[part IV]

55 4 2
                                    

Mensahe ng author:

ayan ah!.. dahil 2 weeks ang nakalipas at ngayon lang ako nag-update.

sobrang haba talaga netong chapter na to.. hahahahahahaha :))

<Nero Spear O.Pedestin>

Tapos na kame mag lunch. Nandito lang kame sa may balcony nung rest house.

masarap kase yung hangin dito at saka maganda yung view.

Sila Tami at Yuki nag kukulitan lang.. si Lio naman pini-picturan yung dagat.

si Sofia naman... teka nasan si Sofia?

kanina nandito lang yun ah...

Tinignan tignan ko siya sa paligid.. mukang wala siya dito sa loob.. at mukang alam ko na kung saan ko siya hahanapin.

"alis muna ko ah?"

"ha? San ka punta?"

"basta dyan lang... hehe hanapin ko lang si Sofia"

at lumabas na ko ng Rest house...

Naglakad ako papunta sa lugar na yun.. at hindi ako nagkamali.. nandito nga siya.

Nilapitan ko siya.. saka ko napansin na mukang natutulog siya.

andito ko ngayon sa lugar na pinanggalingan namen kanina.. dun sa may duyan .

Tahimik dito at may lilim ng mga puno sa paligid. kaya nakaka relax.

Umupo ako sa ilalim ng puno malapit sa pwesto ng duyan..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Spear"

"anu yun ?"

"may gift ako sayo"

"nasan? patingin nga!"

"pikit ka muna"

"kailangan pa pumikit?"

"oo para surprise"

"okay". wala na kong nagawa kaya pumikit nalang ako.

"open your eyes"

Dumilat ako.. pero instead na sa regalo nya ko tumingin dun sa mukha nya ko napatitig.

Ang tamis ng ngiti nya. ang amo ng mukha ... at ang ganda ng mga mata nya

"ano.. nagustuhan mo ba?"

Saka lang ako napatingin sa hawak hawak nyang gitara..

Natawa ko sa sarili ko kase sa laki ng gitara hindi ko yun agad nakita.

Ganto siguro talaga pag inlove. nawawala sa sarile.

"at talagang nag-abala ka pa?"

"hinde ah may kapalit yan!"

Sophie Psyche Perez

Yan ang pangalan ng taong mahal ko.. mag wa-1 year na kame nyan..1 week nalang at anniversary na namen.

1 week nalang din at birthday na niya.. ang saya siguro ng magiging araw nya sa sunday.

anniversary namen

birthday niya

pati na rin ng bestfriend niya.

Pati tuloy ako na-eexcite sa araw na yun.Kinakabahan nga ako eh.. sa sobrang excite siguro..

Hindi kame madalas nagkikita, dahil taga dito siya sa Cavite. Samantalang ako taga Manila.

Long distance relationship. Kaya naman kapag ganitong walang pasok sa school nagpupunta ako agad dito.

The Pianist's Last Song  PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon