Chapter 37

143 20 0
                                    

Ang mga ito ay kinikuwento nina Breiya at Fatty Bim kay Van Grego. Nagmistulang narrator at pantas ang magkapatid. Masasabi ni Van Grego na hindi nagsisinungaling ang mga ito. May kakaibang enerhiya ang lupa na maski siya ay hindi matukoy ito dahil ang nararamdaman niya lang ito at hindi niya mapag-aralan. Nagtataka siya kung ano ang mga ito.

"Kahanga-hanga, ang magkaroon ng dalawang pormasyon ng bundok na ito na gawa sa itim na mga lupang ito ay masasabing suwerte ito para sa mababang mundong ito." Sambit ni Master Vulcarian kay Van Grego gamit ang mindlink.

"Paano niyo po nasabi Master?! Sinasabi mo bang totoo ang mga haka-haka at alamat na sinasabi ng ilan rito?!" Sambit ni Van Grego na may pagtataka.

"Tama sila na delikado nga ang bawat sulok ng tinatawag na Twin Black Mountain ngunit mayroon ding mga suwerteng sa bawat delikadong lugar kahit ang itim na lupang ito ay isang suwerte!" Sambit ni Master Vulcarian ng makahulugan.

"Tama nga ang sinasabi mo Master pero nagtataka ako sa huli mong sinabi." Labis pa ring nagtataka si Van Grego habang naghihintay ng sagot muka sa master niya.

"Hindi pa oras upang alamin mo ito. Ang baba pa ng Cultivation Level mo. Sa antas mo ngayon na 1st Diamond Life Destruction Stage ay na pagpasok mo palang sa loob ng mga dangerous areas ng Twin Black Mountain ay baka maging abo ka nalang. Ang pressure at ghostly auras pa lamang na nakakalat maging ang delikadong miasma na makikita sa kapaligiran ay baka ma-corrode na ang iyong mortal na katawan. Kaya kahit malaman mo ito ay wala pa rin iyong silbi. Hayaan mong lumakas ka at ito mismo ang bubukas ng daan para sa iyo." Makahulugang sambit ni Master Vulcarian habang may kasama ito paalala sa batang si Van Grego.

Agad namang natakot si Van Grego sa narinig niya. Para sa labintatlong taong gulang na katulad niya ay nakaramdam pa rin siya ng pangamba. Ang miasma ay kakaibang kemikal na nalilikha sa mga delikadong lugar. Kapag malakas ang miasma o mas grabe yung density levep nito ay kaya itong humalo sa hangin at kung mahina ang iyong protective essence ay magco-corrode ito dahil sa corrosive properties nito na kayang tunawin ang iyong katawan o ang mga nasa paligid nito.

"Ganon ba Master, pagsisikapan kong mapataas ang aking Cultivation Level at ibang antas ng aking sariling kakayahan." Sambit ni Van Grego ng nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa itim na itim nitong mga mata.

...

Pagkalipas ng ilang oras na paglalakbay nila, sa wakas ay nakarating na sila sa Soaring Light Province. Ang buong Western Region ay binubuo ng labinwalong probinsya at bawat probinsiya ay kasinlawak ito ng dalawampong pinagsamang bayan. Nahahati sa dalawang sect ang bayan kung kaya't mayroong 36 Sects. Labingwalo sa mga ito ay Sect para sa iba't-ibang mga Races / Hybrid Sect at ang labingwalo naman ay para sa Human Sect. Sa 36 sects ay labing-anim ang sumusunod sa Devil Path Cultivation (9 Hybrid Sect & 7 Human Sect) at dalawampo naman ang lumalakad sa Righteous Path (9 Hybrid Sect & 11 Human Sect). Nalaman ito ni Van Grego nang tinanong niya ang dalawang magkapatid.

Ang kaniyang paglalakbay na ito ay marami siyang natutunan at hindi naging boring.

Agad namang nagpunta sila sa registration Area kung saan maraming mga Martial Artists ang pumipila. Kalahating oras silang pumila at nakapagregister na.

"Sa wakas ay nakasali na tayo sa Martial Junior Tournament na ito. Gusto ko nang subukan kong gaano ako kagaling!" Sambit ni Fatty Bim habang gumagawa siya ng fighting moves sa hangin na siyang ikinalingon at ikinatawa ng mga nakapaligid sa kanya.

"Kuya Bim, wag mo ngang ipahiya sarili mo tsaka 'wag mo kaming idamay ni Kuya Van. Magseryoso ka muna tsaka wag puro pasikat baka mautakan at malaman ng iyong magiging kalaban ang mga galaw mo, ikaw din?!" Sambit ni Breiya habang may nakakalokong ngisi.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon