Chapter 33

131 18 0
                                    


Wala ni isang tumikhim man lamang at nagpatuloy na magsalita laban kay Shiro. Dito makikita ang agwat ng kapangyarihan ng Elder kaysa sa mga ordinaryong mga Elder ng mabababang mga puwesto ng Opisyales.

"Tama ang sinabi niya, tayo ay mga Bat Race at kalaban natin ang mga tao. Dahil sa treaty ay namumuhay tayo kasama sila ngunit hindi ibig sabihin noon ay pantay tayo sa kanila. Ipinanganak tayong malakas at hindi isang mahinang katulad ng purong tao!" Sambit ni Elder Klim sa malakas na boses. Ginamit niya rin ang kaniyang posisyon bilang Elder.

"Oo, tama ka diyan Elder Klim. Ano ba ang ginawa ng bastardong bata na ito upang gaitin ka ng ganito? May ginawa ba siya?!" Sambit ni Elder Droon sa nakangiting boses.

"Oo, sinira niya lang naman ang aking pinahiram na Enigmatic Sword sa aking estudyante na si Krun. Alam niya ba kung gaano kamahal ang espadang iyon?!" Sambit ni Elder Klim sa galit na boses. Halatang nanghihinayang ito sa kaniyang espada.

Nang marinig ng madla ang sinabi ni Elder Klim ng Blazing Bat Powerhouse ay halos lumuwa ang mga mata nila. Ano nga ba ang Enigmatic Sword? Isa lang naman ito sa 12 Enigmatic Weapons na nasa pangangalaga ng iba't-ibang malalakas na Powerhouse sa kontinenteng ito. Labis ang pagtataka at pagkamangha nila ng marinig nila na nasira ito.

"Masyado mo yatang dinamdam tanda ang pagkasira ng iyong sandata. Sino ba gumamit nun at gusto akong paslangin? Diba ang estudyante mo? Ginamit ko lang naman ang kamao ko upang sirain yun. Hindi rin kalakasan ang espadang iyon dahil isa lamang iyong pinakamahinang replika ng Enigmatic Sword na mabibilang sa Middle-Low Grade Human Step Treasure." Mahinahong sambit ni Van Grego. Hindi alintana ang reaksiyon ng iba.

Napasinghap naman ang marami sa sinabi ni Van Grego. Kahit replika lamang ito ay siguradong malakas rin ito. At ang mas nakakamangha ay nasira niya ito gamit ang kamao? Isa itong hindi kapani-paniwala lalo pa't mayroong soul intent ang replika na siyang hindi basta-basta masisira o sasabog.

Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa paligid lalo na sa pambihirang taglay na lakas ng isang diamond rank.

"At sumasagot ka pa bata ha?! Alam mo bang kawalang respeto iyon sa aming posisyon at katungkulan bilang Elder?! Ako mismo ang paparusa sa iyo! Hyaahhhh!!!!" Sambit ni Elder Klim habang galit itong nakatingin kay Van Grego. Mabilis niyang binunot ang kaniyang mahabang espadang nasa baywang niya at mabilis na sumugod sa pwesto ni Van Grego.

"Lumayo ka Fatty Bim!" Sambit ni Van Grego. Mabilis namang naintindihan ni Fatty Bim habang mabilis nitong ginamit ang water whirlpool technique at napunta sa malayo. Ayaw niya ring maging pabigat kay Van Grego na alam niyang mahihirapan rin ito.

Agad na ginamit ni Van Grego ang kanyang skill.

"Whirlpool Technique: Whirlpool Shield!"

Agad na lumitaw ang isang shield na gawa sa tubig na animo'y solidified.

"Akala mo mapipigilan ako ng shield na iyan, Hyaahhhh!" Galit na sambit ni Elder Klim habang mabilis nitong sinipa ang Shield. Isa siyang Martial Lord Realm Expert kung kaya't sa pagtapak pa lamang ng paa sa Whirlpool Shield na ginawa ni Van Grego ay mabilis itong sumabog.

Agad na tumilapon si Van Grego sa di kalayuan. Sa atake palang na natamo ni Van Grego na iyon ay halos sumakit ang buong katawan niya at sumuka ng sariwang dugo sa kaniyang bibig. Sumakit din ang likod niya dulot ng impact nito sa kanyang katawan.

Agad na nakaramdam si Van Grego ng bigla siyang makaramdam ng panibagong atake mula sa isa pang tao, ang Elder na si Elder Droon.

"Buhay ka pa bata? Puwes papatayin kita ngayon din mismo!" Nanggagalaiting sambit ni Elder Droon. Hindi siya nangangamba na makaabot pa ito sa matataas na opisyales. Alam niyang may tinatago ang katawan ng batang ito.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon