Chapter 3: She's my GIRLFRIEND

22 1 1
                                    

Amie's [POV]


*Lunch Break*


Naglalakad na akong papuntang cafeteria para mag lunch kasi gutom na gutom na ako, tapos kaninang umaga hindi pa ako nakapag breakfast.

Pero may biglang humarang saakin, tapos nakita ko yung tatlong kaklase ko sila Dominique, Vicky at Rachel.


Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit hinawakan ako ni Dominique sa braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.


"Teka lang bitawan mo ako, nasasaktan ako." pagmamakaawa ko sa kanya. Pero maslalo nya lang hinigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko at tsaka ako hinila paharap sa kanya, kaya hindi ko na napigilang mapasigaw sa kanya.


"ANO BA?!!!" bulyaw ko sa kanya.


"HUH!!! At may gana ka pang sigawan ako?" mariing sabi nya saakin.


"Ano bang kailangan nyo?" tanong ko sa kanila, pagkatapos nun binitawan nya na ako.


"Talagang gusto mong malaman kung bakit?" sabi nya habang papikit-pikit pa ang mata.


"Sabihin nyo na kasi may pupuntahan pa ako." yun nalang ang nasabi ko, ang totoo nya kumakalam na talaga ang sikmura ko.


"Bakit kilala ka ni Mico? At gusto nya pa talagang tumabi sayo.? Siguro pinikot mo sya no?" habang tinuturo ako.



"Yan lang ba ang itatanong nyo?" sarkastiko kong tanong.


"Aba! ang tapang mo ah?" tapos bigla nyang hinawakan ang collar ng damit ko.


"Bakit ba kayo interesado? Kaano-ano nya ba kayo ha? Alam nyo napaka pathetic nyong tatlo, ng dahil lang sa isang lalaki nananakit na kayo?"


"Aba!! Sumusobra kana ah!!" tapos agad nya akong tinulak kaya napaupo ako sa sahig, at naramdaman kong parang kumirot ang kamay ko na nagsilbing pinangtukon ko.


"Butinga sayo." sabi naman ni Rachel.


"TIGILAN NYO YAN!!!!" agad kaming napalingon sa pinagmulan ng boses, at nakita ko si Mico na seryosong nakatingin sa kinaroroonan namin. Naramdaman ko ring parang kinabahan si Dominique sa biglaang pagdating ni Mico.


"Ahhhh, Mico it's not what you think." explain ni Dominique habang magkalapat ang mga palad nya. At yung mga kasamahan nya naman ay hindi makatingin ng diretso kay Mico.


Ng pagkalapit ni Mico agad nya akong tinulungang makatayo. Tsaka sya nag salita.


"Stop explaining cause I saw everything." sabi nya.


Anong I saw everything, ibig sabihin kanina pa sya nanonood sa pagtatalo namin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon