Part 2

45 7 3
                                    

Loving You Secretly (BXB 2023)

Part 2: Thank you for not coming with us

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Part 2: Thank you for not coming with us

"That would be all. Thank you, class!" Iyon ang sabi ng professor namin sa Taxation bago siya lumabas ng klase.

After ng class namin ay napaisip ako kung saan ako pupunta. I decided na magpunta na lang sa labas ng campus. Gusto ko sanang magkape.

Dahil gusto kong magkape ay lumabas na ako ng Business Management building at nagmadali akong maglakad until nakita ko si Yuki na nakatingin sa akin. Or baka naman namamalik-mata lang ako kasi two weeks ko na siyang iniiwasan dahil sa distansyang hinigi niya sa'kin the last time na nagkausap kami.

Since ayokong mag-assume, isinuot ko na lang ang wired earphones ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Can I talk to you for a minute?" Iyon ang sabi sa akin ni Yuki habang nakahawak sa balikat ko.

Napatingin lang ako sa kanya at parang tumigil ang mundo ko saglit. Ang gwapo niya kasi.

"I said, can I talk to you," aniya at tinanggal ko ang aking suot na earphones.

"What is it?" Tanong ko.

"Have you seen Ria? I can't reach her since yesterday," aniya.

"Wala eh. You told me to know my place, 'di ba? That is why I haven't seen her up to date," sagot ko.

"I am sorry sa mga sinabi ko. I overreacted and I didn't know you're his childhood friend," sabi naman niya.

"Sige," ayon lang ang sagot ko pero deep inside, masaya ako kasi kinausap niya ako. Siya pa ang nag-approach.

"Maiba tayo. Do you know where she is?" Pag-iiba niya ng usapan. Hindi nga pala ako 'yong sentro ng buhay niya at ang reason kung bakit niya ako in-approach. It's Ria. My bestfriend.

"Maybe she's still sleeping. Hmm sa dorm niya," sabi ko naman.

"Do you know where's her dorm?" Tanong niya.

"Hindi ka pa ba nakakapunta ro'n?" I asked.

"That's why I asked you," pamimilosopo niya.

"Tawagan ko muna," sabi ko at inilabas ko ang cellphone ko.

After I called her number, sumagot naman siya agad.

I put my phone on speaker.

"Ri, where are you?" Tanong ko.

"Dorm. Kaakagising ko lang," sagot niya.

"Your boyfriend is looking for you," sabi ko naman pabalik.

"I don't want to talk to him," sagot naman ni Ria at nagkatinginan kami ni Yuki sandali.

"Babe, talk to me," sabi ni Yuki at inagaw niya sa akin ang cellphone ko.

"What made you mad ba? I can make it up to you. Just tell me what to do," sabi ni Yuki at huli ko na nalaman na ibinaba na pala ni Ria ang tawag.

"Can you call her again?" Tanong ni Yuki sa'kin.

"Hindi mo ba siya narinig?" Tanong ko. "Ayaw ka raw makausap."

"I don't know what to do," sabi niya sa'kin.

Napaisip tuloy ako na sana ako na lang 'yong dahilan ng pag-aalala niya at pag-act niya ng ganito. How I wish ako 'yong pinag-aalayan niya ng ganitong side niya.

"Kumalma ka nga muna. Ganoon talaga si Ria." At kumalma naman siya.

"How am I suppose to be calm when she's ignoring me?" Tanong niya sa akin.

"What made her mad ba?" Tanong ko.

"Hindi ko siya nasundo sa class niya two days ago," sabi niya.

"Nako. Tampo 'yon," natatawa kong sagot. Yes, Ria can be childish sometimes and dapat malaman niya iyon.

"Lambingin mo lang and puntahan mo sa dorm niya. Dalhan mo ng Korean food. Kakausapin ka no'n," sabi ko naman.

"But I don't know kung saan ang dorm niya," sabi naman niya.

"Ite-text or message ko sa'yo. Akin na number mo," sabi ko.

Somehow, makukuha ko ang number niya ng walang hirap.

At agad din naman niyang itinipa ang numero niya sa aking cellphone at wala akong sinayang na oras and I saved it agad-agad.

"YUKI"

Iyon ang pangalan niya sa phonebook ko.

Mag-a-add pa sana ako ng puso kaso wala nga lang pala ako sa buhay niya. Bestfriend lang ako ng girlfriend niya. Ang sakit isipin.


After kong ma-text ang address ng Dorm ni Ria ay hindi na nag-reply pang muli si Yuki bukod sa "thank you" niya. Ano pa bang inaasahan ko? Wala.



After that day, I saw Ria and Yuki walking towards my direction. They were smiling and I can they na okay na sila.

Nagawa ko na siguro 'yong part ko.

"Ash, tara kain tayo sa labas," pag-aaya ni Ria sa'kin.

"Nako, may tatapusin pa'kong report for tomorrow. I can't come. Mag-ingat na lang kayo dalawa," sabi ko. Hey, ayokong maging third wheel.

"Sige. Tapusin mo na iyan," sabi ni Ria.
"Mauna na kami," sabi pa niya and Yuki just waved his left hand before leaving.

Ang ganda nilang tingnan mula sa likuran ko. Maganda at gwapo. Fine Arts student at Accountancy.

Gusto ko sanang sumama sa kanilang dalawa para makasama ko si Yuki pero mas gusto kong at peace ako. Ayokong makitang naglalandian sa harap ko 'yong dalawa. Mas prefer kong masaktan ng palihim kaysa harap-harapang isapal sa'kin na hanggang dito lang ako sa buhay ni Yuki.

After fifteen minutes na pagtayo sa gilid ng study center, nabasa ko ang text mula kay Yuki.

"Thank you for not coming with us."

Ang galing. Hindi naman masakit.

Itutuloy...

LOVING YOU SECRETLY (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon