Disclaimer:
Under RevisionWrote it a long time ago.
Follow: adalmaj***
“Okay break muna tayo 15 minutes!” – sabi ng photographer namin.
“Tubig oh!” –si Jake. Yung kapartner ko sa shoot na ito.
“Ah salamat” tinanggap ko yung tubig at ininom. Grabe kauhaw!
“Uy ang sweet talaga nila” –girl 1
“Oo nga e perfect couple!”-girl 2 habang kinikilig pa.
“Sana sila na lang forever!!”-girl 3. Hay! Sana nga kami na lang forever kaso hindi mangyayari yun.
Ako nga pala si Ishaa Gayle Uy. 4th year na ako at nagaaral sa *toot* university. Sikat ako sa school kasi isa akong model sa isang kilalang company ng mga damit (bawal sabihin haha). At si Vincent Jake Ferrer naman ang lagi kong nakakapartner kasi maganda DAW yung chemistry namin.
Perfect couple nga daw kami eh kasi parehas daw kaming may itsura at ang sweet daw namin sa isa’t isa. Well akala nila yun kasi pag walang nakakakita samin eh lagi kaming nag-aaway. Ang tingin namin sa isa’t-isa ay mortal na kaaway. Pero kailangan naming magpanggap dahil inaalagaan namin yung career namin kaya eto kailangang umacting.
Pero kahit ganun nahulog pa rin ako sa kanya. Di ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan eh ang trato niya sakin parang isang alipin. Psh =.= Isa pa may babae na siyang nagugustuhan. Si Margarette Chua isa din sa mga model sa company na pinagtatrabahuan ko. Bali-balita nga na nagdadate daw sila at merong pang pictures. Ang sakit grabe!
“Hoy maguumpisa na di ka ba gagalaw?!” –bulong ni Jake sakin.
“Tss Whatever!” – ako
“Ang engot talaga” Urgh! Nakakainis! Kung wala lang tao dito lagot sakin to.
***
Natapos na ang shoot namin ng maaga. Buti na lang at tapos na makakapahinga na ko!!
“Hoy pumasok ka ng maaga bukas may sasabihin ako sayo” kaasar talaga parang hari kung makautos.
“Hoy ka din! Ayoko nga bakit naman kita susundin!” kahit mahal kita hindi pa rin kita susundin no bleh! :P
“DAHIL SINABI KO! KUNG DI KA PUPUNTA LAGOT KA SAKIN!!” URGGH! THAT GUY!
***
Kinabukasan pumasok na ako ng maaga kahit inis pa rin ako. Wala ako magagawa mahal ko e. -.- Malay mo importante yung sasabihin diba? Teka san ko ba makikita yung lalaking yun?
Ay tama! Sa garden!
***
Sabi na nga ba nandit-
“Sorry sa lahat ng mga inasal ko sayo. Gusto ko lang naman na malaman mo na MAHAL KITA!” O.O what the… S-si J-jake umaamin…………………
KAY MARGARETTE?!!
“AAAAAAHHHHHHHH!” – Oh sheez! Nasabi ko ba yun? Ang tanga mo Ishaa dapat sa isip lang yun eh. Hala ka nahuli ka pa tuloy.
“E-engot?! K-kanina ka pa diyan?!”-Jake. Patay! What to do. What to do. >.<
“uh… U-uhmm k-kasi ah.. eh. Uhm. Oo eh. Haha sensya naistorbo ko pa kayo. Sige bye na!” sabay takbo ko. Narinig ko pa yung pagtawag sakin ni Margarette pero di ko na yun pinansin. Hoo! That was close?!
