Cakes & Pastries

781 34 14
                                    

Thomas' POV

May dalawang oras na simula ng tawagan at itext ko si Ara para tanungin kung anong oras ko siya susunduin, pero hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na sagot mula sa kaniya. Impossible namang tulog pa rin siya hanggang ngayon, dahil alas onse na ng tanghali.

Natigil ang pagtataka ko at hindi ko na pigilang hindi mapangiti ng makita ko sa cellphone ko ang picture ni Ara na kinuhanan ko habang masaya siyang kumakanta kasabay ng bandang tumutugtog kagabi.

May tatlong buwan na rin mula nung nagkita kaming muli, pagkatapos ng ilang taon naming walang balita sa isa't isa.

-flashback-

"Ara? Ikaw nga!" agad kong nasambit dahil sa pagkagulat ng makita ko siya. Nandito ako ngayon sa world trade center, nag-iikot ikot, nagtitingin ng mga booths.

"Uhmm Ara! Earth to Ara! Hello? Ano may zombie ba sa likod ka, nasaan?" pilit kong pagpapatawa ng makita kong nakatitig lang si Ara sa akin.

"Ah. Wala, wala. Anong ginagawa mo dito Thomas?" tila naguguluhang sagot nito sa akin.

"Akala ko tititigan mo na lang ako hanggang mamaya eh" sabay yakap ko dito ng mahigpit. Alam kong hindi naman kami naging magbarkada o naging malapit, pero kahit paano ay naging magkaibigan naman kami. "Ang daming nagbago sayo, you look chic." dagdag ko dito pagkalayo ko sa kaniya.

"Chic? Anong pinagsasabi mo diyan? Ano bibili ka ba? Kasi kung hindi ang dami pang gustong bumili oh." sabay turo nito sa ibang mga taong nakapalibot sa booth niya.

"Forget everything cakes & pastries" nakangiti kong basa sa nakasulat sa booth niya, "wala bang patikim diyan nang mahusgahan. I didn't know you bake Ara."

"I didn't know din na ikaw pala yung tipo ng tao na umiikot mag-isa sa mga bazaar. Oh eto" walang emosyong sabi nito habang tinulak ang tray na puno ng mga maliliit na slice ng cakes.

"Ah uhmm hin"

"Sige lunukin mo muna, baka mabulunan ka wala kaming bentang tubig. Hi ma'am, thank you po, balik po kayo. Manang, paki refill-an po yung tray kasi may isang bata dito na parang hindi pa nananghalian."

"Sobra ka Ara" natatawang singit ko sa pag uusap nila. "Sige, baka sabihin mo nangulo
lang ako dito. Eto pa order ako ng isang buo nitong strawberry shortcake."

"Huwag na, napilitan ka pa. Okay lang kahit naubos yung laman ng tray." napansin ko naman ang matipid na ngiti nito.

"Hindi, seryoso ako, ibibigay ko kina mama saka kay Kat, kasi ang totoo niyan kaya ako nag-iikot ng mag-isa kasi nainip ako dun sa booth nila. Pinakiusapan nila akong ipagdrive ko sila ngayong araw. Siyangapala yung booth nila nandun sa kabilang dulo, mga bags at clothes na bini bili nila sa Thailand tapos binebenta nila dito. Paghindi ka busy dito, punta ka dun, baka may magustuhan ka."

"Sige kapag wala masyadong customers." sagot nito sa akin pero nakatingin na ito sa mga cakes na nilalabas pa ng assistant niya.

"Uhmm, kung kunin ko na lang kaya yung number mo Ara, susunduin kita kasi medyo sa kabilang dulo, baka hindi mo agad mahanap. Text mo lang ako pagwala ka nang gina.."

"Hahanapin ko na lang." pagputol nito sa akin. "Bigay mo na lang sa akin yung booth number, madali naman hanapin kasi magkakasunod naman."

"Booth T18, alam mo kasi, magdedebut na si Trisha yung panglima sa aming magkakapatid, baka pagnakita niya yung mga designs mo may magustuhan siya sa mga cakes mo, sayo na kami magpapagawa, atleast kilala ka nam.."

"Thomas, hindi ako nagawa ng layered birthday cakes! Look Thomas, I'm sorry pero I can't give you my num..."

"No it's okay" at ako naman ang pumutol sa pagsasalita niya, sa totoo lang na offend ako pero sinubukan ko na hindi ipahalata. "Sige, Ara, I'll go ahead."

Pag-ibig na hinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon