CHAPTER 17√

1.1K 23 0
                                    

RAF'S POV

PASIKRETO kong tiningnan ang asawa ko na ngayon ay tahimik lang habang nakatingin sa labas ng bintana. Napailing ako sa kamusmusan niya pagdating sa ganoong bagay. Batang-bata, ni hindi marunong humalik.

"Bakit ang tahimik mo yata?" Itinuon kong muli ang tingin ko sa daan. Hindi siya sumagot kaya tinapunan ko siya ng tingin. Napangisi ako. "Iniisip mo na ba ngayon kung anong gagawin natin mamayang gabi?" Tumingin ulit ako sa harapan.

Marahas niya akong nilingon. "Hindi. Ano bang pinagsasabi mo d'yan?"

"I'm talking about the-"

"Tumahimik ka nga, hindi ako natutuwa sa 'yo," bakas sa tinig niya ang inis.

Tumawa ako at bahagya siyang nilingon. "Pwede kang mang-asar sa akin, pero ako hindi?"

Inirapan niya ako. "Gano'n ka ba mang-asar?"

"Oo," nakangiting sagot ko at itinuon na ang atensyon ko sa pagmamaneho.

Lalaki ako, pero pakiramdam ko mas malakas si Ainie sa akin. Madali akong madala ng mga emosyon ko habang siya ay kaya niya iyong pigilan. Mataas ang pasensya niya habang ako ay hindi. At ipinagpapasalamat ko ang ganoong ugali niya dahil magandang bagay iyon para sa akin. Kung madaling maubos ang pasensya niya baka ngayon ay hindi ko na siya kasama. Baka ngayon ay mag-isa lang ako.

Bumuntong-hininga ako. Sa kabila ng lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa aming dalawa, hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Lalo na't sumasawsaw na ang mga magulang namin. Nangangamba ako na baka gumawa sila ng bagay na ikakasira namin ng asawa ko. Ngayon ko lang naayos ang relasyon namin at hindi iyon pwedeng masira na naman.

Nakarating kami sa bahay na puno ng isipin ang utak ko. Kailangan kong mag-isip ng plano. Kailangan kong maging handa sa mga hakbang na gagawin nila. Kailangan kong ipakita sa mga magulang namin, na naniniwala ako sa mga ipinapakita nila. Napailing ako nang maalala ang mga makahulugang tingin kanina ng dalawang matanda. Akala siguro nila hindi ko napapansin ang mga pilit nilang tawa. Mga tinginang tila may balak.

Nagpaunang maglakad si Ainie sa bahay, ni hindi ako nilingon. Hinayaan ko siya at nang masiguradong nakapasok na ay saka ko tinawagan si Dawn. Kahit na ganito ang nangyayari, hindi ko pwedeng pabayaan ang tungkulin ko sa organisasyon.

"Kumusta ang lakad mo?" Sumandal ako sa pinto ng kotse ko.

"Great. Papunta ako ngayon kay jefe," sagot nito. "Then I'll call you back."

Tumango ako na para bang narito siya sa harap ko. "Thank you, Dawn. Huwag kang magpapahuli, we can't mess this up."

"Yes, boss. Don't worry and just focus on what you are planning. I will update you from time to time."

"Sige."

Nang maputol na ang linya ay saka ako huminga nang malalim. Si Dawn na lang ang kaya kong pagkatiwalaan na kabilang sa organisasyon. Maybe because we share the same priorities.

Nakapamulsang pumasok ako sa bahay at hinanap agad ng paningin ko si Ainie. Nang hindi ko siya makita ay dumeretso ako sa kusina at uminom ng tubig. Napahilot ako sa sentido ko nang maramdaman na naman ang nanunuot na sakit roon. Naupo ako at ipinikit ang mga mata ko.

Parang may kung anong humahampas sa ulo ko at nanunuot ang sakit na iyon. May kung anong sumasakal sa leeg ko para kapusin ako ng hininga. Napahawak ako sa ulo ko at diniinan iyon. Ito na naman. Umaatake na naman. Napalunok ako nang maramdaman ang dahan-dahang pagkawala no'n. Parating ganito ang nangyayari sa akin. Sumasakit ang ulo ko pero bigla rin namang nawawala.

Nakahinga ako nang maluwag at nang magmulat ako ay tumama agad ang paningin ko sa labas ng bintana. Deretso kong tiningnan ang imaheng iyon. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang presensya ng lalaking iyon, ngayon lang ulit siya nagpakita. Dali-dali akong lumabas ulit ng bahay, umaasang maabutan ko siya. Pero wala. Wala akong naabutan ni kahit anino. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng bakuran namin ngunit nabigo lang ako sa pag-aakalang nagtatago lang ang lalaking iyon sa mga halaman.

Heartless Husband Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon