chapter 2

36 2 0
                                    

(a/n: xhan's bubbly and malambing side ^_^ )

 naalimpungatan ako dahil sa likot ng nilalang na tumatalon talon sa kama ko, ang gulo grabe! umagang umaga nambabadtrip!

"anu ba?! natutulog yung tao eh wag ka ngang magulo!" 

"tombs. alas nuebe na wala ka bang balak pumasok?"

bigla akong napabalikwas ng bangon sa kama...

"what the fuck alas nueve na! bakit hindi mo ko agad ginising... shit naman ohhh!"  

 dahil sa pangungulit nitong special child na to, napasarap ang inuman namin kanina kaya alas sais na yata kami natulog at ngayon late na ko sa differential equations!! ang hirap pa naman pumasa sa proffesor ko na yun aiiisssshhhh..

"aba mahal na reyna kanina pa kita sinusubukang gisingin pero tulog mantika ka.. anong oras ba klase mo?"     patuloy parin sya sa pagtalon sa kama ko. wala ba talagang balak tumigil tong taong to?

"8am, yun lang klase ko ngayon hindi ko pa napasukan. haist puro talaga kamalasan ang dala mo eh anu? lumayas layas ka nga sa paningin ko at baka gilitan kita dyan!"

pumasok ako sa banyo para maligo, iniwanan ko si tracy na hanggang kanina eh nagtatatalon parin sa bed ko.. i do all my rituals tapos lumabas na ko  wearing shorts and alchemy shirt.. nasa bathroom na rin kasi yun walk in closet ko..

"para namang nag aaral ka talaga? tara gala na lang tayo sa mall, may papakilala ako sayo, naghahanap ng chix." eto na naman po tayo,, playing cupid na naman tong topak na to

"anu na naman yan?! ibubugaw mo nanaman ako?"

"kung makabugaw naman.. papakilala ko lang sayo para may mag aalaga na sayo..nauumay na ko eh lagi na lang kitang nakikita.."

"at ngayon nasasawa ka na sa magandang pagmumukha ko na to? sino bang may sabing pumunta ka dito palagi?!"

"ako!! kung hindi naman ako pupunta dito eh nagmumok ka na naman.. tapos ano dadramahan mo na naman ako?"

"so napipilitan ka lang damayan ako?!"

"bakit ba napunta dito ang usapan? sinabi ko lang naman na may ipapakilala ako sayo diba. "

"ewan ko sayo!! hmmmp" sabay  walk out ako, hmp . .

okay..exaggerated na ata and drama ko. .  well ganto talaga ako. mahirap pakisamahan.. FEBRUARIAN eh.. given na daw sa mga pinanganak ng February ang may sayad.. pangita naman saming dalawa ni tracy diba? perfect example ng may topak..

may trauma kasi ako sa mga lalaki.. iniwan kami ng daddy ko when i was a little girl, from that moment, naging mailap na ko sa mga kalahi ni adan,, pero sa autistic na bestfriend ko lang ako hindi nakaiwas.... my mom was forced to go abroad to work para ipantustos sa mga pangangailangan ko. i grew up sa family ni tracy, bestfriends kasi ang mama nya at mommy ko, kay tita eda ako inihabilin ni mommy para kahit papano may gaguide parin sakin sa paglaki ko, at dahil sa kagustuhan ni tita na magkaron ng anak na babae tinanggap nya ko at tinuring na parang tunay na nyang anak... tracy and i grew up together so magkapatid narin ang turingan naming dalawa.. sya na ang naging kuya ko, pinagtatanggol nya ko parati, inaalagaan. he always checks on me before he go to bed..  ganyan sya kasweet.. yun eh , NUNG MGA BATA PA KAMI.

"anu bang problema mo, arte mo ha,, parang maganda ahh. " isang nakakabwisit at nakakasulasok na pang aasar na naman ang narinig ko mula sa bunganga nitong autistic na to..

"bakit ba kasi pinipilit mo ko makipagkilala sa mga kaibigan mo, eh okay na nga ako sa ganto, walang problema sa lovelife, walang boyfriend, walang istorbo... maliban sayo"

"yun na nga mismo eh,, pano kung mawala ako.. panu ka na?"

"bakit?? mawawala ka ba? san ka ba pupunta?"

"you know, you have to learn to stand on your own, hindi habang buhay aalalayan kita." his voice is dead serious.. ano bang problema nya?

"kung napapagod ka na sakin eh di iwan mo na din ako. hindi naman kita pinipilit na samahan ako palagi ah!!"

"san ka ba nagmana ng katigasan ng ulo,?"

"sayo!!!" i shouted.. eh si tracy lang naman talaga pagmamanahan ko ng tigas ng ulo eh mabait naman si tita, mabait din ang mommy ko, so wala ng iba sya lang talaga nagpakalat ng epidemya ng katigasan ng ulo.

"arrggghh..all i was trying to say is kailangan mong makisalamuha sa ibang tao, you're being stubborn xhan."    i can sense annoyance in his voice pero wala akong pakialam,, bakit ba kasi ang kulit kulit nitong nilalang na to

"tapos ano? pag nakilala ko na, nag eenjoy na ko sa company nya, iiwan na din nya ko kagaya nung ginawa ng iba?! Please lang.. ayoko"

"puro ka kasi negative yang iniisip mo eh bakit hindi mo muna itry?"

"i've tried naman diba.. pero it hurt me BIG TIME!!!!" 

"haist.. anu bang gagawin ko sayo...??"

archaic euphonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon