PART 1

73 5 3
                                    

Loving You Secretly (BXB 2023)

Part 1: Threat

Nagsimula ang lahat sa pagpapakilala sa'kin ni Ria sa boyfriend niyang si Yuki. I know him before her pa pero makulit talaga ang tadhana. 'Yong taong gusto ko, pag-aari na ng bestfriend ko.

I have no idea na sa loob ng maikling semestral break namin ay si Yuki at si Ria na agad.

"Ash, si Yuki, boyfriend ko," panimulang pagpapakilala sa akin ni Ria sa boyfriend niyang kilalang-kilala sa campus dahil siya lang naman ang dating Mr. Intramurals 2018.

"Hi, Yuki!" Iyon ang sabi ko at tumango naman siya at ngumiti kaya nasilayan ko ang kanyang magandang mga ngiti kung saan makikita ang puti at ganda ng kaniyang mga ngipin.

"It's really nice meeting you, Yuki!" Nakangiti kong sabi at ngumiti lang siya bago tumingin kay Ria.

'Yong tingin na alam kong hanggang pangarap ko lang matanggap mula sa kanya lalo na't bakla ako. Although hindi naman ako 'yong baklang soft at crossdresser. Ako 'yong baklang hindi mo paghihinalaang bakla dahil muka akong lalaki at hindi rin lambuting kumilos.

"Babe, Ash, maiwan ko muna kayo rito saglit ha. I need to wash my hands. May naiwan pa kasing paint. Usap muna kayo ha," pagpapaalam bigla ni Ria.

"Take your time, babe," sagot ni Yuki at tumango naman ako.

Dahil umalis si Ria ay naiwan kami ni Yuki sa bleachers at tumingin siya sa akin at nawala ang kaniyang mga ngiti at napalitan iyon ng malamig na ekspresyon.

"I won't be saying anymore less, Ash. I don't like you. I know your type. I don't buy your friendship-thingy," sabi niya sa akin kaya nawala ako sa momentum bigla at hindi ako nakapagsalita kaagad.

"Stay away from my girl and know your place," sabi pa niya.

"Ah, Yuki, hindi kita maunawaan," sagot ko.

"You know what I am saying. Hindi ka naman siguro tanga. Lumayo ka kay Ria. Walang kaso sa'kin kung babae ka sana eh, but you're also a guy and I don't think it's okay for a woman to be friend sa lalaki especially, kapag taken ang kahit na sino sa kanila," aniya.


"Ah, Yuki.." hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil tumayo na siya para salubingin si Ria.

Looking at them hurts. Gustung-gusto ko si Yuki first year college pa lang kami. We even became classmates and napahanga niya ako hindi lang dahil sa looks niya kundi dahil sa galing niya sa klase.

Ever since that day, I get to know him best. I know his favorites. From colors hanggang sa mga favorite niyang pasyalan. I even collected random pics na ako mismo ang kumuha. Nasa laptop ko iyon at mukang kailangan ko na iyong burahin ngayon. Lagi ko ring nila-like ang mga tweets niya pati na rin ang mga posts niya sa instagram.

Ganoon ako ka-dedicated sa kanya.

"Ash, let's go!" Pagtawag sa'kin ni Ria na tila sinampal na naman ako ng katotohanan na si Ria na at si Yuki, ang lalaking gustung-gusto ko.

"Ah, Ria, Yuki, mauna na kayo. Dadaan pa pala akong library. I need to get something there." Sagot ko.

"Hmm. Oh siya, mauna na kami sa'yo ha," sabi ni Ria at nag-smirk naman sa akin si Yuki.

Threat ba talaga ako sa kanya?

Hindi ko man lang naipaliwanag ang side ko.

Itutuloy

LOVING YOU SECRETLY (HIATUS!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon