Disclaimer:
Under RevisionWrote it a long time ago.
Follow: adalmaj
***Panay ang hikab ko at papikit-pikit na rin ang aking mga mata dahil sa pagka-antok sa klase namin ngayon. Nakahalumbaba lang ako at pinipilit na makinig.
Paano ba naman, yung prof namin daig pa si Maria Clara sa pagkahinhin, pati yung boses di na masiyadong naririnig. Saktong World Religion pa ang subject namin sa kanya kaya mas lalo lang nakakaantok. Don't get me wrong. Interesting ang subject na 'yon pero ewan ko ba, ba't antok na antok ako.
Kung hindi lang nandito ang lalaking kumukumpleto sa araw ko, di ko 'to papasukan eh!
Napabuntong-hininga ako. Habang tinitignan ang taong matagal ko ng hinahangaan.
'Hay Aldwin. Ba't ganun? Bakit ang pogi mo? Hay, nababaliw na ata ako dahil sayo.'
Oo na tinamaan na ko. Tinamaan ako ng kalandian kaya eto napapala ko, nagtitiis at pinipilit gisingin ang diwa.
Nang matapos ang klase ay dumiretso ako sa hindi na madalas na ginagamit na hardin malapit lang sa building namin.
Tahimik dito dahil wala na masiyadong nagpupuntang estudyante. Meron namang mga upuan at mesa kaya dito ang naging paborito ko ng tambayan. Dito ako madalas gumawa ng mga gawain mag-isa.
I like more working by myself kasi mas nakakapag-focus ako sa isang bagay dahil walang distractions. Mas mabilis kong natatapos ang bagay na iyon kaysa gumawa ng may kasama. I'm like an introvert person but trust me, I am friendly.
"Drawing again?"
Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko.
"Anak ka ng" sapo ko ang aking dibdib habang nilingon kung sinong pangahas na taong sumira sa tahimik kong mundo.
Pero tumawa lang ang walang-hiya.
"Anak ako ng gwapo. I already know that." at may pataas-taas pa ng kilay.
Inirapan ko siya bago ako nagpatuloy sa aking ginagawa. "Tigil-tigilan mo ko Mendrino. Baka nakakalimutan mo malaki ang atraso mo sa akin"
"Am I still not forgiven yet?"
"Asa ka pang hayop ka! Matapos mo kong iwanan sa letseng restaurant na yun, sorry lang sasabihin mo? Punyeta ka!" nanggigigil kong sinabi.
Napakamot siya ng ulo.
"I said it's urgent kaya kailangan ko umalis! And don't say bad words baby."
Padabog kong binitawan ang lapis sa galit na nararamdaman ko na naman habang inaalala ang nangyari last week.
"Hinayupak ka edi sana hindi mo sinabi na babalik ka pang peste ka. Edi sana nakauwi ako agad diba. Nag-order ka pa ng pagkadami-daming pagkain tapos ako lang din pala ang magbabayad kasi hindi ka na bumalik!"
Akala niya sa simpleng paghingi ng tawad ay mawawala na ang galit ko. Kapal pa ng mukha mag-explain.
Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap mula sa likod.
"Sorry na nga eh. Di ko naman sinasadya! Alam mo namang papagalitan ako ni daddy kung papabayaan ko ang kumpanya."
I rolled my eyes. Yeah right perks of being the son of a businessman!
"It's not even an excuse. Alam mo bang pinagmukha mo kong tanga doon!"
"Cheska please. I know it's my fault. And because of that babawi ako sayo."