Nakakapagod na eh.
Ako si Raffy.
Mahilig sa barkada,sa basketball,sa dota.Mahilig maglibang.
Pero syempre hindi ko nakakalimutan bigyan ng time yung girlfriend ko,si Yna.
Tine-text ko sya kapag wala na akong ginagawa.
Lagi ngang galit yun eh.
E atleast naman diba,tinetext ko sya.
Matampuhin kasi sya.
Gusto nya lahat ng time ko nasa kanya.
Pwede ba naman yun? Hindi diba.
Lalaki ako,hindi ako magpapa under sa kanya.
Minsan,tinetext o kinakausap ako ng mga kaibigan ni Yna.
Nahihirapan na daw sya.
Napapagod.
E ako ba,Hindi?
"Pare,baka naman ayaw na talaga sayo nyan.Di lang nya masabi"
Oo nga.
Baka nga ayaw na nya.
Baka pagod na talaga sya.
Pero hindi ba pwedeng intindihin nya ako?
Iniintindi ko naman sya ah?
Yung ugali nya.
Napaka selosa,isip bata,matampuhin,moody.
"Eh kung ganun pare,eh di ikaw na ang makipagbreak"
Tama ba yun?
Pero kung gusto na nya makipaghiwalay sakin ..
Bakit hindi naman nya sinasabi?
"Oo nga pare,baka nag iisip lang yun ng maidadahilan para hiwalayan ka"
Oo nga.
Ako na nga kaya ang makipagbreak?
Para di na sya mag imbento ng dahilan sa pakikipagbreak nya?
Ayun naman pala ang gusto nya eh.
Gusto na daw nyang makipagBreak sabi nila..
Tama,ako na ang makikipagbreak.
Ako na ang mang iiwan.
E gusto nya ba talaga?
Gusto ko din ba?
BINABASA MO ANG
Let Me Get Over You,Getting Over Me
Teen FictionInspired By Yeng Constantino and Aj Rafael's Medley of Let Me Be The One and I'll Never Get Over You Getting Over Me