-continuation- flashback pa rin po ito.
"May ibang babae" simpleng sagot ko sa kaniya.
Nakita ko ang matinding pagkagulat sa mukha nito, tila ba naubos ang kulay ng mukha nito "I'm sorry Ara"
"Nakakatawa ka Thomas, itsura mo! Affected ka?" pagbibiro ko dito.
"Hindi, kasi dapat mas naging sensitive ako." muli nitong sagot sa akin.
Ngumiti lang ako at muli nang tumigin kay Ethan hanggang sa matapos ito, pero si Thomas ay napansin kong tila hindi na nakanuod pa ng maayos.
Agad tumakbo si Ethan papalapit sa amin kasunod si manang ng makita kami nito, "ang galing naman ni Ethan" sabay kurot ko sa magkabilang pisngi niya. "Dahil diyan, may gustong magcongratulate sayo" at nilabas ko nga ang binili kong batman na laruan kanina.
"Hi Ethan" narinig ko naman na pagbati ni Thomas dito, "sabi ni Batman turuan mo naman daw siyang sumayaw." Ngumiti naman ang bata sa kaniya habang patuloy na tuwang tuwang nilalaro ang regalo ko.
Naglalakad na kaming apat papuntang parking ng biglang may isang bata na tila nasa edad 8 hanggang 9 ang tumabi kay Ethan, "Hi Ethan, siya ba yung daddy mo? Hindi ka na aasarin nina Ian na wala kang daddy." Agad kaming napatigil at napatingin dito. "Hello po, lagi po kasing inaasar si Ethan nung mga classmates niya na wala siyang daddy, pero lagi naman po naming inaawat ng mga kaibigan ko pagnaririnig namin."
"Thank you sa pagtatanggol kay Ethan, sana lagi niyo siyang titignan kasi siya yung pinakabata sa klase niya." sagot ni Thomas na kinagulat ko, agad namang tumango at tumakbo yung batang lalake pabalik sa magulang niya.
Ramdam ko na tila pinagpawisan ako bigla ng malamig kaya agad akong nag-imbita na umalis na.
"Pasensiya ka na Thomas kanina, hindi ko naman inaasahang may lalapit sa atin, naipit ka pa tuloy." sabi ko habang naglalakad kami at nagpapababa ng kinaing hapunan dito sa may Bonifacio High Street samantalang si manang ay abala sa paghabol kay Ethan na naglalaro sa may fountain.
"Wala naman yun Ara, mabuti nga yun nakatulong ako, atleast ngayon hindi na nila ibubully si Ethan." sagot nito habang nakasunod ang tingin niya kina Ethan na akala mo nga ay anak niya. Agad kong hinila si Thomas palayo, at dinala siya sa kabila, papunta sa Park Tierra 28, gusto ko siyang makausap, at alam ko na duon ay wala nang masyadong makakarinig sa amin.
"Thomas, siguro mabuti kung eto na muna yung huli nating pagkikita. Atleast for now."
"Ara, ano na namang bang ginawa ko? Yung usapan natin sinusunod ko naman. Ayaw mo bang kasama ako?" agad na tanong nito.
"Oo, ayoko." seryoso at mabilis kong sagot dito. "Ayoko."
"Alam mo pilit kitang iniintindi Ara pero naguguluhan na talaga ako. Ngayon okay ka, mamaya biglang hindi, minsan nakikipagtawanan, tapos bigla na lang magagalit. Akala ko okay na tayo, inimbita mo pa nga ako sa program ni Ethan. Ano ba talaga?" rinig na rinig ko sa tono ni Thomas ang pinaghalo halong inis, lungkot, pagkadismaya, at pagtataka.
"Ikaw at yang ugali mo, yan ang problema. Dinadadaan mo ako sa kabaitan mo, kinukunsensiya mo ako Thomas. I'm not supposed to care to anyone. I'm not supposed to be close to anyone except for my family" dismayado ko na ding sabi sa kaniya. "Fine, hindi na kaya ng kunsensiya kong hindi ka itama, hindi ko anak si Ethan. Nagsinungaling sayo si Myla."
"Sino si Myla?"
"Yung empleyado ko na nakausap mo!" pangigigil kong sabi sa kaniya, sa lahat ng kailangan niyang pansinin sa sinabi ko, yun pa talaga ang tinanong niya.
-back from the bakeshop scene-
"Ang bigat mo na agad, ilang cakes kinain mo?" Agad kong sabi kay Ethan ng magpabuhat ito paglabas ni Thomas pero agad ko din itong binaba ng maalala ko ang mga sinabi ni Thomas kanina. "Myla" agad kong sabi at katulad ng inaasahan ko ay nagmamakaawa na ang mga mata nito habang nakataas ang naka peace sign nitong kamay. "Ano.. Anong sinabi mo kay Thomas?"
BINABASA MO ANG
Pag-ibig na hinintay
RomancePaano kung ang pag-ibig na matagal mong hinintay, matagal mong pinangarap ay dumating na, pero sa panahon kung kailan hindi ka na dapat magmahal pa ng iba, kung kailan dapat natutunan mo nang isara ang puso mo sa kaniya.