CHAPTER 59√

596 17 0
                                    

NAKITA ko hindi kalayuan si daddy na sumenyas sa mga soldados na kasama niya. Tumigil rin sa pagputok ng baril ang mga kalaban. Hindi ko inaasahang lalabas ang lalaking nakaharap ko kanina habang hila-hila si Dawn na halos napuno na ng dugo ang buong mukha.

"Shit!" Mabilis kong pinaharurot ang motor ko palapit sa kanila at marahas rin iyong inihinto mismo sa harap ng kotse ni daddy.

"Lye! Anong ginagawa mo rito?" tanong ni daddy na hinawakan pa ang braso ko. "What happened to your forehead?"

Hindi ko siya pinansin bagkus ay pinagmasdan ko ang kabuuan ni Dawn na halos hindi na makatayo. Kasunod no'n ay lumabas ang isang lalaking may dalang galon. Isinaboy niya sa daan ang laman no'n, umalingasaw ang matapang na amoy ng gasolina.

"Hanggang sa susunod, babae!" nakakalokong ani ng lalaking may hawak kay Dawn. Hinila niya ulit si Dawn palapit sa kotse at agad iyong pinapasok.

Bago pa sila umalis ay itinapon pa ng isang lalaki ang hawak niyang lighter sa daan na sinabuyan niya ng gasolina. Agad lumagablab ang apoy sa daan, kasabay nang pagharurot ulit ng mga sasakyan nila. Kumuyom ang mga kamao ko bago ko muling pinatayo ang motor ko. Narinig ko ang pagsuway sa akin ni daddy pero mabilis pa sa hanging pinaharurot ko ang motor at walang pagdadalawang-isip na dinaanan ang daang nag-aapoy. Nilingon ko silang lahat na nagkakagulo pero muli ko ring ibinalik ang tingin ko sa harap.

May kalayuan na ang sinasakyan ng mga kalaban pero may kumpyansa akong mahahabol ko sila. Binilisan ko ang takbo ng motor ko at nagpatuloy sa paghahabol sa kanila. Ilang minuto ay nagawa ko rin silang mahabol dahil malayang-malaya ang malawak na daan. Kinabig ko pakaliwa ang motor ko nang biglang lumiko ang kotse. Nangunot ang noo ko nang mapansing mas lumalayo na kami. Hinayaan nila akong sundan sila na halos inabot rin ng tatlumpong minuto. Kung hindi kami gano'n kabilis, nasisiguro kong aabot sa higit isang oras ang magiging byahe bago makarating sa lugar na iyon na maliblib. Sampung minuto ko silang sinundan hanggang sa bigla silang nawala sa paningin ko. Nagtatakang bumaba ako ng motor at hinayaan lang ang ilaw no'n. Gano'n na lang ang paglingong ginawa ko nang biglang may bumato sa motor ko na nasundan ng pagkaloko-lokong tawa ng lalaking iyon.

Kung hindi lang madilim, alam kong makikita ko siya. Pero masyadong maliblib ang lugar at wala ni isang poste ng ilaw ang naroroon.

"Talagang sumunod ka?" hindi makapaniwalang tanong niya habang dahan-dahang lumabas sa dilim.

Kasunod no'n ay ang paglabas rin ng ilang lalaki. Wala na silang suot na mga balaclava pero hindi ko pa rin nakayanang makita ang mga mukha nila dahil ang tanging liwanag na naroon ay ang liwanag na nagmumula sa motor ko. Hindi ko na nagawang makalaban ng bigla nila akong daklutin at hawakan sa magkabilang braso. Gano'n na lang ang galit ko matapos nilang sabuyan ng gasolina ang motor ko at agad iyong sinunog mismo sa harap ko.

Ang regalong big bike sa akin ni Samuel pagkauwi pa lang namin dito sa Pilipinas ay tinutupok na ng apoy. Ni hindi pa iyon ganoong nagtatagal sa akin. Sinipa ko ang lalaking iyon nang lumapit siya. Napaatras siya at tumawa na para bang sayang-saya. Naglabas siya ng baril at agad itinutok iyon sa akin.

"Ang mga pakialamerang katulad mo dapat pinapatay na. Pero maganda ka, pwede kitang ibenta."

Pagkatapos ng sinabi niyang iyon ay tumango siya. Bigla kong naramdaman ang ilang beses na pagpukpok sa ulo ko gamit ang matigas na bagay. Naramdaman ko rin ang kamay na lumapat sa leeg ko bago ako nawalan ng malay...

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko ang bagay na nakatali sa parehong mga kamay at paa ko. Nagmulat ako pero wala akong makita. Sinubukan kong magsalita pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang maramdaman na may telang itinali sa bibig ko. Napagtanto ko ring nakabalot sa trash bag ang ulo ko kaya wala akong makita. Pinilit kong kumilos pero napapatigil ako sa tuwing nasasagi sa sahig ang likod ko. Pakiramdam ko nagkaroon ng mga pasa iyon dahil sa paghampas sa akin ng lalaki.

Heartless Husband Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon