East Dorothy
"This is it!" excited na tugon ni Nisha sa akin habang pinaplansta ni mama ang buhok ko.
Things went faster, sobrang bilis lang talaga ng panahon, yung kahapong sobrang busy ko, ngayo'y naging isang huwarang estudyante na. At the end, nagtagumpay din ako. All my prayers were answered.
"Ano ba Nisha? Masisira tong make up ko eh!" asik ko sa kanya dahil napakalikot ng kamay. Ang hilig mag-selfie kaya nadidisturbo si mama sa pag-aayos sa akin.
"Ito naman, isang selfie nalang, please." Pagmamakaaawa niya sa akin.
Ang kulit talaga!
"Siguraduhin mong last selfie na iyan, Nisha kundi malalagot ka sa akin." Seryosong pambabanta ko sa kanya habang tinitingnan ko ang program ng graduation namin.
Graduation day namin ngayon in Southern College University, for students like us hindi maikukumpara ang kasiyahan na aming nararamdaman kahit anong okasyon pa yan. Lahat siguro ng estudyante gustong maka- graduate. Sino ba namang hindi?
"Oo na, East! ayaw na ayaw mo talaga sa selfie no?" pang-aasar sa akin ni Nisha dahilan para mapatawa sina Freya, Daniel, Jinna at Mia.
Alam nilang ayoko sa mga bagay na tulad ng pagseselfie at pagpopost. Mapapatanong na nga lang ako kung saan nanggagaling ang confident niya para magselfie in public.
"You look maganda, anak," tugon ni mama sa akin. Nililigpit niya na rin ang mga gamit niya sa pagmamake-up. Natapos na rin ang make-up scene namin. How I really hate this!
"Oh ano ba namang mukha yan? Ba't nakasimangot?" tanong sa akin ni Nisha, hindi niya pa rin binibitawan ang cellphone. Magseselfie pa yata.
"Sinong hindi sisimangot Nisha, ayoko ng naka make-up, tingnan mo ang kapal kaya." Turo ko sa aking mukha habang nakanguso.
"Anak, hayaan muna, ang graduation day isang okasyon lang yan. Hindi yan nauulit, mabuti nga lang ay nakakapagmake-up ka ngayon, yung ibang estudyante nga hindi." Seryosong tugon ni mama sa akin. Inaayos niya ang buhok ko, medyo nagulo kasi.
"Opo ma, alam ko naman yon eh, it's just hindi ko lang talaga keri ang heavy make up." I pouted again.
"Oh sige na't pupunta pa tayo sa school niyo, baka malate pa kayo sa ceremony niyo." Dagdag na tugon sa akin ni mama. Nagmamadali na siyang nag-ayos tsaka naghintay na kami ng sasakyan sa labas.
Minutes later, we arrived at the school. Mabuti't sakto lang ang abot namin sa school. It was the venue of our graduation day. Sakto lang ang pagdating namin at nagsimula kaagad ang program.
Michael was there and his friends too, they also congratulated me. My friends are also very happy. Sobrang saya ko that day, it was one of the memorable day of my life that God granted to me.
"Papa! Buti po't nakaabot kayo." Maligayang bati ko kay papa habang hawak-hawak ko ang diploma at medalya ko. Medyo nahuli nga lang ng dating si papa.
"Ako pa ba nak? Hindi ko pwede mamiss out to!" kita ko ang saya sa ngiti ni papa. He was so proud of me. Niyakap niya ako at nahantung na rin sa group hug.
"Picturan ko po kayo auntie!" Pagbulontaryo ni Nisha samin. Hawak na niya ngayon ang camera niya.
"Sige ba Nisha, salamat!"
"How about kasali si Michael?" lokong ideya ni Nisha.
"Hi East, pwede ba?" singit din Michael at nagpakilala pa sa parents ko.
"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kaibigan mo, anak?" ani mama.
"Si Michael Dren po, ma. Kaibigan ko po." Nahihiyang sambit ko.
"Hi po mama, ay este Tita, pala. Nga po pala, ako po si Michael Dren Aguita, boyfriend ni East."
Nagulat ako sa pakilala niya sa parents ko, I felt my cheeks burned at napahalakhak na lamang sila mama at papa.
"Anak, may boyfriend ka na pala?" taas kilay na tanong ni papa.
"Nako pa, huwag ka pong maniwala diyan. Hindi ko po pa iyan sinasagot. Kunin niyo na nga kami ng litrato, Nisha." Napasimangot na lang ako.
Sabi ni Nisha na magpose daw kami para maayos ang makukuha niyang picture and it was indeed a good shot.
Nagdecide si mama at papa na mauna nang umuwi, magluluto na sila ng hapunan namin. Sabi kasi ni papa na magcecelebrate daw kami kaya nauna na sila upang makapagbili ng mga bibilihin.
"Anak una na kami ng papa mo, maghahanda kami mamaya para hapunan okay?" Masayang tugon ni mama sakin.
"Okay po ma, ingat po kayo ah!" Sabay wagayway ko kay mama at papa.
A minute passed, naka-alis na rin sina mama at papa. We stayed at the school for one hour. We take selfies with our classmates too. Kinunan din ako ni Nisha ng litrato, pang remembrance daw.
"Nisha, mga kolokoy, uwi na kaya tayo, baka uulan na oh." Turo ko sa kalangitan at natawa lang ang aking mga kaibigan sa biro, so we decided to go home, late na rin kaya umuwi na kami.
"Uhm East, pwede ba kaming sumabay?" biglang tugon sakin ni Michael. Ikinagulat namin yun, biruin mo, sasama ang isang Michael Dren sa amin, mga kolokoy pa naman tong mga barkada ko.
"Pero maglalakad lang kami Michael, baka..." Hindi na ako nakatapos sa aking binibigkas dahil inunahan na niya ako.
"Don't worry East, okay lang sa amin na maglakad. Isa pa, we wanna know how walking can be fun. Diba mga tol?" paliwanag sa amin ni Michael.
"Okay sabi niyo naman na sasabay kayong maglakad sa amin." Sambit ni Freya, kaya no choice kami, edi we walk with them and his friends.
Nauna ng nauwi si Daniel at Freya. Sumunod namang umuwi ay si Jinna, Mia at Nisha.
"East uwi na kami ah? Ingat ka, love you, our Summa Cum Laude." Muling sambit ni Nisha saka umalis na pauwi.
"Uuwi na rin kami, Michael. See you tol!" Paalam din ni Remuel at ngumisi ng nakakaloko kaya napatawa ako.
Tanging kaming dalawa na lang ni Michael ang natira. Pareho kaming napatikom, ang tahimik.
"Uhmmm, Michael. Is it ok—" he cuts me off again this time.
"Can we make it, official?" he asked.
"Y-yes.." tanging sagot ko.
"Is this for real? Walang bawian, East!" masayang tono niya.
"Oo nga, sinasagot na kita. I love you, Michael." Pag-amin ko.
"And, I love you too, East Dorothy." Pag-amin niya rin sakin.
We just both laughed habang tinatahak namin ang daan pauwi.
I just can't imagine na ang taong nangungulit sa akin noon, annoyed me and lied to me was the person God sent to me. To hold on to him and to love him. I can really say that God whispered to me in my prayer "That's the way I loved you, East Dorothy, my child."
For sending me, Michael Dren to my life and my family that never forsaken me as well as my friends and the only Father who give and take every joy and pain through it all he will remain faithful to me.
This is not a goodbye but just the beginning. The beginning of something new for the both of us.
YOU ARE READING
The Way I Loved You | ✓
RomanceBTLEd Series 1 A Bachelor of Technology & Livelihood Education Series Handled by GSM Bookshop and printed by PaperInk Publishing House East Dorothy Caslib is a BTLEd student majoring in Home Economics. Every time she faces rejection, delight, ange...