Chapter 1

5 0 0
                                    

"Aya!"


Bigla akong napamulat sa boses ni nanay sa labas ng aking kwarto ngunit napapikit rin agad nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw. Napasarap ata ang aking tulog. 


Pagbaling ko sa aking tabi, bahagya pa akong napa-atras nang makita ang natutulog na mukha ni ate Aya. Oo nga pala, nagkuwentuhan kami kagabi hanggang madaling araw at dito na rin siya inabot nang antok. 


Gigisingin ko na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan.  


"Aya! Creeda! Alas nuwebe na, salubungin niyo na ang tatay at kapatid niyo sa laot." 


Mukhang hindi na nagulat si nanay na nandito si ate dahil madalas niya kaming mabungaran nang ganito tuwing umaga ng Sabado. 


Nagising na si ate Aya at bumangon na din kami pareho. Hinaplos niya ang aking ulo bago dumiretso sa kaniyang kwarto habang ako naman ay dumiretso sa aking banyo. Matapos mag ayos, minabuti kong patungan na lamang ang pantulog kong gray blouse at shorts ng mahabang sky blue cardigan. 


Pagbaba ko sa salas, natanaw kong abala si nanay sa kusina. Marahil ay nagbe-bake siya dahil malapit na ring magbukas ang aming bake shop. Maya maya pa ay bumaba na rin si ate at lumabas na kami ng bahay matapos bumati at magpaalam kay nanay.


Dahil araw ng Sabado, sumama pangingisda sina tatay at Kuya Dy. Malapit na kami sa laot nang matanaw ko ang paparating nilang bangka. Mukhang masagana ang mga naging huli nila. Kumaway si ate Aya nang makadaong na sila.


"'Tay! Dylan! Kamusta?" Patakbong lumapit si ate habang ako ay nakasunod lamang sa likod niya. 


Umalalay agad si kuya kay tatay na mukhang mabigat ang dala. Kinuha din ni ate ang ilan sa mga iyon at nag presinta akong tumulong sa iba pa. 


"Kami na ang bahala ni Kai dito sa mga isda. Dalhin niyo na lamang agad sa nanay niyo iyang mga hipon  dahil gagamitin niya pa iyan para sa mga bine-bake niya." Tumango ako sa sinabi ni tatay at humayo na kami ni ate. 


Pagkapasok namin sa bahay, dumiresto na agad kami sa kusina. Nasa apat na kahon na ng iba't ibang baked goods ang nakapake habang may mga mga nakasalang pa sa oven at inihahanda pa lamang sa lamesa. Daling kinuha ni nanay ang dala namin at itinuro ang pagkain sa bandang gilid ng counter. 


"Ako na dito mga anak. Ihayin niyo na lamang itong seafood stew at garlic bread sa kainan sa labas." 


Sinunod naman namin ni ate ang kaniyang sinabi. Matapos gawin iyon, hinintay namin sila bago magsimulang kumain. Hindi nagtagal ay dumating na rin sina tatay at lumabas na mula sa kusina si nanay. Nagdasal muna ako bago kami kumain. 


"Mukhang masagana ang naging huli ninyo. Marami ba kayong kasama kanina? " tanong ni nanay. 


"Oo, Mahal. Mabuti na lamang at naisama namin ang ilang binatilyo diyan pati sina Manong Nori. Tiyak kong ayos ang benta nila lalo na at parami nang parami ang turista dito sa isla." sagot naman ni tatay sa kaniya. 

Lunula's WarmthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon