CHAPTER 4

4.9K 294 51
                                    

Onyx Alcaraz

Habol ang hininga  naming lahat nang matapos ang drill namin. Mabuti naman at naisipan ni Coach Mia na ipagpahinga kami. Tangina sa training lang ata ako mamamatay. Grabe talaga magpatraining si Coach Mia. Totoo talaga ang balita na nakakamatay ang training niya.

Maaga siyang huminto sa paglalaro pagkatapos nang kasal niya at naisipang magcoach nalang dito sa FSU.

" Nanlalambot ang mga tuhod ko!" Reklamo ni Ate Priya, isa sa mga seniors namin.

Nakahila na kaming lahat sa malamig na semento dito sa gym maliban kay Aleck na nakaupo sa isang bench at nagpupunas nang pawis. Natawa nalang ako dahil kahit pagod na pagod na siya ay ayaw niyang humilata sa floor. Siya pinakamaarte saaming mga rookies. The very malinis teammate. Halos mag-isang buwan narin kaming magkasama at marami narin akong alam tungkol sakanya.

Nasasanay na ata sa pangungulit ko. Gusto ko talaga siya maging kaibigan kaya lagi kong kinukulit.

" Ang cool parin niya kahit pawisan.." mahinang sabi ni Ate Tinley habang nakatingin kay Aleck na nakapikit na habang nakasandal.

" Sus crush mo lang talaga siya!" Pang-aasar ni Ate Phoebe.

" Sino ba namang hindi, diba? " Sagot niya at hindi man lang tinanggi kaya mas lalo pa namin siyang inasar.

" Ganda ng lahi nila, eh." Sabi ko na sinangayonan naman nila.

Hays. Kapagod. Two months from now ay gaganapin na ang UL pero hindi pa sigurado kong makakalaro ba kami since nandyan naman ang mga seniors namin at tinitrain pa kami.

" Tired.." narinig kong sabi ni Aleck since ako ang medyo malapit sakanya. Akala ko kausap niya sarili niya pero nagkamali ako dahil nasa tenga nito ang cellphone niya.

Feeling ko talaga may jowa siya pero lowkey lang. Nakafollow ako sa Instagram niya at nakita ko iyong isang post niya na magkahawak kamay. Sinubukan kong istalk iyong isang account na nasa following niya pero nakaprivate.

'@ataraxia' iyon ang username kaya mahirap talaga malaman kung sino 'yon.

Dumating din si Coach Mia at sinabihan kaming ligpitan ang mga drill equipments bago magshower. Todo reklamo naman ang mga seniors namin. Kaming mga rookies ay tumatawa lang pero kung matagal na kaming magkakasama ay maingay narin kami. Sa una lang naman kami tahimik, well maliban kay Aleck syempre.

" Onyx baby patulong ako!" Tawag saakin ni Ate Liana kaya medyo namula pa ako dahil sa tawag nito saakin.

" Hoy! Hoy! 'wag mong landiin ang bata!" Sigaw ni Ate Sage sakanya. Nahihiyang lumapit ako sakanya at tinulungan ko siyang pulutin ang mga bola at nilagay sa basket.

After naming magligpit ay sabay-sabay na kaming pumunta sa shower room.

" Jil pahingi nang shampooooo!" Sigaw ni Daphe at tumakbo papasok sa cubicle ni Jil kaya narinig ko ang sigaw ni Jilian sa loob na ikinatawa namin. Naghihintay pa ang iba saamin since kulang ang cubicle.

" Tangina mong hayop ka Daphe!"

Malakas na natawa kami. Siraulo ba naman kasi itong si Daphe.

" Ang OA Jilian, hindi naman kita pagnanasaan." Sagot ni Daphe.

" Putangina mo kasi! Bakit ka biglang pumapasok?!" Ang lakas ng boses ni Jil.

" Trip ka talaga ni Daphe, Jilian. Kunyari lang siya." Pang-aasar din ni Ate Xael habang nasa right side cubicle.

" Kapal. May trip na ako sa kabilang department." Sagot ni Daphe. She's lesbian at sinabi niya na 'yon noong nagpakilala na kami sa isa't-sa.

Hindi natigil ang pang-aasaran nila habang tahimik lang si Aleck sa tabi ko at nagcecellphone. Sinilip ko kung anong ginagawa niya at nakita kong naglalaro lang siya COD ata. Diko lang sure. Basta iyong nagbabarilan.

Game of Hearts 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon