Chapter 1: The person behind the mask

20 0 0
                                    

Amie's [POV]

Krrrriiiiinnggg.. Krrriiingg.. Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.

"Haaiiissstt!!!! Kainis naman oh, inaantok pa ako."

"Anak halika na mag-almusal na tayo, baka ma late ka pa." sigaw ni mama mula sa baba.

"OPO!! MALILIGO PO MUNA AKO!!!" sigaw ko rin mula sa kwarto ko.

Matapos akong maligo, bumaba na ako para mag-almusal para makapunta na ako sa school. First day pa naman ngayon ng klase ayaw ko namang ma late no.

Scholar nga pala ako sa school na papasukan ko, ang STAR ACADEMY.

Nasa tapat na ako ng gate ng may biglang bumusina sa may likod ko kaya agad akong tumabi para makadaan yung sasakyan. Ikinagulat ko nalang ng pagpasok nung kotse sa loob ay agad itong dinumog ng mga estudyante.

Sorry ah! hindi ko alam ang mga nangyayari.

1st year palang pala ako.

Pero ng dahil Curious ang ate nyo, hayaan nyo na akong magtanong.



"Excuse me miss. Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga estudyante?" tanong ko dun sa babaeng dumaan.

"Ay siguro sa campus na ito ikaw lang ang hindi nakakaalam?" sabi nya habang tinuro nya ako gamit ang hintuturo nya.

Sorry naman po ah, bago lang ako dito.

Pero sa isip ko lang yun no.

"Ah, ano ba yun?" tanong ko ulit.

"Alam mo ba na sa loob ng sasakyan na yan, nandyan si Mico ang crush ng school campus na ito. At ang pamilya nila ay may connection sa pamilya ng may-ari nitong school. Kaya mas lalong pinagkakaguluhan sya ng maraming babae, isa pa gwapo, matalino at mayaman pa, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Sige miss mukhang naipaliwanag ko na sayo ng maigi kaya mauna na ako. Bye." tsaka sya umalis.

Haaaayyyyy, naku mga babae talaga tsk tsk tsk. BTW wala akong interes sa lalaking yan.

Dumeretso na ako sa classroom ko para sa first subject namin. Pero pagdating ko sa room walang ka tao tao. Diba dapat nagsisimula na ang klase? Asan na ba ang mga tao dito?

Nag-antay ako ng ilang sandali. Maya-maya lang ay may pumasok na taong naka mask.

Ano kayang balak nitong gawin? Jusko tulungan nyo po ako.. huhuhu

"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang unti-unti akong napapaatras, dahil palapit sya ng palapit sa kinaroroonan ko.

Ng dahil sa takot ko di ko na napigilang mapasigaw.

"TULUNGAN NYO AKO!!!!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas.

Ng dahil sa ginawa kong yun ay agad syang tumakbo palapit saakin at tinakpan ang bunganga ko gamit ang isa nyang kamay at yung isa naman ay nakahawak sa may tiyan ko.

Mico's [POV]

Ano ba naman to, kailan ba sila titigil sa paghahabol saakin?

Nandito na nga pala ako sa school kaso hindi ako makalabas kasi yung mga babae ay naka abang sa labas, inaabangan nila ang paglabas ko.

"Alam mo na ang gagawin ok?" sabi ko sa isa sa mga driver namin, sinama ko sya dahil alam ko na ang mangyayari ngayon, kaya hindi naman ako nagkamali.

"Opo sir." tapos sinuot nya na ang mask at lumabas na ng sasakyan. At nung pagkalabas nya sinundan agad sya ng mga estudyante kaya naka hanap ako ng time para makaalis narin ng kotse. Gumamit rin ako ng mask para di nila ako makilala.

Pumasok ako sa isang room, hindi ko alam na may tao pala sa loob. Kaya ang nangyari....

"TULUNGAN NYO AKO!!!" nabigla ako sa pagsigaw nya kaya naman agad akong lumapit sa kanya para takpan ang bunganga nya.

"Please hwag kang sumigaw." sabi ko sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig nya.

Ngunit nagpupumiglas sya, kaya hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak ko sa kanya. Maya-maya lang nung hindi na sya gaanong nagpumiglas ay binitawan ko na sya, nangangalay narin kasi ang kamay ko.

Amie's [POV]

Nang bitawan na nya ako ay nakahinga ako ng maluwag.

*sigh*

"Sino ka ba? Tsaka anong ginagawa mo dito, at naka maskara ka pa talaga? mukha kang magnanakay sa ayos mong yan." sabi ko sakanya habang inaayos ko ang damit ko.

Tinanggal nya na ang mask nya .

"Sorry. I'm just trying to escape from those girls outside. I didn't mean to do it so I apologize." pagpapaliwanag nya.

"Eh, ba't ka naman tatakas sa mga babae? inaano ka ba nila?" tanong ko ulit sa kanya.

"Don't tell me hindi mo ako kilala?" tanong nya habang nakangiti na akala mo'y di makapaniwala.

"Magtatanong ba ako kung kilala kita ha? tsk" tapos inirapan ko sya.

"Chill ok?"

*no response*

"Alright, let me introduce myself, I'm Mico, Mico Villares."

Hinarap ko sya at nakita kong nakalahad ang kamay nya na para bang naghihintay na tanggapin ko ang kamay nya para makipag shake hands.

"You are?"

"Amie, Amie Lopez." tapos tinanggap ko ang kamay nya.

"Nice meeting you Amie" tapos nginitian nya ako.

Pero hindi ko sya ginantihan ng ngiti, inis pa rin ako sa kanya ng konti no.

Love By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon