know if I'm just too drunk to not feel any shame in front of him. Well, ilang beses na kaming nagbeach and he already saw me a lot with my only bikini.


Wala naman akong ibang nararamdaman sa mga haplos niya lalo na nang banlawan niya ako. It's normal. Walang chansing.


"Lumabas ka na! Maghuhubad ako." Sigaw ko. Napailing nalang siya at sumunod. Sinara niya ang pinto.


I get his towel too at pinulupot iyon sa aking katawan after taking off my brassiere and panty. Lumabas ako ng ganon. Medyo umokay na ang pakiramdam ko pero masakit parin ang ulo ko.


Inalalayan niya ako sa paghiga sa kama but a lady is in there. A maid.


"Pakibihisan siya."


"Sige po, sir."


Rios leave the room. Binihisan ako nung maid ng bagong damit at pagkatapos ay bumalik na ulit si Rios.


"Okay na po, sir."


"Thank you."


Umalis yung maid. Akala ko ay matutulog na ako pero pinaupo niya ako.


"What's your problem? Agh! Inaantok na ako." Reklamo ko at binagsak muli ang katawan sa kama.


"Basa pa ang buhok mo. Patuyuin mo muna."


Ngumuso nanaman ako. Nakapikit na ako kaya hindi ko na siya nakikita pero nakarinig ako ng ingay and I feel him touching my hair kasabay ng hangin na tumatama doon. He's blow drying my hair.


"Bilisan mong patuyuin, ha? Inaantok na talaga ako." Pakiusap ko. I heard him laugh a bit kaya napangiti ako.


"Wag ka ng iinom ulit nang hindi ako kasama." Paalala niya. Nakaindian seat ako sa harap niya. He's seating but with his feet on the ground.


"Aye aye, captain!" I even salute him.


Nang makaramdam na talaga ng antok ay bumagsak ang ulo ko sa kanyang dibdib. He blow dried my hair on that position. Naramdaman ko rin na inihiga niya ako ng dahan-dahan matapos niyang patuyuin ang buhok ko at nakarinig ng kanta sa kanyang maliit na speaker kaya nagising din ako.


My boo by Usher


Nagtama ang tingin naming dalawa. He's fixing my hair na alam niyang tumatabing sa aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa labi ko and the next thing I knew brings an unfamiliar feeling.


He kissed me. Dampi lang iyon tapos ay muli siyang tumingin sa akin. Nang wala akong sinabi ay muli niya akong hinalikan. Longer this time.


Libo-libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. His hand goes to my jaw to control the kiss. I kissed him back with the same ferocity. Hindi ko alam kung bakit. Kontrolado ng alak ang isip ko pero hindi, e. Kahit nakainom ako o lasing, alam ko ang ginagawa ko. Alam ko ang mga iniisip ko. And this time, alam ko na hinahalikan ako ng kaibigan ko and the stupid thing that I did is to kissed him back? Saan nanggagaling ang emosyon na yon para tumulak sa akin na halikan siya?


Hingal na hingal ako nang hiwalayan niya ang aking labi. He kiss my cheeks. Both of them. Naramdaman ko rin ang labi niya sa tungki ng ilong ko at sa noo ko. I smiled. Then a soft kiss was drop again on my lips.


Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko and then he whisper. "I'm trapped."


Hindi ko naintindihan iyon at nakatulog narin ako. When I woke up in the morning, ramdam ko ang sakit ng ulo ko. I gasp of air and went shocked when I realized, iba na ang damit ko. An oversized shirt and a boxer. Shit! Kaninong kwarto?


Kay Rios! Okay. Kalma. Walang gagawin yon sayo. Mabait yon. Gentleman yon. Inhale. Exhale. Nasapo ko ang aking noo nang sumigid nanaman ang sakit. The heck! Hindi na talaga ako iinom ng ganon karami.


And by the way? Paano ako napunta dito? I can't remember a thing or two!

Trapped By Golden Rule (Golden Rule Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon