Hindi pa sumisikat ang araw ay nasundo ko na si Ara sa bahay nila, at heto kami ngayon, tinigil ko ang sasakyan ko sa isang masukal na lugar.
"Hmmm, bakit tayo tumigil dito Thomas?" kitang kita ko ang pagtataka nito pero agad naman nitong binuksan ang pinto niya ng nagsimula na akong bumaba.
"Kailangan na nating maglakad kasi hanggang dito na lang yung kayang pasukin ng sasakyan." Sabay turo ko sa manipis na lakaraan paakyat, agad kong hinawakan ang kamay niya, "Huwag kang mag-alala, sulit yung pagod sa pupuntahan natin, okay?"
"Okay" agad na sagot nito pero kitang kita ko ang pag-alala sa mukha niya, "kaya pala ganitong mga damit ang sinabi mong suotin ko at pinagdala mo ako ng extra damit, balak mo pala akong pagurin." at nagsimula na itong maglakad habang hawak ko pa rin ang kamay niya.
Ilang linggo na rin ng malaman kong wala naman talaga siyang asawa't anak at nang mapaamin ko siya na masaya siya sa company ko. Simula nun ay inaraw araw ko na ang pangungulit sa kaniya.
Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng maramdaman kong humigpit ang paghawak nito sa kamay ko at tila paghinto sa paglalakad. Agad akong napatingin sa kaniya at nakita kong nakayuko ito habang ang isang kamay nito ay nasa dibdib niya, "saglit Thomas."
"Are you okay?" Agad na hawak ko sa mga balikat nito.
"Oo, medyo hini.. hinihingal lang ako." pero kahit pa ganuon ay agad pa rin naman akong nag-alala at nakunsensiya.
"I'm so sorry Ara, akala ko madadalian ka kasi sanay ka naman, kasi athlete tayo diba? Hindi na kita dapat talaga dinala dito, mapapahamak ka pa dahil sa akin." sabay abot ko ng mineral water mula sa backpack ko.
"OA ha" pilit nitong ngumiti, at agad naman itong uminom habang patuloy kong hinahagod ang likod niya. "Wala lang to, matagal na kasi akong walang training diba? Simula nung na ACL tear ako, hindi na ako masyado active. Nabigla lang ako." agad kong pinunasan ng dala kong face towel ang noo niya. "Thomas" mahinang sabi nito.
"Naka make up ka pa pala" agad ko na lang na biro dito nang magkulay ang face towel ko.
"Malay ko bang dadalhin mo ako sa ganitong lugar. Buti naman naisipan mong sabihin na magrubber shoes ako. Halika na nga." Sabay muling hawak nito sa kamay ko.
Nitong mga nakalipas na araw ay naging komportable na talaga kami sa isa't isa na parang wala na lang kapag hinahawakan namin ang kamay ng bawat isa.
"No Ara, I don't think it's still a good idea. Halfway pa lang tayo. Maybe next time. Lets go down." Pero agad hinila ni Ara ang kamay ko.
"Yun na nga Thomas, halfway na tayo, tapos bababa pa. Dali na, gusto kong makita kung ano yung sinasabi mo."
"Next time." maikli kong sagot dito pero ayaw nitong magpahila, "baba na tayo, huwag makulit."
"Ikaw naman nagsabi diba, its going to be worth it." nakangiti ito ng tumingin ako sa kaniya, ngiting paulit ulit niya nang ginagamit sa akin nitong mga nakalipas na araw paggusto niya akong kumbinsihin. "Okay lang ako, tara na, halika na sa taas." muling ngiti nito.
"Ikaw talaga, dinadaan mo ako sa pagpapacute mo ha." napailing kong sabi sa kaniya.
"Effective naman diba?" natatawang sabi nito. Hindi man kami, pero alam kong masaya kaming dalawa pagmagkasama. "Halika na, daming arte!" Sabay hila nitong muli sa akin kaya wala na akong nagawa pa.
"Ang arte, bakit kailangan pa kasing takpan yung mata ko? Ang daming bato, pag ako na sugatan, humanda ka sa akin." iritableng paulit ulit na sabi ni Ara pagkatapos kong lagyan ng piring ang mata niya.
"Sshhh, hindi mo na na-appreciate yung sound kasi ang ingay mo. Oh eto na, 1, 2, 3 surprise" sabay alis ko sa piring ng mata niya.
Tumambad sa kaniya ang isang falls na may humigit kumulang 60 ft lang siguro ang taas, pero ang linaw ng tubig nito. Kitang kita mula sa kinatatayuan namin ang ilalim ng ilog, kaming dalawa lang ang nandito, masasabi kong hindi pa ganun karami ang may alam ng lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig na hinintay
RomancePaano kung ang pag-ibig na matagal mong hinintay, matagal mong pinangarap ay dumating na, pero sa panahon kung kailan hindi ka na dapat magmahal pa ng iba, kung kailan dapat natutunan mo nang isara ang puso mo sa kaniya.